Naisip ng isang ina na si Joelle Garguilo na subukan ang keto diet ng 30 araw upang malaman niya sa kanyang sarili kung ito daw ba’y gagana sa kanya dahil pagdating di-umano sa pagbabawas ng timbang, mayroong isang ina na nagawa na ang lahat: cabbage soup diet, grapefruit diet, master cleanse (dahil di-umano kay Beyoncé), Atkins, counting points, juices at meal delivery services. You name it, nasubukan na daw niya halos lahat, kahit na ang mga weight-loss infomercials.
Walong buwan na ng lumipas nang isilang nito ang kanyang pangalawang anak na si Viviana. At kasama ni Viviana ang extra 13 pounds, apat na pares ng split pants, at ilang busted zippers. Binigyan niya ang sarili ng pitong buwan na postpartum kung saan hindi niya inisip na mag-diet dahil hindi naman di-umano niya gusto maibalik ang dati niyang katawan kundi ang gusto niyang maibalik ay ang kanyang confidence at ang abilidad na masuot muli ang kanyang mga pantalon ng hindi nasisira kapag isinuot ang mga ito.
Kung kaya’t ayon nga nagsimula siyang magsaliksik sa internet ng bagong diet na pwede niyang masubukan at malinaw nga niyang nakita sa kanyang pagsasaliksik na ang ketogenic diet o “keto diet” na tinatawag ay nagiging trend nga ngayon sa pagdada-diet at marami ngang testimonials patungkol dito.
Bakit keto diet?
Ang ketogenic o keto diet ay isang high-fat, moderate-protein, low-carb diet.
Ayon sa New York City-based nutritionist na si Keri Glassman 5 percent lang ng iyong calories ay ang dapat manggaling sa carbohydrates, 20 percent sa protein, at 75 percent naman ang fat. Bale kung ilalagay mo sa perspektibo, ang 2,000-calorie diet, bale 25 grams ng carbs lang.
Naisip nga ni Joelle kung paano nga daw na ang isang diet na mataas ang percentage ng intake ng fat ay gagana dahil normally nga raw ang ating mga katawan ay ginagamit ang glucose (carbohydrates) bilang fuel natin. Pero pag-dineplete daw ng katawan ang carbs magiging fat ito at ito ang magiging fuel source. Ang metabolic state di-umano na ito ay tinatawag na ketosis at gagawin ka raw di-umano nito bilang isang fat burning machine. Upang ma-achieve mo nga ang keto diet hindi ito nangyayari overnight lang, pwede raw itong abutin ng ilang araw o ilang linggo.
Posibleng benefits ng keto diet
- Pagbawas sa timbang
- Appetite control
- Magandang mental focus
- Pagtaas ng HDL (good cholesterol kung tawagin)
- Pagbaba ng blood pressure
Posibleng cons ng keto diet
- Nutrient deficiencies
- The “Keto flu” (pagod, iritable, pag-crave sa matatamis)
Pagsisimula sa keto diet
Na-overwhelm di-umano si Joelle sa paglipat sa keto diet. Hindi napagtanto na buong buhay niya ay umikot sa carbs. Tuwing Linggo nga daw ay pasta dinner lagi at ito’y normal na nung siya’y lumalaki at sobrang love nga niya ang carbs. Kung kaya’t noong una niyang subukan ang keto, naisip niya na baka magutom siya dahil wala na raw siyang makain. Pero taliwas naman ito sa kanyang naisip.
Keto-friendly na mga pagkain
- Itlog
- Poultry
- Fatty na isda
- Karne
- Full-fat dairy
- Full-fat na keso
- Mani at seeds
- Nut butter
- Healthy fats, tulad ng avocado
- Non-starchy na mga gulay
Ano ang nangyari sa unang linggo?
Naging committed nga di-umano si Joelle upang subukan ang keto diet ng 30 na araw at aminado siya na ayon daw ang pinakamatagal na apat na linggo ng buong buhay niya at naramdaman niya lahat ng emosyon na pwede mong maisip.
