X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Alamin ang best baby shampoo in the Philippines na inire-rekumenda ng mga Pinay Mommies. Alamin din ang kanilang presyo at kung saan mabibili.

Ang buhok at scalp ni baby ay nangangailangan ng special care, gaya na lamang sa pag-aalaga sa kanyang sensitive skin. Bilang isang magulang, nararapat lamang na malaman natin ang tamang pamamaraan ng pag-aalaga ng kanilang buhok at scalp upang ito ay maging healthy. At isa ang baby shampoo sa essentials na makatutulong sa maganda at healthy na development ng buhok at scalp.

Sa kabilang banda, marami nang naglalabasan na baby shampoo sa market na nangangakong bibigyan ng sapat na pangangalaga ang buhok at scalp ni baby. Ngunit paano ka makakasigurado na ito ang nararapat gamitin para sa iyong baby?

Worry no more! Narito kami para tulungan ka. Inilista namin ang aming top 10 baby shampoo picks na gentle at magbibigay ng special care sa buhok at scalp ng iyong little one.

 

best baby shampoo in the philippines

Best baby shampoo in the Philippines | Photo by Thomas Despeyroux on Unsplash

 

Table of Contents

  • Top 10 baby shampoo na trusted ng Pinay moms
  • Human Nature Natural Baby Wash 
  • Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo
  • Nivea Baby No Tears Shampoo
  • Price Comparison
  • Pagpili ng baby shampoo para sa inyong little One
  • Mga gabay sa magulang sa pagpili ng tamang baby shampoo
  • Mga dapat ikonsidera sa pagpili ng baby shampoo na hihiyang kay baby

Top 10 baby shampoo na trusted ng Pinay moms

Hindi makukumpleto ang shopping list mo para sa iyong precious one kung wala ang baby shampoo. Kaya naman kung naghahanap ka ng gentle at baby-safe shampoo, alamin ang aming top picks ng 10 best baby shampoo in the Philippines:

Top 10 Baby shampoo
product image
Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash
more info icon
View Details
BUY FROM SHOPEE
product image
Johnson's Active Kids Shiny Drops Shampoo
more info icon
View Details
BUY FROM SHOPEE
product image
Babyflo Baby Shampoo Green Natural
more info icon
View Details
Buy from Lazda
product image
Sanosan Organic Baby Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Lazda
product image
Human Nature Natural Baby Wash
more info icon
View Details
Buy from Lazda
product image
Baby Dove Shampoo Rich Moisture
more info icon
View Details
Buy from Shopee
product image
Cetaphil Baby Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Shopee
product image
Mustela Foam Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Shopee
product image
Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Shopee
product image
Nivea Baby No Tears Shampoo
more info icon
View Details
Buy from Lazda

Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash

Best pH balanced

Mamas Choice Baby Hair & Body Wash

Isa pa sa katangian na dapat tingnan sa pagpili ng baby shampoo na  gagamitin para kay baby ay ang pH level. Kinakailangan na ang pH level ng baby shampoo na gagamitin ay balanced o neutral nang sa ganoon ay ‘di ito magkaroon ng irritating effects sa balat ni baby. Kaya’t kung ikaw ay naghahanap ng 2-in-1 baby shampoo at wash na may balanced pH at hypoallergenic, subukan ang Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash. Pasok na pasok ito sa best baby shampoo in the Philippines.

Ito ay gawa sa natural ingredients na effective sa paglilinis ng sensitive skin ni baby. Ang chamomile, lavender, at sugar maple extract nito ay nakaka strengthen at nakaka moisturize ng kutis at buhok. Ito rin ay Pediatrician approved kaya naman siguradong hindi ka mabibigo sa pag gamit ng produktong ito para sa iyong anak. 

Features we love:

  • May balanced pH at hypoallergenic
  • 2-in-1 baby wash at shampoo
  • Gawa sa natural ingredients

Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash - ₱399

by Mama's Choice

product imageBUY FROM SHOPEE
product imageBUY FROM LAZADA

 

Johnson’s Active Kids Shiny Drops Baby Shampoo

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Most Trusted

Trusted ng mga nanay around the world, ang Johnson’s Active Kids Shiny Drops Shampoo  ay itinanghal bilang Parents’ Choice 2023 sa TAP Awards 2023. Ito ay may mild formula na nakakapag moisturize ng scalp ni baby at mayroong balanced pH. Ito rin ay may no more tears formula na gentle para sa mga mata ng iyong precious one. Gawa sa baby-safe ingredients, ito ay walang parabens, phthalates, sulfates at dyes.

