Ang mag-asawang si Nico Bolzico at Solenn Heussaff ay malapit nang ipagdiwang ang kanilang ika-3 anibersaryo sa pagiging mag-asawa. Sa kanilang pagsasama, ang Argentinian model na ngayon ay businessman na ay nagbibigay ng kanyang mga nakakatawang kaalaman sa pagaasawa. Ibinibahagi niya ang mga ito sa kanyang Instagram at si Solenn, na tinatawag niyang #wifezilla, ang bida.
Kilala si Nico Bolzico bilang mapagbiro ngunit maraming maaaring matutunan sa self-proclaimed co-founder ng Bullied Husbands Club.
11 na utos para sa mga mister
Ito ang ilan sa mga payo ni Nico Bolzico sa mga mister:
1. Huwag kakalimutan ang anibersaryo (ngunit ayos lang kung ang misis ang makalimot)
Halos lahat ng mga misis ay siguradong magagalit kapag nalimutan ng mister ang kanilang anibersaryo. Ayon sa isang Instagram post ni Nico, nalimutan ni Solenn ang kanilang unang anibersaryo. Matapos ang isang sweet na mensahe para sa kanyang misis, binanggit niya na alam niyang nalimutan ito. Sa kabila ng lahat, ayos lang sakanya at nasasabik siyang makatuklas ng iba pang #wifezilla levels.
2. Maging ma-ingat sa mga salita
Ayon kay Nico Bolzico, kapag sinabi na ng misis ang mga salitang “What did you say?” (Anong sinabi mo?), alam niya ang mga binitawan na salita. Sinasabi lang ito ng mga misis upang makita kung maglalakas loob ang mister na ulitin ang mga ito. Sa mga ganitong pagkakataon, ito lamang ang mga maaaring gawin:
- Ngumiti na kunyari ay nagbibiro.
- Dumiretso sa kusina at maghugas ng mga pinggan na tila walang nangyari.
- Tawagin ang mga anak upang ma-libang ang misis. Kung walang anak, maaaring tawagin ang alaga.
- Ulitin ang nasabi nang may ibang tono at maayos na pagpapaliwanag. Mahirap itong gawin dahil maaaring hindi na mabigyan ng pagkakataon magpaliwanag at magsimula na ang katapusan ng mundo.
- Maging matapang, ulitin ang mga sinabi at dumiretso sa bahay ng aso upang duon na manirahan.
- Ulitin ang sinabi nang may mas matapang na pagkakabigkas at mas malakas na boses. Huwag kalimutan magpadala ng RSVP sa sariling libing.
3. Ang misis ang laging tama
Sa post ni Nico Bolzico para sa International Women’s Day, sinabi niya na para sa kanya, ang mga kababaihan ay hindi mapipigilan kapag nalaman nito mayroon pang masnararapat para sakanya. Sinundan niya ito ng paalala sa mga kalalakihan na sa mag-asawa, ang isa ay laging tama at ang isa pa ay ang mister.
4. Pakinggan ang mga hindi nasasabi
Ikinumpara ni Nico Bolzico ang pagbabasa sa misis sa paghinga, nakamamatay kapag hindi ito ginawa. Dinagdag nito na kailangan na ng diksyonaryo para sa Bullied Husbands Club upang maintindihan ang gustong ipahiwatig ng mga misis. Dahil sa stress na dala nito, napupuno na ng puting buhok ang ulo niya. Umaaasa siya na maging kamukha niya si Richard Gere dahil kung hindi, baka hiwalayan siya ni Solenn Heussaff.
5. Hindi ka nakakatawa tulad ng inaakala mo
Sa isang pagbibiro ni Nico Bolzico kay Solenn Heussaff, binigyan niya ito ng “Get Better Soon” na card. Nung pinuna ni Solenn na wala siyang sakit, biniro ito ni Nico na alam niya at naisip niya lang na maaari pa itong bumuti. Ang akala niyang tawa na maririnig ay hindi dumating. Tanging katahimikan, nakamamatay na tingin, at walang kasiyahan ang kanyang natanggap na sagot.
Ang payo ni Nico Bolzico sa mga mister, kung makukuhang magbiro sa mga misis, siguraduhin na handa sa kahihinatnan kung sakaling hindi bumenta sa misis ang biro. Madalas itong nangyayari sa mga pagbibiro sa misis kaya maging ma-ingat.
6. Gawin lagi ang sinasabi ng misis
Isa sa mga payo ni Nico sa mga mister na parang biro ngunit may bahid ng katotohanan, kailangan piliin ang mga laban sa buhay. Pagdating sa pagaasawa, huwag magalala dahil matatalo rin naman ang mister. Ito ay matapos ng paguusap nila ni Solenn bilang halimbawa.
