Maraming taga-hanga at nagmamahal kay Kris Aquino nang mabalitaan na ang kaniyang kalusugan ay bumubuti na.
Mababasa sa artikulong ito:
- Update sa kalusugan ni Kris Aquino
- Reaksyong mga fans sa kalagayan ni Kris Aquino
Update sa kalusugan ni Kris Aquino
Sa latest episode ng Showbiz Now Na na talk show ni Cristy Fermin, Romel Chicka, at Wendell Alvarez, ibinahagi nila na ang kalagayan ng Queen of all media na si Kris Aquino.
Ayon sa kanilang pagbabahagi ay masayang-masaya umano si Kris Aquino na sa wakas ay natumbok ng pinuntahan niyang espesyalista kung ano ang sanhi o pinagmumulan ng kaniyang mga alleergy.
Pagbahahagi pa ni Cristy Fermin, matagal umanong hinintay ni Kris Aquino ang pagkakataong makapagpatingin sa Indian doctor na ito, na ang pangalan ay Dr. Sudhir Gupta.
Kris Aquino at Dr. Gupta | Screencapture mula sa Showbiz Now Na YouTube Channel
Kwento pa ni Cristy Fermin, noong unang beses umanong pumunta si Kris Aquino sa Amerika ay natuklasan ng mga doktor doon na 32,000 ang allergy level ni Kris Aquino.
Subalit nang makapatingin na siya kay Dr. Gupta at mabigyan ng mga medikasyon ay bumababa na ito. Mula sa 32,000 allergy level ay 8,000 na lamang ang allergy level ni Kris Aquino.
Subalit ang level na ito ay mataas pa rin kaysa sa normal na bilang na 500 allergy level ng isang tao. Kaya naman patuloy pa rin ang gamutan ni Kris Aquino sa Amerika.
Pagbabahagi ni Cristy Fermin,
“Pero ngayong siya’y nagpa-under na kay Dr. Gupta, ang indian doctor po niya (Kris Aquino) ay bumaba na po ng napakalaking puntos (ang allergy level ni Kris) 8,000 na lang.”
Lalo pa umanong bumubuti ang kalagayan ni Kris dahil tinutukan talaga umano ng kaniyang mag-amang indian doctor ang kalagayan ni Kris Aquino.
Sa kabilang banda, ibinahagi rin nila Cristy na vulnerable na rin ang lungs o baga ni Kris Aquino.
“Ang vulnerability niya ay ang kaniyang lungs, ‘di ba? Talagang totoo ‘yan. At sa lahat naman talaga ng tao ay ganun. Pero mas matindi kay Kris dahil meron nga siyang asthma, ang tindi pala ng asthma niya.”
Dagdag pa ni Cristy Fermin,
“At dahil nagkaroon po siya ng COVID, sabi nga niya (Kris Aquino), sarili niyang salita. Para po itong death sentence na naghihintay sa kaniya (kay Kris Aquino).”
Ayon naman kay Romel Chika, mayroon umanong EGPA at Crest Syndrome subalit dormant naman ito. Pagsinabing dormant ay hindi naman ito gumagalaw o aktibo. Kaya naman matindi ang pang-iingat na ginagawa ni Kris Aquino para sa kaniyang kalusugan.
Nagpasalamat din ang mga host kay Dolor Gueverra na nagbahagi umano ng gamutan ni Kris Aquino sa kasalukuyan.
Reaksyong mga fans sa kalagayan ni Kris Aquino
Dahil sa balitang ito ng Showbiz Now Na! Maraming mga umiidolo kay Kris Aquino ay lubos na natuwa sa balitang ito patungkol sa kalusugan niya. Ilan sa mga komento nila ay ang mga sumusunod:
“Thank you Lord sa Dasal namin na gumaling si idol Kris sana tuloy-tuloy na paggaling niya at makabalik na dito sa Pilipinas at mapanuod sa tv.” – Regina Isais
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!