Kapag ang temperatura ni baby ay mahigit sa 37 degrees, normal lang sa mga magulang na mag-alala. Para hindi na tumaas ang lagnat ng iyong little one, mabuting painumin agad siya ng gamot na inirerekomenda ng doktor at trusted ng mga nanay. May mga cooling gel din na maaaring gamitin upang mapababa ang kanilang lagnat. Mababasa mo rito ang ilan sa mga gamot sa lagnat ng baby na pwede mong pagpilian.
Bukod sa pagpunas ng maligamgam na tubig, ang mga gamot na makakatulong sa pagpapababa ng lagnat ng bata at safe para kay baby ay paracetamol at ibuprofen na mabibili mo sa mga pinakamalapit na drugstores sa inyo. Mahalagang sundan ang tamang dosage ng gamot para ito’y maging effective.
PAALALA: Kung hindi sigurado sa gamot na iyong paiinumin kay baby, ‘wag mag-atubiling kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang abiso.
Paano pumili ng gamot sa lagnat ng baby?
Tandaan, mainam na kumunsulta sa iyong pediatrician bago bigyan ng gamot ang iyong anak lalo na kung first time mo palang siyang paiinumin nito.
Kung ikaw ay nag-aalala pa rin kay baby, magtungo agad sa kanyang doktor para masuri ang iyong little one.
Para sa mga pangkaraniwang lagnat, narito ang ilang mga bagay na dapat mong tingnan sa pagpili ng gamot.
- Dosage
- Basahing mabuti kung ano ang dapat na dosage para sa edad ng iyong anak. Inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng syringe na walang karayom para eksakto ang dosage na mabibigay mo at mas madaling painumin si baby.Iwasan ang paggamit ng mga kutsara dahil maaaring hindi ito accurate. Pwede ring gamitin ang cup na kasama ng gamot.
- Paano gamitin?
- Gaano kadalas paiinumin ang bata? Kailangan ba itong painumin nang may laman ang kaniyang tiyan? Basahin ang instructions bago painumin si baby.
- Gaano kadaling bilhin?
- Pumili ng gamot na madaling bilhin at maaari mong itabi sa iyong ref sa bahay. Mabuti na palagi kang may ready na gamot sa bahay.Siguraduhin lang na hindi pa ito expired. Ugaliing regular na i-check ang iyong ref para maitapon ang mga gamot na expired na.
Best brands ng gamot sa lagnat ng baby
Most trusted
Gamot Sa Lagnat Ng Baby: Best Brands Na Maaaring Mabili Online | Calpol
Formulated ang Calpol paracetamol para sa mga babies 0 to 2 years old. Ginagamit ito para mapaginhawa ang mild hanggang moderate na lagnat at pain ni baby na maaaring dala ng sakit sa ulo, muscle ache, lagnat matapos ang bakuna, o sakit sa ngipin.
Bukod pa roon ay may baby at kid-friendly flavor ito na orange. Kaya naman siguradong hindi ka mahihirapang painumin nito si baby. Alcohol-free rin ang suspension nito kaya naman safe ito kahit sa newborn.
Kaya nitong maibsan ang lagnat o iba pang sakit na nararamdaman ng iyong little one sa loob lamang ng 15 minutes. At higit pa roon ay gentle ito sa tummy.
Features we love:
- Orange-flavored paracetamol
- Alcohol-free
- Safe para sa 0-2 years old babies
- Gentle sa tummy
Best No-Shake Formula
Gamot Sa Lagnat Ng Baby: Best Brands Na Maaaring Mabili Online | Tempra
Ang kanilang No-Shake Formula ay subok na ng mga nanay at doktor sa loob ng 40 taon. Ibig sabihin lamang nito ay 100% na nalusaw na ang paracetamol at pure liquid na ang gamot na ito. Kaya naman ang formulation Tempra paracetamol drops ay safe para sa mga sanggol na may edad 0 to 12 months.
Kaya nitong pababain ang temperatura sa katawan ng baby. Nakakatulong din ito sa pagrerelieve ng sakit ng ulo, minor aches at pain. Nag improve na rin ang lasa ng gamot dahil sa yummy orange o strawberry flavors na mayroon ito. Maaari itong ipainom sa iyong little one ng 3 to 4 times a day.
Features we love:
- No-shake formula
- Trusted ng experts
- Orange/strawberry-flavored paracetamol
Best tasting paracetamol
Gamot Sa Lagnat Ng Baby: Best Brands Na Maaaring Mabili Online | Biogesic
Isa pa sa well-known fever medicine ay ang biogesic. Kung noon ay mabibili lamang ito in tablet form, ngayon ay mayroon na rin silang syrup for babies and kids!