Bukod pa roon, ang baby shampoo na ito ay hypoallergenic. Mayroon din itong argan oil at silk protein na nakakatulong upang maging shiny at silky ang buhok ng iyong growing baby. Ang produktong ito ay tested din ng Pediatricians kaya’t makakasigurado kang ligtas ito gamitin para sa iyong precious one.

Features we love:

  • Mild at no more tears formula
  • Argan oil at silk protein
  • Paraben, phthalates, sulfates at dye-free
  • May balanced pH at hypoallergenic
  • Trusted ng mga mommies at ng experts

Johnson's Active Kids Shiny Drops Shampoo - ₱95

product imageBUY FROM SHOPEE
product imageBUY FROM LAZADA

 

Babyflo Baby Shampoo Green Natural

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Most Budget-friendly

Kung affordable baby shampoo naman ang hanap mo, siguradong ang Babyflo Baby Shampoo ang swak para sa iyong budget. Ang natural baby shampoo na ito ay mayroong hair conditioner at lime extract na naglalaman ng antioxidant at may cleansing properties, isa ito sa maituturing na best baby shampoo in the Philippines.

Ito rin ay may tear-free formula at walang halong harsh chemicals kaya’t makakasigurado kang safe ito gamitin para kay baby. Nag-iiwan ito ng mild fruity, floral at woody scent sa scalp at buhok. Higit pa roon, ang baby shampoo na ito ay clinically at dermatologically tested kaya naman makakatiyak kang the best ito gamitin para sa iyong anak.

Features we love:

  • Swak sa budget
  • Natural
  • May mild fruity, floral at woody scent

Babyflo Baby Shampoo Green Natural - ₱87 - ₱129.75

product imageBuy from Lazda
product imageBuy from Shopee

 

Sanosan Organic Baby Shampoo

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Best Organic

Kung ang hanap mo naman ay organic baby shampoo, i-add to cart mo na kaagad ang Sanosan Organic Baby Shampoo. Ito ay may kakayahang mag moisturize at i-rebalance ang scalp ni baby upang mas maging healthy ito, maging ang kanyang buhok. 

Ang combination ng organic olive oil at milk protein ay mabisang sangkap upang malabanan ang dryness ng scalp at buhok. Ito ay dahil sa may kakayahan ang mga ingredients na ito upang mapanatili ang natural moisture content ng scalp. Bukod dito, ang produktong ito ay walang halong harmful chemicals gaya ng paraffin oil, colorants, silicone at parabens.

Features we love:

  • Gawa sa mga organic ingredients
  • Nalalabanan ang dryness ng scalp at buhok
  • Walang halong harmful chemicals

Sanosan Organic Baby Shampoo - ₱299.75

product imageBuy from Lazda
product imageBuy from Shopee

 

Human Nature Natural Baby Wash 

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Best Hypoallergenic

May extra sensitive skin ba ang iyong baby? Kung mayroon, nararapat lamang na hypoallergenic ang baby shampoo na iyong pipiliin para sa kanya. Ito ay makatutulong upang maiwasan ang anumang iritasyon dulot ng iba’t ibang ingredients. Mabuti na lamang at ang Human Nature Natural Baby Wash ay mayroong hypoallergenic, mild at gentle formula na perfect para sa iyong anak na may extra sensitive skin.

Karagdagan, gawa ito sa skin-loving natural ingredients gaya ng lavender, rosemary at chamomile extract na nagdudulot ng iba’t ibang benepisyo sa scalp, buhok at balat ni baby. Mayroon itong mild scent na hindi nakakairita sa balat. Ito rin ay walang halong harmful chemicals gaya ng paraben, synthetic fragrance at mineral oil.

Features we  love:

  • Hypoallergenic baby wash and shampoo
  • Gawa sa natural ingredients
  • Mayroong non-irritating fragrance

Human Nature Natural Baby Wash - ₱379.75

product imageBuy from Lazda
product imageBuy from Shopee

 

Baby Dove Shampoo Rich Moisture

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Best Moisturizing

Kinakailangan ng scalp ni baby ang intense moisturization upang maiwasan ang dryness na maaaring maging sanhi ng iba’t ibang health concerns. Ang Baby Dove Shampoo Rich Moisture ay isa pa sa ideal na gamitin para kay baby sapagkat ito ay mayroong ¼ moisturizing cream na nakakapag nourish ng scalp ng iyong precious one.

