Kasalukuyan mang nakabinbin ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO, patuloy pa rin naman ang pagtakbo ng iba pang mga programang nasa pamamahala nito, tulad na lamang ng pagbibigay ng iba’t ibang anyo at uri ng PCSO medical assistance.
Isa sa mga haliging proyekto ng PCSO mula pa noong 1995 ang pagkakaloob ng agarang tulong-pinansiyal sa mamamayang dumaranas ng suliraning pangkalusugan sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program.
Anumang tulong na ipinagkakaloob ay makukuha sa anyo ng isang Guarantee Letter na siya namang isinusumite ng benepisyaryo sa kinauukulang pasilidad-pangkalusugang kumakalinga sa kaniya. Itinatakda ng PCSO ang halagang matatanggap ng benepisyaryo sang-ayon sa classification system ng programa.
PCSO medical assistance: Sino at ano-ano ang saklaw ng programang ito?
Bukas ang PCSO medical assistance program ng opisina para sa lahat ng Pilipinong nagnanais humingi ng tulong para sa kani-kaniyang pangangailangang medikal. Personal man o sa pamamagitan ng awtorisadong kinatawan, maaaring humingi ng tulong ang sinomang:
- naka-confince sa alinmang pasilidad na pangkalusugan, tulad ng pampubliko o pribadong hospital;
- sumasailalim ng gamutan, therapy, anumang anyo ng healthcare management bilang outpatient; o
- nagpapagamot sa ibang bansa, sa kadahilanang walang health facility rito sa loob ng bansa na maaaring sailaliman ng pasyente ng operasyon o natatanging gamutan.
Narito naman ang mga saklaw na matugunan ng PCSO medical assistance program para sa pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan.
PCSO requirements for medical assistance | Image from Unsplash
1. Pagkakaospital
Para sa mga kasalukuyang naka-confine sa ospital, o kaya’y nakalabas na ngunit may nakabinbin pang aprubadong promissory note ng ospital na pinanggalingan.
Kasama rin s PCSO medical assistance ang mga kasalukuyang may dialysis. Para sa mga pasyenteng idina-dialysis, tulad ng Hemodialysis at CAPD (Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis).
3. Mga gamot
Kinabibilangan ng sumusunod (at ng iba pang maaaring hindi mababanggit):
- Epoietin Injection
- Cancer treatment
- Chemotherapy – oral (hormonal), intravenous
- Radiation Therapy
- Targeted therapy
- Immunotherapy
- Specialty medicines
- Hematopoietic Growth Factors
- Factors VII, VIII, at IX
- IV Immunoglobulin
- Biologics
- Post-transplant
- Psychiatric
- Anti-viral/anti-retroviral
- Non-cosmetic botox therapy
4. Devices o kagamitang medikal
- Medical
- Pacemaker
- Septal occluder
- Percutaneous Coronary Intervention (PCI)
- Assistive
- Hearing aid (Bone-anchored hearing aid/BAHA)
- Wheelchair
- Prosthesis (leg, arm, eye)
- Pulmonary Apparatus (rental of ventilator or respirator)
5. Radiation therapy
- External Beam Radiation Therapy (EBRT)
- Cobalt Therapy, Linear Acceleration
- Tomotherapy
- Intensive Modulation Radiation Therapy (IMRT)
- Brachytherapy
- Radioactive Iodine (RAI)
- Stereotactic Radiosurgery o Gamma Knife
6. Non- & Minimally Invasive Procedures
- Extracorporeal Shock Wave Lithotrispy (ESWL)
- Laparosconoic surgery
- Endoscopic procedures
7. Cardiac Procedures (puso)
- Pacemaker surgery
- Congenital Heart Surgery
- ASD, PDA, VSD
- Coronary Artery Bypass Graft
- Aneurysm surgery
- Peripheral bypass surgery
- Percutaneous Coronary Intervention (Angioplasty)
- Diagnostic procedures
- Coronary Angiogram
- Cardiac Catheterization
PCSO requirements for medical assistance | Image from Unsplash
8. Transplant Procedures
- Kidney Transplantation Packages
- maaaring monoclonal induction o non-monoclonal para sa transplant package ng buhay na donor
- Cadaver transplant package kung patay ang donor
- Liver Transplant Package
9. Rehabilitative Therapy
- Physical
- Occupational
- Speech
10. Implant
- Orthopedic (sa buto)
- Cochlear (sa tainga o para sa pandinig)
PCSO requirements for medical assistance
Sa pangkalahatan, kailangang makapagsumite ng sumusunod na pangunahing requirements ang mga nais mag-apply bilang benepisyaryo ng programa. Narito ang mga kailangang sa PCSO requirements for medical assistance.
