X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee

6 min read

Nag-celebrate ang host, aktres at ngayong preggy mommy na Dimples Romana at husband niyang si Boyet Ahmee ng kanilang 19th wedding anniversary. Ang pagbati ng dalawa sa isa’t isa ay makikita sa kanilang mga Instagram posts.

Mababsa sa artikulong ito ang mga sumusunod:

  • 19th wedding anniversary nina Dimples Romana at kaniyang husband
  • Tips ni Dimples sa ibang pregnant moms
  • Dimples Romana tingin ay last pregnancy na niya si Elio

Wedding anniversary nina Dimples Romana at kaniyang husband

Makikita sa instagram ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang bati para sa husband na si Boyet Ahmee. Sa reels na ini-upload ng aktres, makikita ang kanilang sweet na sweet na pagkukulitan at pagba-bonding sa may snow. Bukod sa mga video ay mayroon ding retratong makikita sa reels kung saan makikitang nakatanaw ang mag-asawa sa kalangitan. 

Ang reels na ito na makikita sa instagram ni Dimples Romana ay binigyan niya ng caption na;

“Happy 19th anniversary to my home @papaboyetonline @boyetahmee” 

Nagbigay at nagpaabot din ang mga netizens at maging ang isa ring kilalang artista na si Angel Locsin ng pagbati para kina Dimples at Ahmee.

therealangellocsin: Happy anniv lovebirds!

 

dimples romana husband

Larawan mula sa Instagram account ni Boyet Ahmee

Sa pamamagitan din ng Instagram post ay binati ni Boyet Ahmee ang kaniyang asawa na si Dimples Romana. Ang post ay ang kanilang picture kung saan may caption na tinawag niyang ‘reyna’ si Dimples.

“Yup!!! 19th and beyond with you Mahal na Reyna @dimplesromana”

Ang post na ito ni Boyet ay pinusuan din ng mga netizens at binati rin sila para sa kanilang anibersaryo.

Sa isa ring joint post sa instagram, ibinahagi ng aktres na si Dimples Romana at asawa nitong si Boyet Ahmee ang isang reels kung saan makikita sa unang bahagi na sumasayaw ang dalawa at nakatalikod sa camera. Sa pagpapatuloy ng reels ay makikita ang kanilang pag-ikot habang patuloy na sumasayaw. 

“Dancing our way through 19 years of marriage. Happy Anniversary Ta!”

 
View this post on Instagram
  A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Tips ni Dimples sa ibang pregnant moms

Makikita naman sa YouTube channel ni Dimples Romana ang kaniyang latest vlog ngayong pregnant siya. Binahagi niya rito ang ilang routine niya tulad sa pag-aalaga sa kaniyang skin at ilan pang realizations sa pagiging pregnant ngayong may pandemya.

Saad naman ni Dimples sa kaniyang vlog, dahil sa siya ay may check-up para sa kaniyang pregnancy ay kailangan niyang magpaganda. Kuwento pa niya, kapag gumigising siya ay todo masahe siya sa kaniyang mukha. Nagbigay rin siya ng paalala na laging uminom ng tubig dahil maganda ito sa katawan, lalo na sa mga buntis.

“Todo masahe nga ako sa face ko ‘pag gumigising ako, kasi ‘pag gumigising ako daig ko pa ‘yong ano talaga eh. Parang sabi ko, ba’t ganoon, parang magkasing fluffy na kami nung unan ko. Joke. So, Sangkatutak na masahe nga pala, tip ‘yan ah. Masahehin niyo mga face ninyo.”

“By the way, always drink and hydrate. Drink a lot of water especially if you’re eating or dahil ngayon may slight dalang init ang panahon, magtubig din kayo, that’s also good for your skin. Especially for us mga buntis, kailangan ay hydrated tayo all the time.”

dimples romana pregnant

Larawan mula sa Instagram ni Dimples Romana

Habang nagme-make-up, ibinahagi ni Dimples na mahirap ang magbuntis habang pandemic. Ika pa niya, napakarami niyang kailangan gawin sa isang araw para magmukhang presentable. 

“I think it’s very important for us to do that, kasi kahit naman hindi ka pa buntis, you always have to look your best, ‘di ba? It actually adds up to you feeling great and looking great.”

Kuwento pa ni Dimples ay maraming nagsasabi na nagulat sila sa kaniyang pagbubuntis dahil na rin sa kaniyang edad. Patanong naman itong sinagot ni Dimples. Wika ay nagma-matter ba ang age sa pagbubuntis?

“Dahil pangatlo ko na ‘to, a lot of people were saying they were so surprised that I became pregnant at the age of 37. Nagma-matter ba talaga yung age kapag nagbubuntis? Kasi di rin ako sigurado.”

BASAHIN:

LOOK: Angel Locsin at Bea Alonzo may surprise baby shower para kay Dimples Romana!

Zeinab Harake sa kaniyang pag-move-on: “Lalaban para sa anak at hinding-hindi na magiging marupok”

LOOK: Rocco Nacino and Melissa Gohing are going to have a baby boy!

Dimples Romana tingin ay last pregnancy na niya si Elio

Pagbabahagi pa ni Dimples ay iba ang kaniyang takaw at antok ngayon dahil tila lahat ay heightened. Nabanggit din niya maging ang anxiety dahil sa pandemic.  Ikinuwento rin ni Dimples kung bakit apat ang tema ng kaniyang maternity shoot, aniya dahil ito na ang huli niyang pagbubuntis. 

“A lot of you were asking about my maternity. Okay, kaya apat na concepts yun kasi last ko na po ‘tong pagbubuntis na ito. Itaga niyo sa bato. Last na po.”

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Paliwanag ni Dimples, kaya niya nasabing ito na ang huli dahil manganganak siya sa pamamagitan ng CS at mayroon lamang itong bilang na tatlo.

“I think it’s my last, CS po kasi ako or Caesarean ako, so may bilang lamang po na pwede ako mabuntis at ang bilang po na ‘yon para sa pamilya namin ay lucky number 3.”

dimples romana pregnant

Sa kaniya ring vlog, ibinahagi ng aktres ang kaniyang natutunan ngayong nagbubuntis siya. Nilarawan niya bilang ‘miracle’ ang pagbubuntis at kaniyang pinapahalagahan ang bawat moment na nasa kaniyang sinapupunan si Elio.

“Ang isa sa mga pinakanatutunan ko sa pagbubuntis ko, so far ha. Ngayong 2022 at during the pandemic is to really treasure the kind of moments that I get with my baby.”

“Sobrang likot ni Baby E, as in akala ko talaga nakalunok ako ng ipo-ipo. But I always like to complain about it kasi masakit siya talaga but in reality, when you think about it. There’s a tiny life or tiny human being that’s moving and beating inside of me and I think that’s a great miracle, ‘di ba.”

Tingin ni Dimples ay nakatulong din ang kaniyang pagpapapayat bago magbuntis. Tip ni Dimples sa mga buntis o nagpaplanong magbuntis ay dapat na maging healthy.

“Tip sa mga preggy or gusto maging preggy mommas out there, if you’re working on being pregnant. I would suggest that you really exercise, be healthy para your body would be at its healthiest, ‘no. Healthiest form, I think mas madaling makakapagbuntis ang isang babae kapag healthy at naka-detox ang katawan mo.”

YouTube, Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Dimples Romana celebrates 19th wedding anniversary with Boyet Ahmee
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.