Ano ang best stroller sa Philippines para sa ating Pinay moms?
Isa sa mga kailangan ng sanggol ay ang stroller. Kadalasan itong ginagamit kung mamamasyal sina mommy at daddy sa park kasama si baby. Makakatulong din ang stroller kina mommy at daddy lalo na kapag sila'y lalabas o magta-travel. Alis ngalay na para kina mommy at daddy ang pagkakaroon ng stroller. Kaya naman less din ang kanilang pagod.
[caption id="attachment_393479" align="aligncenter" width="670"] Image from IStock[/caption]
Isa ang stroller sa must-have ng mga baby. Bukod kasi na makakatulong ito kay mommy at daddy. Makakatulong din ito kay baby upang maging kumportable siya sa pamamasyal. Nagsisilbi rin itong tulugan ni baby kapag napagod na kakapasyal. Kumportable at safe pa. Pero ano nga ba ang mga best stroller sa Pilipinas?
Nagbabalak ka bang bumili ng stroller para kay baby, ano nga ba ang the best para sa kanila?
Aming tinanong ang ating mga huwarang nanay sa theAsianparent Community, kung ano para sa kanila ang best stroller for baby. I-ready na ang iyong card dahil ito ay proven at tested ng Pinay moms!
[caption id="attachment_393041" align="aligncenter" width="670"] Best stroller in the Philippines | Image from Unsplash[/caption]
LIST: Best stroller para kay baby, ayon sa Pinay moms
1. Apruva Aller Lightweight Reversible Stroller
"Apruva 'yung reversible ang handle para kahit pinupush si baby kita mo pa rin kung ano ginagawa niya kasi nakaharap siya sayo."
Isa ang Apruva reversible stroller sa trusted na brand ng ating mga mom. Available ito sa iba't ibang kulay at mayroon na ring seatbelt at dining tray. Madali mong madadala ang ibang gami ni baby dahil may storage basket ito sa ilalim ng upuan.
Please scroll to the bottom for the product link.
2. Aprica Air Stroller
"Worth it."
Maraming moms ang gumagamit ng Aprica stroller dahil ito ay lightweight at compact dalhin kapag nakasakay na si baby sa loob. Maraming features ang stoller na ito katuald na lamang na pwede mong i-lock ang gulong, 3D air permeable mesh seat at iba pa.
Please scroll to the bottom for the product link.
3. Graco Stroller Featherweight
"Graco is the best. Napaka tibay hanggang ngayon sa 2nd baby ko gamit pa rin po namin."
Kilala rin ang Graco stroller sa pagiging ultra lightweight nito. Hindi kana mahihirapan magtulak kapag nakaupo si baby dito.
Please scroll to the bottom for the product link.
4. Chicco London Up with Bumper Bar Stroller
"Chicco! Mura lang siya at gusto ng baby ko."
Mabibili naman ang Chicco stroller sa halagang. 7,999 pesos sa online. Marami na itong features katulad ng foldable bumper bar, rain cover at basket. Sobrang easy din dalhin dahil lightweight ito.
Please scroll to the bottom for the product link.
5. Looping Squizz 2 Compact Umbrella Stroller
"Looping gamit ko. Maganda siya at hindi irita si baby."
Ang stoller na ito ay para sa mga mommy na naghahanap ng lightweight at compact na stroller. Puwedeng-puwede i-adjust ang ang backrest at natatanggal rin bumper bar. Available ito online at mabibili sa murang halaga.
Please scroll to the bottom for the product link.
6. Combi F2 plus AF Stroller
"Eversince combi talaga gamit namin. Magaan lang kasi at madaling dalhin"
Ang Combi stroller ay mayroong iba't ibang kulay na puwede mong pagpilian. Ito'y magaan kapag tinutulak kaya naman less hassle na si mommy kapag nakasakay na si baby. Reversible rin ang seat cushion nito na may dalang high ventilation. Mabibili ito online sa murang halaga.
Please scroll to the bottom for the product link.
[caption id="attachment_393481" align="aligncenter" width="670"] Image from IStock[/caption]
Makatulong sana ang list na ito para sa inyo mga mommy at daddy. Tiyak na hindi lamang kayo ang magiginhawaan kundi pati si baby kapag kayo'y mamasyal o aalis ng bahay. Maging bahagi rin ng theAsianparent community i-download lamang ang aming app na makikita ang link sa baba. Alamin pa ang iba pa naming tips at impormasyon patungkol sa pagpapalaki sa inyong mga anak at kung ano ang the best para sa kaniya.
For more products that you want to know if it’s best for your baby, please sign up to theAsianparent Community and download our app! Hope to see you there, mom!
BASAHIN:
5 best baby wash brands for newborns, according to Pinoy moms
Top 6 best feeding bottle brands sa Pilipinas ayon sa mga mommy
#BattleOfTheBest: Anong madalas mong gamitin kay baby, tape o pants diaper?