Sa nasabing paguusap, humiling si Solenn na i-post ni Nico ang isa nilang litrato dahil gusto ni Solenn ang itsura niya dito. Sa simula ay punong puno ng pagtanggi si Nico dahil hindi niya gusto ang kanyang bibig sa nasabing litrato. Matapos ang limang minuto, nakapost na ang picture sa kanyang Instagram.
7. Ang pagkaka-pantay ng mga kasarian ay nagsisimula sa bahay
“Kung ano ang sa kanila, sa kanila. Kung ano ang sa iyo, sa kanila din.” Ito ang payo ni Nico Bolzico matapos magbiro na kahit laging ginagamit ni Solenn ang kanyang mga damit, nagalit ito sakanya nang ginamit niya isang beses ang salawal ni Solenn.
Sinundan ito ni Nico nang mas seryosong mga salita pagdating sa pagkaka-pantay ng mga kasarian. Sinabi niya na lahat ng mayroon at ginagawa ng mga mister ay para sa mga misis. Ang isa sa mga rason nito ay ang pagbubuntis ng mga kababaihan. 9 na buwan nagbubuntis ang mga kababaihan at tsaka manganganak, habang ang mga lalaki ay hirap na magbuhat ng mga napamili at hindi kakayanin ang panganganak.
Pinunto rin niya ang prublema sa lipunan pagdating sa hindi pagkaka-pantay ng pagtrato sa mga babae at lalaki. Dehado ang mga babae at ito ang nais niyang baguhin. Ang pagbabagong ito ay magsisimula sa kabahayan. Pinapayo rin niya na ibigay sa mga kababaihan lahat ng mayroon ang mga mister, hindi dahil kailangan nila ito ngunit dahil ito ang nararapat para sa kanila.
8. Magkaroon ng kamalayan tungkol sa #TheRedSeason
Importante sa mga mister ang pagkakaroon ng kamalayan sa pagkakaroon ng period ng mga misis. Sa mga araw na ito, maaaring sumobra ang mga reaksyon ng mga misis. Responsibilidad ng mga mister na umangkop sa sitwasyon. Ito ang kanyang mga sa mga mister para hindi mapatay ng misis:
Intindihin na hindi biro ang pagkakaroon ng period. Hindi kakayanin ng mga mister ang nararamdaman na sakit ng mga babae kada-buwan kaya magbigay respeto.
Huwag hayaan magutom ang mga misis dahil ang gutom at period ay nakamamatay na kombinasyon. Suriin ang taas ng pagkagutom kada 30 hanggang 45 na minuto upang makasigurado.
Siguraduhin na gawin ang lahat ng gawaing bahay at hindi lang ang mga gawain na nakatakda sa mister.
Maging lalaki at bumili ng tampon at napkin. Siguraduhin na sapat ito para sa 2 dekada. Ang pagkaubos nito ay katumbas ng katapusan ng mundo
9. Magtiwala sa mga misis
Ang hindi na bago na ang tingin ng mga mister sa misis nila ay pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Dahil dito, mahirap sa iba na makitang may kausap na ibang lalaki ang misis. Ayon kay Nico Bolzico, ayos lang ito at hayaan lang ang mga misis. Ang mga relasyon na base sa pagtitiwala at respeto, walang dapat alalahanin ang mga mister. Maaari dapat magkaroon ng kaibigang lalaki ang mga misis, at maaari rin magkaroon ng kaibigang babae ang mga mister (kung papayag ang misis). Sa madaling salita, kung tunay na mahal, magtiwala sa kanya. Bigyan ng kalayaan ang misis at hayaan ito. Sa pamamagitan nito, ang pagsasama ay lalong mas titibay.
10. Hayaan ang misis magkaroon ng “me time”
Importante ang pagkakaroon ng oras para sa sarili pero kailangan malaman ng mga mister na ang kanilang oras para sa sarili ay maaaring gambalain ng misis nang walang sabi-sabi. Ngunit, ang oras para sa sarili ng mga misis ay hindi maaaring gambalain maliban nalang kung nais makaharap ng pinaghalo-halong Black Mamba, Siberian Tiger at Brazilian Wandering Spider. Ang oras para sa sarili ng mga misis ay sobrang importante at kailangan nila ito, dapat itong respetuhin ng mga mister.
11. Bigyan ng space ang mga misis
Para sa huling utos sa mga mister, may iba’t-ibang payo si Nico Bolzico tungkol sa pagbibigay ng space sa mga misis.
- Huwag matakot bigyan ng space ang isa’t isa o ma-miss ang isa’t isa.
- Hayaan ang mga misis palaguin ang kanilang karera.
- Hayaan lumabas ang mga misis kasama ang mga kaibigan nito.
- Hindi kailangan laging maging parte ng lahat ng ginagawa ng misis.
- Magbigay suporta at ipagmalaki ang ginagawa ng misis.
Source: Nico Bolzico, Bullied Husbands Club
Basahin: Nico Bolzico shares the most adorable posts about ‘Wifezilla’ Solenn Heusaff
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!