VBAC o C-Section: Alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

VBAC o C-Section: Alin ang pipiliin ko para sa aking susunod na pagbubuntis?

Kung ikaw ay nanganak sa C-section noon, maaari kang papiliin ang iyong doktor para sa iyong pangalawang pagbubuntis: ang mag-normal delivery pagkatapos ng c-section o ang manganak ulit sa C-section. Basahin ito upang makatulong sa iyong pasya.

Tinatayang nasa 9.5 porsiyento ng mga panganganak sa Pilipinas ay ginawa sa caesarean section o C-section. Ito ay halos katumbas ng isa sa bawat sampung panganganak. Kung ikaw ay isang C-section mommy at nagbubuntis muli, maaaring isa sa mga katanungan sa iyong isipan ay: normal delivery pagkatapos ng c-section o C-section ulit? Layon ng artikulong ito ang masagot ang katanungang ito sa pinakamadaling paraan.

normal delivery pagkatapos ng c-section

Posible ang normal delivery pagkatapos ng c-section. | Image source: File photo

VBAC or C Section?

Ano nga ba ang VBAC?

Ang ibig sabihin ng VBAC (binibigkas na “vee-back”) ay “Vaginal Birth After Caesarean” o ang normal delivery pagkatapos ng c-section.

Kapag ikaw ay muling nabuntis, titingnan ng iyong doktor kung maaari kang manganak ng normal delivery pagkatapos ng c-section, habang tinataya ang iyong medical history, estado ng iyong pagbubuntis at iba pang mga dahilan na maaaring magpa-kumplika sa iyong panganganak.

Ayon sa National University of Health sa Singapore, maaari kang mag-normal delivery pagkatapos ng c-section kung:

  • Nagkaroon ka lang ng isang Lower Segment Transverse Caesarean Section (LSCS)—salitang-doktor o medikal para sa isang panganganak sa C-section
  • Ang dahilan sa iyong nakaraang panganganak sa C-section ay wala sa iyong kasalukuyang pagbubuntis
  • Sapat ang laki ng iyong birth canal para sa panganganak
  • Hindi ka sumailalim sa iba pang operasyon sa iyong matris (liban sa LSCS), at
  • Hindi ka naputukan ng matris

Kahit maipasa mo ang lahat ng pamantayan, ang iyong doktor pa rin ang magpapasya kung ano ang makabubuti sa iyong pagbubuntis. Makatutulong ang mga dahilan tulad ng laki ng iyong birth canal at kundisyon ng iyong matris upang malaman kung sa paanong paraan ka manganganak.

Sa madaling salita, kung ikaw ay papasa sa mga pamantayan, ligtas ang normal delivery pagkatapos ng c-section.

Mababa ang panganib na pumutok ang matris sa normal delivery pagkatapos ng c-section. Pero gayumpaman, ginagawa lamang ito sa mga kasong maaari ring isagawa ang panganganak sa C-section.

Karaniwang isinasagawa ang C-section kung kailangang ipilit ang panganganak. Tumataas ang panganib ng komplikasyon kapag kinailangan ng panlabas na tulong para sa panganganak. Dahil dito, mas ligtas ang sumailalim sa C-section.

Katunayan, halos 60-80 porsiyento ng mga nanay ay matagumpay na naipapanganak ang kanilang mga sanggol sa normal section sa kabila ng nakaambang panganib. Ang iba naman ay talagang kinakailangan ng tulong, kaya naman nakaantabay ang grupong magsasagawa ng panganganak sa C-section.

normal delivery pagkatapos ng c-section

VBAC or C Section? Tutulungan ka ng iyong doktor sa pagpapasya. | Image source: File photo

Bakit Maaaring Ipayo ng Doktor ang Muling Panganganak sa C-Section?

Naging kilala ang C-section bilang isang paraan ng panganganak sa paglipas ng panahon.

Sumikat ang pamamaraang ito sa kadahilanang medikal, tulad ng mababang matris o iba pang panganib sa panganganak. Ngunit mayroon ding panganib sa C-section katulad ng ibang operasyon.

Narito ang ilan sa mga dahilan upang ipayo sa iyo ng iyong doktor na manganak sa C-section:

  • Nanganak ka sa C-section nang higit sa isang beses
  • Kambal o higit pa sa dalawa ang iyong dinadala
  • Ang iyong huling C-section ay ginawa sa itaas na bahagi ng iyong matris
  • Mababa ang iyong inunan
  • Ang panganganak sa normal delivery ay magdudulot ng higit na komplikasyon o hindi talaga maaaring gawin nang ligtas.

Maaari kang papiliin ng iyong doktor kung nais mo ng normal delivery pagkatapos ng c-section o ang manganak ulit sa C-section.

Una sa lahat, kung ikaw ay maaaring sumailalim sa normal delivery pagkatapos ng c-section, ito ay ligtas para sa iyo at sa iyong anak. Mainam din ito kung ang huli at ang kasalukuyan mong pagbubuntis ay malayo ang pagitan, lalo na kung ang kasalukuyang pagbubuntis ay hindi high-risk.

Pangalawa, dahil ang panganganak ay gagawin sa ospital, dapat laging nakaantabay ang grupong magsasagawa ng C-section na panganganak sakaling hindi masunod ang plano sa normal delivery pagkatapos ng c-section.

Narito ang kagandahan ng normal delivery pagkatapos ng c-section, ayon sa NHS UK:

  • Mabilis na recovery
  • Malaking tiyansa ng madaling panganganak sa hinaharap
  • Maikling pamamalagi sa ospital, at mas maliit na tiyansang ikaw at ang iyong anak ay mahawa ng hospital-borne na mga impeksyon
  • Mas madaling pagpapasuso

VBAC or C Section ulit?

Anuman ang iyong piliin, ito man ay normal delivery pagkatapos ng c-section o manganak muli sa C-section, tandaan na hindi mo talagang mapipili kung paano ka manganganak.

Ang pinakamahalagang bagay sa pagkakataong ito ay ang kaligtasan mo at ng iyong anak. Makabubuting sumangguni sa iyong doktor tungkol dito, pero ang huling pagpapasya ay nakadepende sa mga bagay tulad ng pangangalaga matapos manganak, kalagayang pinansiyal, ang iyong kalusugan at iba pa.

Maaari ding sumangguni sa iyong obstetrician tungkol sa maganda at hindi magandang mga bagay tungkol sa dalawang paraan ng panganganak, at kung mayroon kang napipisil sa isa sa mga ito. Sa paraang ito, ang iyong pasya ay may basehan, at malalaman mo kung bakit mas mainam ang isang paraan para sa iyo batay sa iyong medical history.

 

Sources: NHS UK, NUH Singapore, NCT UK

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Yddette Civ Alonzo-Cruz

BASAHIN: Shamcey Supsup, ikinuwento ang kaniyang VBAC (vaginal birth after c-section) birth story 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Anay Bhalerao

app info
get app banner