Sagutin nang tama at kumpleto ang naturang form na maaari ma-download sa website ng PCSO o hingin saanmang opisina ng PCSO at mga ka-partner na ospital.
- 2 Valid IDs ng parehong pasyente at kinatawang nag-aasikaso
Kabilang sa mga ito ang passport, driver’s license, GSIS, UMID, SSS ID, PRC ID, PSA Authenticated Birth Certificate, PSA Authenticated Marriage Certificate, digitized voter’s ID, PhilHealth ID, senior citizen’s ID, 4P’s ID, at student ID.
Sa dami ng anyo at lawak ng saklaw ng PCSO medical assistance program, may kani-kaniyang partikular na proseso at requirements na kailangang sundin ang mga nagnanais makakuha ng benepisyo.
1. Pagkakaospital
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician/doctor
- Orihinal na kopya ng Statement of Account o bill sa hospital na may nakasulat na pangalan at pirma ng billing officer o credit supervisor.
(Mahalagang naka-itemize na rin ang mga deduction mula sa PhilHealth, deposits and payments, private insurance, at mga discount tulad ng senior citizen, PWd, at iba pa.)
- Endorsement mula sa Medical Social Services ng ospital para sa mga naka-admit sa charity/service wards.
(Hindi aplikable para sa mga ASAP partner hospitals.)
- Kung nakalabas na, kailangan ng kopya ng promissory note na aprubado ng ospital na pinanggalingan.
(Hindi aplikable para sa mga ASAP partner hospitals.)
- Para sa mga kasong pang-medico-legal, kailangang maglakip ng photocopy ng police report
2. Dialysis
Para sa mga kasapi ng PhilHealth:
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician/nephrologist
- Official quotation mula sa Dialysis Center/Hospital na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
- Certification of Exhaustion of PhilHealth benefit
- PCSO index card (para sa mga dati nang nakakuha ng tulong)
Para sa mga hindi kasapi ng PhilHealth:
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician/nephrologist
- Official quotation mula sa Dialysis Center/Hospital na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
- Certification of Non-PhilHealth Member mula sa Dialysis Center/Hospital
- PCSO index card (para sa mga dati nang nakakuha ng tulong)
3. Implant
- Orthopedic
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician, pati na ang petsa ng nakatakdang operasyon
- Request ng specifications of implant mula sa attending physician
- Official sealed quotation mula sa three (3) suppliers na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
- Para sa mga kasong pang-medico-legal, kailangang maglakip ng photocopy ng police report
- Cochlear
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician, pati na ang petsa ng nakatakdang operasyon
- Audiological Evaluation (hearing test) na naglalakip ng pangalan, pirma, at license number ng audiologist
- Official sealed quotation mula sa supplier na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
PCSO requirements for medical assistance | Image from Freepik
4. Cobalt/Radiotherapy/Brachytherapy/RAI/Gamma Knife Radiosurgery
- Orihinal na kopya ng Medical Abstract/Certificate na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Official quotation na nagsasaad ng detalyadong gastos mula sa service provider na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO, kabilang ang mga deduction mula sa PhilHealth at iba pang uri ng aplikableng discount (kung mayroon)
- Photocopy ng Histopathology/Biopsy report na nasasaad ang pangalan, pirma, at license number ng pathologist
5. Non- & Minimally Invasive Procedures (ESWL, Laparascopic surgery, Endoscopic procedures, Cataract and Eye surgery)
- Orihinal na kopya ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Official quotation na nagsasaad ng detalyadong gastos mula sa hospital, kasama ang deduction mula sa PhilHealth
- Photocopy ng mga kaugnay na resulta ng laboratoryo nang hindi lalagpas sa nakalipas na tatlong (3) buwan
6. Rehabilitative Therapy (PT/OT/Speech)
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Official quotation na nagsasaad ng detalyadong gastos mula sa service provider na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