Day one ng week one ay naging maayos naman. Hinanda niya ang sarili na maging sobrang miserable, pagod, at katakut-takot na pangangailangan sa carbs, pero ang nangyari hindi pa rin siya naging handa para rito. Day two, pareho lang noong unang araw. Hanggang sa dumating ang day three at miserable na nga siya. Muntik na nga raw niyang agawin ang isang tinapay sa kamay ng isang taong hindi niya kilala at naramdaman na rin niya ang galit lalo na kapag nakakakita siya ng carbohydrate. Sinubukan din niyang mag-work out pero kailangan niyang huminto makaraan ng 30 minuto ng cardio niya dahil nga zero energy na siya.
Kahit gaano kasama o hindi kagandahan ang nangyari sa kanyang noong unang linggo, ng tiningnan niya ang kanyang timbang hindi raw siya makapaniwala na ganun kabilis bumaba ang kanyang timbang. Hindi raw ito nangyari sa ‘tan ng kanyang buhay na ganun kabilis na pagbaba ng timbang. Kung kaya’t naisip niya na gawing motibasyon ito upang kayanin ang naturang diet.
Paano masisiguradong epektibo ang keto diet?
Pagdating ng ikalawang linggo, nabo-bored na nga siya sa mga pagkain, kung kaya’t naghanap si Joelle ng insipirasyon online at nakakita nga siya ng isang magandang community. Nag-reach di-umano siya sa isang babae na nagngagalang Suzanne Ryan (@KetoKarma sa Instagram) na nabawasan ng timbang na over 100 pounds dahil sa keto diet. Binigyan daw siya di-umano ng sandamakmak na recipes na galing sa cookbook niya at ayon na nga ay naging isang game changer para sa kanya. Napansin nga raw niya na dahil sa paggugol niya ng oras sa paghahanda ng mga meals niya para sa linggo, yung tsansa na mag-cheat siya at ma-bore ay bumaba rin.
Noong nga ikalawang linggo doon niya raw napagtanto na kung gaano umikot ang mundo niya at buhay niya sa pagkain at lalo na nga raw sa carbohydrates. Ang pagbawas ng kanyang timbang ay tumigil ng kaunti noong ikatlong linggo na at dahil daw ito sa mga naging cheat days niya. Ganun nga raw talaga ang keto, kapag tinigilan mo ito dahil sa cheat days mo, hindi madaling ibalik muli o ihanda muli ang iyong katawan para rito.
Isa pang napansin nga raw niya kapag naglalagay siyang muli ng carbohydrates sa katawan niya na marami ay galing sa sugar kapag cheat days niya, physically hindi maganda ang kanyang pakiramdam at yung pakiramdam na yun laging tumatagal ng dalawang araw. Ang cheat days nga ay hindi worth it na gawin sa keto diet na ito.
Sa ikaapat na linggo ay sadyang nawala nga ang kagustuhan niya raw sa pagkain ng carbohydrates kahit pa malapit na ito sa kanya o abot-kamay na lamang niya ito, isang mirakulo nga raw na nangyari yun. Ito nga raw diet na ito ay hindi lang binawasan ang kanyang timbang ng 8.5 pound, higit pa raw ang ginawa nito sa kanya. Itinuro di-umano ng diet sa kanya ang relasyon niya tungo sa pagkain at hindi nga raw maganda ito dahil kapag pagod siya, ikakain niya; kapag bored siya, ikakain niya; at kapag gusto rin niyang i-reward ang sarili, pagkain din ang reward.
Napagtanto nga ni Joelle na kadalasan kumakain siya para lang kumain, hindi dahil gusto niyang i-nourish ang katawan niya at i-enjoy kung ano ang nilalagay niya rito. Hindi niya nga raw ito napagtanto dati, pero dahil sa diet na ito nagbago ang lahat.
Source: Today
Basahin: Ketogenic Diet: What you need to know about the latest celebrity fitness fad
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!