Gentle ito sa balat kaya naman sigurong magiging healthy ang scalp ni baby at gaganda ang pagtubo ng kanyang buhok. Ito rin ay hypoallergenic at may neutral pH level kaya’t makakatiyak kang makakaiwas ang iyong anak sa anumang iritasyon. Bukod pa roon ay ito ay may tear-free formula.

Features we love:

  • Moisturizing baby shampoo
  • May ¼ moisturizing cream
  • Hypoallergenic at may neutral pH level

Baby Dove Shampoo Rich Moisture - ₱231

product imageBuy from Shopee
product imageBuy from Lazada

 

Cetaphil Baby Shampoo

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Best Scalp caring

Para sa mga magulang, mahalagang piliin ang baby shampoo na nagbibigay ng extra care para sa scalp ni baby. Kapag healthy ang scalp ni baby, healthy rin ang kanyang buhok. Kaya naman aming inirerekomenda ang isa pa sa mga experts at parents trusted na baby shampoo mula sa Cetaphil.

Ang Cetaphil Baby Shampoo ay may gentle caring composition na naglilinis ng buhok at scalp ni baby habang pinapanatili ang moisture nito. Mayroon itong natural chamomile extract na makatutulong para maging healthy ang scalp ni baby. Ito rin ay may tear-free formula at balanced pH level na ideal para sa pang araw-araw na gamitan. Ang produktong ito ay tested ng mga Dermatologists at Ophthalmologists, at inirerekomenda ng mga Pediatricians kaya naman sure na sure kang safe ito para sa iyong precious one.

Features we love:

  • Nakakatulong upang maging healthy ang scalp
  • Gawa sa gentle caring ingredients
  • Tested at recommended ng mga experts

Cetaphil Baby Shampoo - ₱319

product imageBuy from Shopee
product imageBuy from Lazada

 

Mustela Foam Shampoo

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Best for Cradle Cap

Isa sa mga common concerns sa scalp ng baby ay ang cradle cap. Ang dryness ng balat ay isa sa nagiging sanhi nito kung kaya’t effective gamitin ang baby shampoo na may foamy texture para mas intense ang moisturization ng scalp. At isa sa pinaka pinagkakatiwalaan na anti-cradle cap shampoo sa bansa at sa iba’t ibang panig ng mundo ay ang Mustela Foam Shampoo.

Naglalaman ang baby shampoo na ito ng Avocado Perseose na nagbibigay proteksyon sa skin barrier, nakakapag moisturize at nagpre-preserve ng cellular richness ng balat. Ito rin ay may salicylic acid na mabisang pantanggal ng cradle cap dahil ito ay may exfoliating effect. Mayroon din ito climbazole na nakakapag purify ng balat at mild surfactants na gentle na nililinis ang scalp habang iniiwasan ang pagkadry nito. 

Features we love:

  • Mabisang baby shampoo para sa cradle cap
  • Foamy texture
  • Naglalaman ng natural at skin-caring ingredients

Mustela Foam Shampoo - ₱595

product imageBuy from Shopee
product imageBuy from Lazada

 

Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo

Best Lightly Fragranced

Baby Hair Care: 10 Best Baby Shampoo in the Philippines

Kung nais mong gumamit ng lightly scented na baby shampoo para sa iyong anak, aming inirerekomenda ang Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo. Ito ay ginamitan ng non-irritating natural fragrance na nag-iiwan ng unique scent sa buhok at balat ni baby. Gentle ito sa buhok at balat, at napapanatili nito ang moisture kaya’t makakaiwas sa dryness si baby na maaaring magdulot ng iba’t ibang concerns.

Higit pa roon, ang baby wash at shampoo na ito ay hypoallergenic, at mayroong colloidal oatmeal na mayroong anti-inflammatory and antipruritic properties. Ito rin ay antioxidant, protective barrier sa balat, pH balancer,prebiotic, moisturizer at gentle skin cleanser.  May pH balanced at tear-free formula rin ang soap-free wash and shampoo na ito.