7. Transplant
- Orihinal na kopya ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Official quotation na nagsasaad ng detalyadong gastos mula sa hospital
- Certification of Eligibility for the Transplant ng pasyente mula sa transplant unit ng hospital
- Proof of counterpart mula sa pasyente o pamilya nito
8. Medical Devices
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Request ng specification of medical device mula sa attending physician
- Official sealed quotation mula sa two (2) suppliers na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
- Photocopy ng kaugnay na resulta ng laboratory
9. Mga surgical supply o kagamitan
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Official quotation na nagsasaad ng detalyadong gastos mula sa service provider na tumatanggap ng guarantee letter ng PCSO
10. Laboratory/Diagnositc Procedures
- Orihinal na kopya ng Certified True Copy ng Medical Abstract na nasusulatan ng pangalan, pirma, at license number ng attending physician
- Laboratory/diagnostic request na nagsasaad ng pangalan, pirma, at license number ng doktor
- Official quotatioin mula sa hospital, kabilang ang mga deduction mula sa PhilHealth at iba pang uri ng aplikableng discount (kung mayroon)
Para naman sa mga partikular na kinakailangang dokumento sa aplikasyon ng mga gamot at assistive devices, magtungo lamang sa website ng PCSO. Ang mga gamot ay nahahati sa tatlong klasipikasyon habang sa apat naman ang assistive devices. Gayundin, para sa iba pang mga katanungan o impormasyong nais malaman hinggil sa iba pang programa ng PCSO, bisitahin ang kanilang website o personal na magtungo sa mga sangay ng kanilang opisina.
5 steps para sa online na pag-aapply ng PCSO medical assistance
Sa ngayon ay tumatanggap na ang online na aplikasyon ang PCSO para sa medical assistance para sa mas madali at mabilis na pagpo-proseso.
Ito ay available ngayon para sa mga nakatira sa National Capital Region o NCR at mayroong first-come-first-serve basis sa araw-araw dahil mayroong cut-off para sa daily budget nito.
Huwag mag-alala dahil maaari namang sumubok kinabukasan para mag-apply kung hindi natanggap sa unang pagsubok.
Ang mga sumusunod na kailangang gawin para sa online application ay:
- Magpunta sa website ng PCSO na www.pcso.gov.ph at pindutin ang NCR Online Application.
- Siguraduhin na mayroon at handa na ang mga orihinal na dokumento na kinakailangan (basahin sa itaas ang mga listahan ng requirements para sa particular na klase ng medical assistance na iaapply) dahil kailangang iencode ang mga dokumentong(naka-scan) ito kasama ng mga basic information niyo.
- Pagkatapos makapag-file ng aplikasyon ay makakakuha ng reference number at ipoproseso na ng PCSO Charity Assistance Department ang iyong request. Magbibigay ng pinansiyal na tulong ang PCSO sa pamamagitan ng Claim Slip o Guarantee Letters na kinakailangan mong i-print.
- Matapos i-print ang Claim Slip o Guarantee Letter, dalhin at ipakita ito sa ospital o health facility kung saan naka-admit o nagpapagamot at saka ito ibigay kasama ang mga orihinal na dokumentong inirerequire.
- Maghintay lamang dahil isu-surrender ng ospital o health facility ang iyong mga dokumento sa Charity Assistance Department para maproseso ang bayad o tulong pinansyal.
Tandaan
Ang mga ospital o partner health facility ay maaari at may karapatang tumanggap o tumanggi sa inyong inirequest na assistance sa pamamagitan ng Claim Slips o Guarantee Letter.
Lahat ng mga impormasyon ay mayroong validation ng PCSO kaya’t huwag sumubok na mag-apply ng maraming beses kung nakatanggap na ng tulong dahil magiging dahilan ito upang maimbalida ang inyong financial assistance.
Sa pagsubmit ng aplikasyon sa online na pamamaraan sa website ng PCSO ay maaaring gawin sa oras na 8:00 am hanggang 3:00 pm dahil sa guideline at curfew na ipinapatupad ng local na gobyerno at ito ay masusunod maliban na lamang sa holidays.
Ang mga residente naman ng Metro Manila ay dapat na magsubmit at iproseso ang kanilang mga aplikasyon sa mismong main office ng PCSO.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!