X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Frequently asked questions tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

4 min read

Kahapon lamang ay pormal nang isinabatas ang Expanded Maternity Leave Law sa ating bansa. Ngunit pagdating sa mga detalye at mga expanded maternity leave facts, ay hindi pa rin ito alam ng karamihan ng mga magulang.

Kaya’t gumawa kami ng isang simpleng guide na sinasagot ang mga karaniwang katanungan tungkol sa batas na ito. Siguradong malaki ang maitutulong nito sa mga magulang upang maging mas malinaw ang sakop ng batas, at kung anu-ano ang mga 

Expanded maternity leave facts na dapat malaman ng mga magulang

Bakit ginawa ang batas na ito?

Alam niyo ba na noong 2007 pa lamang ay gumawa na ng draft ang grupong GABRIELA para sa batas na ito. Ngunit matagal bago ito nagawang batas dahil masusing pinag-aralan ang magiging impact nito hindi lang sa mga magulang, ngunit para na rin sa mga negosyo.

Bago magawa ang batas, ay nasa 60 days lamang ang maternity leave ng mga ina. Ito ay lubhang napaka-igsing panahon upang mag-alaga ng anak para sa mga working moms. Bukod dito, kung ikukumpara sa ibang bansa, labis na kulelat ang Pilipinas pagdating sa haba ng maternity leave.

Kaya ginawa ang batas na ito upang makatulong sa mga ina, at mga pamilya. Malaking bagay na ang pagpapalawig ng maternity leave, dahil mas matututukan ng mga ina ang anak nila. Kung kinakailangan, makakahanap rin sila ng tagapag-alaga sa kanilang sanggol dahil sa mas mahabang maternity leave.

Sino ang mga makikinabang?

Ang mga pangunahing makikinabang sa batas na ito ay ang mga working moms. Sakop nito ang lahat ng mga ina na nasa gobyerno man, o kaya ay nasa private sector. Kahit mga solo parents ay sakop rin ng batas na ito, kaya’t marami ang natuwa na napirmahan ito ng ating pangulo.

Mapa-natural man o cesarean delivery, ay parehas na covered sa ilalim ng expanded maternity leave. Kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga ina pagdating dito. 

Anu-ano ang mga probisyon ng batas na ito?

Sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law, papalawigin ang kasaluguyang maternity leave mula 60 days hanggang 105 days na paid leave. Bukod dito, puwedeng magkaroon ng karagdagang 15 days na leave ang mga single parents. Kung nais rin ng mga ina, puwede silang magdagdag pa ng 30 days sa kanilang leave, ngunit hindi na ito paid leave.

Maaari ring ilipat ng mga ina ang 7 araw sa kanilang leave para sa paternity leave ng ama ng bata. Ayon sa batas, hindi kinakailangang kasal ang mga magulang upang makuha ang benepisyong ito.

Upang makuha ang benepisyong ito, kinakailangan na kapapanganak lamang ng ina, at bago pa siya manganak ay nagbigay ng due date sa kaniyang employer. Para sa mga nasa private sector, kinakailangan rin na nakapagbayad sila ng at least 3 buwang kontribusyon sa SSS 12 buwan bago manganak.

Kinakailangan din na magbayad ang iyong employer sa loob ng 30 days matapos ka mag-file ng leave. Ito naman ay babayaran ng SSS sa iyong employer. Kaya’t mahalaga sa mga nasa private sector ang tuloy-tuloy na pagbabayad ng SSS contributions.

Sa ilalim rin ng batas na ito, hindi puwedeng basta-bastang masisante ang inang nanganak. Protektado sila ng batas, at karapatan ng mga ina ang lubus-lubusin ang buong duration ng kanilang maternity leave kung kinakailangan.

Magkakaroon rin ng penalty ang mga employers na ayaw bigyan ng sapat na maternity leave ang kanilang mga empleyado.

Kaya’t kung nais ng mga nanay na sagarin ang 105 days na leave, at magdagdag pa ng 30 days na unpaid leave, puwede nila itong gawin. Hindi nila kailangan mag-alala na baka sila ay masisante o kaya hindi na makabalik sa kanilang mga trabaho matapos manganak.

Kailan ito magiging epektibo?

Ang isa pang karaniwang tanong ng mga magulang ay kung kailan magiging epektibo ang bagong batas na ito. Magkakaroon ito ng epekto 15 araw matapos mailathala sa Official Gazette, na journal ng gobyerno. Bukod dito, maisasabatas na rin ito kapag nailathala sa 2 diyaro na mayroong national publication.

Kapag epektibo na ang Expanded Maternity Leave Law, ay magkakaroon kami ng update dito sa theAsianparent Philippines.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

Sources: Philstar, ABS-CBN News

Basahin: Extended maternity leave, puwede nang makuha ng mga working moms

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Frequently asked questions tungkol sa Expanded Maternity Leave Law
Share:
  • 8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

    8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

  • Expanded maternity leave law, puwede nang makuha ng mga working moms

    Expanded maternity leave law, puwede nang makuha ng mga working moms

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

    8 facts tungkol sa Expanded Maternity Leave Law

  • Expanded maternity leave law, puwede nang makuha ng mga working moms

    Expanded maternity leave law, puwede nang makuha ng mga working moms

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.