Features we love:

  • Lightly fragranced
  • Naglalaman ng colloidal oatmeal na beneficial sa balat
  • pH balanced at tear-free formula

Aveeno Baby Daily Moisture Wash & Shampoo - ₱363

by Aveeno

4.6/5
product imageBuy from Shopee
product imageBuy from Lazada

 

Nivea Baby No Tears Shampoo

Best baby shampoo in the Philippines - Nivea shampoo

Best Extra Mild

Para sa young, delicate skin ni baby, perfect ang baby shampoo na may extra mild formulation upang makaiwas sa anumang iritasyon at iba pang health concerns. At ang Nivea Baby No Tears Shampoo ay isa sa perfect na halimbawa ng baby shampoo na may extra mild formula. 

Gawa ito sa mga skin-friendly ingredients na safe at gentle na nililinis ang buhok at scalp ni baby. Ito ay may chamomile extract na nakakatulong upang makaiwas sa anumang iritasyon sa balat. Ito rin ay hypoallergenic at hindi naglalaman ng parabens, alcohol at anumang artificial colorants.

Features we love:

  • Skin-friendly ingredients
  • Hypoallergenic
  • Paraben, alcohol at colorants-free

Nivea Baby No Tears Shampoo - ₱188

by Nivea

product imageBuy from Lazda
product imageBuy from Shopee

 

Price Comparison

Brand Price (Php)
Mama’s Choice Baby Hair and Body Wash 399.00
Johnson’s Active Kids Shiny Drops Baby Shampoo 95.00
Babyflo Baby Shampoo Green Natural 87.00 – 129.75
Sanosan Organic Baby Shampoo 299.75
Human Nature Natural Baby Wash  379.75
Baby Dove Shampoo Rich Moisture 231.00
Cetaphil Baby Shampoo 319.00
Mustela Foam Shampoo 595.00
Aveeno Baby Daily Wash & Shampoo 363.00
Nivea Baby No Tears Shampoo 188.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date

Pagpili ng baby shampoo para sa inyong little One

Ang mga sumusunod ang ilang sa mga ingredients na dapat tignan sa pagpili ng tamang baby shampoo sa inyong baby.

1. Fruit oils

Madalas ito nilalagay para amoy fresh ang amoy ng buhok ni baby lalo na yung mga pawisin. Ginagamit din ang fruit oils para sa dagdag na moisturizer sa scalp ng baby. Halimbawa nito ang avocado oil at mixed berries oil.

2. Chamomile extract

Para maiwasan ang pangangati sa scalp ni baby. Nakakapagpatibay rin ito ng buhok at nagpapalago.

3. Sunflower seeds oil

Kilala rin ito sa para sa magandang pagtubo ng buhok. Mayroon din itong antioxidant at vitamin E na kailangan ng ating katawan.

4. Plant based glycerin

Ito ay kadalasan gawa sa soybean o coconut oil kaya naman ito ay mild at may magandang benefits sa hair ni baby. Ang soybean oil ay nagbibigay ng natural moisture. Habang ang coconut oil naman ay napakaraming benefits na binibigay para masigurong healthy ang scalp at buhok ng ating baby.

Ang mga sumusunod na ingredients ang mga dapat iwasan sa pagbili ng baby shampoo.

  • Parabens o mga kemikal na ginagamit bilang preservative sa iba’t ibang mga produkto sa balat.
  • Phthalates o yung kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastic na mga produkto.
  • Dyes o pampakulay na gawa sa kemikal na nakakasira sa balat.
  • Sulfate o SLS na karaniwang makikita sa mga panlinis sa ating bahay.
  • Fragrant na gawa sa harmful ingredients.
best baby shampoo in the philippines

Best baby shampoo in the Philippines | Photo by Nathan Dumlao on Unsplash

 

Mga gabay sa magulang sa pagpili ng tamang baby shampoo

Sa pagpili ng baby shampoo, hindi kailangan na palaging mura ang pipiliin upang makatipid tayo bilang mommy. Dapat tignan rin natin ang kalidad ng mga produkto na binibili natin sa ating baby. Ito ang ilang sa mga dapat ikonsidera sa pagpili ng baby shampoo.