Karagdagan, ang Biogesic for Kids ay may TasteRite formulation kaya naman siguradong magugustuhan ng iyong baby ang lasa nito. Maaari itong ipainom sa iyong baby kung nilalagnat, nakakaranas ng sakit ng katawan o iba pang pain dulot ng pag-iipin, ubo, sipon o di kaya ay matapos siyang bakunahan.
Prescribed din ito ng mga doctor kaya’t sure na sure na effective at safe ito!
Features we love:
- TasteRite formula
- Prescribed by doctors
- Effective na gamot sa lagnat
Best for babies and kids
Gamot Sa Lagnat Ng Baby: Best Brands Na Maaaring Mabili Online | Dolan
Naghahanap ng solusyon para sa high grade fever ng iyong anak? Check out Dolan Ibuprofen! Mayroon itong 3 variants na maaaring ipainom base sa edad at timbang ng iyong anak. Gaya ng ibang gamot sa lagnat, mayroon itong orange flavor na tiyak makakatulong sa iyo upang mapadali ang pagpapainom ng gamot kay baby.
Bukod pa roon, ito ay naglalaman ng ibuprofen na epektibo rin sa pagpapababa ng lagnat at naiibsan ang sakit na nararamdaman sa katawan. Ang gamot naman na ito ay maaaring ipainom sa bata kada 6 to 8 hrs. Ngunit mas nakakabuti pa rin na kumonsulta sa doctor.
Best cooling gel for fever
Gamot Sa Lagnat Ng Baby: Best Brands Na Maaaring Mabili Online | Koolfever
Kung nais ng karagdagang gamot sa lagnat ng baby, gumamit ng Kool Fever. Ito ay isang uri ng cooling gel na maaaring ilagay sa noo ni baby para mapababa ang kanyang lagnat. Bukod pa roon ay maaari rin itong ilagay sa anumang parte ng katawan na nakakaramdam ng pain.
Fragrance-free at walang halong artificial coloring o ingredients ang gel nito kaya naman di dapat ikabahala ang iritasyon sa balat ng iyong anak. Makakasigurado kang gentle ito at maaaring gamitin sa extra sensitive skin.
Bukod pa roon, ang size ng bawat sheet nito ay akma sa size ng noo ng baby. Maaari rin itong gupitin kung ilalagay sa mas maliit na parte ng katawan ng iyong little one.
Features we love:
- Cooling gel para sa lagnat
- Gentle sa balat ng baby
- Walang halong fragrance o anumang artificial coloring
Price Comparison Table
|
Brand |
Pack size |
Price |
Price per ml/pc |
Calpol |
15 ml |
Php 100.00 |
Php 6.67 |
Tempra |
15 ml |
Php 81.00 |
Php 5.4 |
Biogesic |
15 ml |
Php 73.00 |
Php 4.87 |
Dolan |
Drops – 15 ml
Oral Suspension – 60 ml |
Php 85.00
Php 96.00 |
Php 5.67
Php 1.60 |
Kool Fever |
2 pcs per pack |
Php 52.00 |
Php 26.00 |
Tips sa pag-aalaga kay baby kapag may lagnat
Narito ang ilan sa mga tips sa pag-aalaga na maaaring sundin kapag may lagnat si baby:
- Palagiang i-check ang temperatura ni baby upang malaman kung ito ay nataas o nababa.
- Siguraduhin na nagpapahinga ang iyong baby. Patulugin sila ng sapat na oras at pagpahingahin upang makabawi ang kanilang katawan.
- Bigyan ng sapat na liquid si baby upang maiwasan ang dehydration. Maaaring ito ay breastmilk, formula milk o tubig (kung maaari nang uminom ng tubig si baby).
- Kung ang lagnat ng iyong baby ay may ilang araw na o di kaya ay sobrang taas, agarang ipatingin siya sa doktor.
- Maaari mo ring lagyan ng malamig na tuwalya sa noo si baby o di kaya ay cooling gel. Punasan din ng malamig na tuwalya ang leeg at kili-kili ng iyong baby upang maibsan ang init.
- Piliin ang mga malambot at kumportableng damit para sa iyong baby. Ang mga breathable na tela tulad ng cotton ay mabuti upang maiwasan ang pagpapawis.
Mahalagang tandaan na ang mga tips na ito ay pangkalahatang gabay lamang. Ang pinakamahusay na aksyon na dapat mong gawin ay kumonsulta sa isang doktor upang makakuha ng tamang diagnosis at payo batay sa kondisyon ng iyong baby.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.