  • Gumamit ng baby shampoo na may tear-free formula para maiwasan ang pagkairita ng mata ni baby habang siya ay naliligo.
  • Gumamit ng hypoallergenic shampoo sa mga baby na may skin condition tulad ng dry skin, eczema, at allergies.
  • Mas makabubuting gumamit ng baby shampoo na unscented o fragrance free para maiwasan ang allergic reaction sa kanilang scalp. Kung walang mabiling na fragrance free, humanap lamang ng may mild scent o galing sa fruit ang scent na ginamit sa paggawa ng baby shampoo.
  • Iwasan bumili ng baby shampoo na may pampakulay na gawa sa harmful na chemical. Maaring dito magmula ang skin irritation ni baby.
  • Maigi ring gumamit ng 2-1 na baby body wash at shampoo. Mas matipid kumpara sa pagbili ng dalawang magkaibang produkto. Piliin lamang ang hiyang sa skin type ni baby at walang harsh na ingredients.
  • May mga baby shampoo rin na gawa sa organic ingredients na mas nakakabuti sa inyong baby. Mas mahal nga lang ito kumpara sa ilang baby shampoo, ngunit nakakasiguro naman na safe ang inyong baby sa paggamit nito.

 

Mga dapat ikonsidera sa pagpili ng baby shampoo na hihiyang kay baby

1. Mga baby na may skin condition

Ang unang una na dapat ikonsidera sa pagbili ng baby shampoo ay ang skin condition ni baby. Habang ang bagong panganak na baby ay may very sensitive skin.

Ang ibang baby naman ay mayroong eczema o skin allergy. Magandang ikonsulta sa pedia bago bumili ng shampoo na babagay sa sa skin ni baby. Piliin ang shampoo na may mga natural na ingredients na makakabuti kay baby. Ito ay may natural skin moisture na binibigay sa scalp ni baby para maiwasan ang patrigger ng eczema at skin allergy ni baby.

best baby shampoo in the philippines

Best baby shampoo in the Philippines | Photo by Manuel Schinner on Unsplash

2. Alcohol-free

Tignan ang list ng mga ingredients sa baby shampoo. Piliin ang alcohol-free sa mga nakahanap na baby shampoo sa inyong supermarket.

Karaniwan na may alcohol ang mga adult shampoo na may refreshing effect o cooling effect habang ito ay ginagamit. Nakakadry ito ng scalp ni baby at maaring pagmulan ng rashes.

 3. Neutral PH

Isa sa factor na dapat tignan sa baby shampoo ay ang PH level. Pumili ng baby shampoo na may PH7. Ang baby shampoo na may PH 1 hanggang 6 ay nangangahulugan na ito ay acidic.

Kapag naman ito ay nasa pagitan ng 8 hanggang 14, ito ay alkaline. Ang mataas o mababang PH sa baby shampoo ay nagiging sanhi ng irritation at pangangati sa scalp.

 4. Fragrance

Gumamit ng fragrance free shampoo lalo na sa mga baby na may skin allergies at eczema. Ang karamihan sa mga adult shampoo na may mahalimuyak na amoy ay gawa sa mga harsh chemical. Kung ito ay gagamitin sa baby shampoo, malaki ang chance na magkaroon si baby ng skin irritation.

 

Mustela, Aveeno, Baby Dove, Johnson’s Baby, Cetaphil

Editor's note: The product links provided here are aimed to help simplify product searches for our readers. Purchase the items at your own discretion. We do not take liability for any transaction issues and dispute. If you purchase an item from this post, theAsianparent may receive a small cut. Each item and price is up to date at the time of publication; however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
img

Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

I-share ang article

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community saiOS oAndroid!

  • Can babies eat chocolate: Guide for satisfying your little one's sweet tooth

    Can babies eat chocolate: Guide for satisfying your little one's sweet tooth

  • Best Laundry Detergent Formulated For Babies: Our Top 6 Picks

    Best Laundry Detergent Formulated For Babies: Our Top 6 Picks

  • Maging Summer Ready! Epektibong Tips Pampaputi ng Kilikili

    Maging Summer Ready! Epektibong Tips Pampaputi ng Kilikili

  • Can babies eat chocolate: Guide for satisfying your little one's sweet tooth

    Can babies eat chocolate: Guide for satisfying your little one's sweet tooth

  • Best Laundry Detergent Formulated For Babies: Our Top 6 Picks

    Best Laundry Detergent Formulated For Babies: Our Top 6 Picks

  • Maging Summer Ready! Epektibong Tips Pampaputi ng Kilikili

    Maging Summer Ready! Epektibong Tips Pampaputi ng Kilikili

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.