Noong nakaraang linggo, ginanap ng Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall, isang malaking pagdiriwang ng panitikan o literature sa ating bansa. Dinaluhan ito ng iba’t ibang manunulat, ilustrador, guro, magulang, at siyempre mga batang mahilig sa pagbabasa. Isa sa mga highlights ng event ay ang mga kwentong pambata at education books na naglalayong hubugin ang imahinasyon at katalinuhan ng mga bata.
Pero bakit nga ba mahalaga ang pagbabasa para sa mga bata? At paano makakatulong ang pagbabasa para sa kanilang overall development? Tara, alamin natin ‘yan.
Mga kwento at kaalaman
Sa Philippine Book Festival 2025, maraming lokal na aklat ang itinampok, lalo na ang mga pambatang kwento. Ang festival na ito ay isang oportunidad para maipakita ang talento ng mga Pilipinong manunulat at ilustrador sa larangan ng panitikan.
Larawan mula sa Philippine Book Festival Facebook page
Kwentong pambata para sa imahinasyon, development at culture
Ang mga batang mahilig magbasa ng kwento ay mas lumalawak ang imahinasyon at pag-unawa sa mundo. Sa festival, maraming librong naglalaman ng Filipino folklore, makabuluhang aral sa buhay, at kwentong may representation ng ating kultura. Halimbawa, may mga aklat tungkol sa alamat, bayanihan, at pagiging makabansa na naaayon sa edad ng mga bata.
Isa pang mahalagang aspeto ng mga kuwentong pambata ay ang kanilang mga visual o ilustrasyon. Mas nadadala ang mga bata sa kwento kapag may makukulay at engaging na larawan. Sa festival, maraming ilustrador ang nagbahagi ng kanilang obra, at nagkaroon pa ng storytelling sessions kung saan binigkas nang buhay na buhay ang mga kwento para sa mga bata.
Educational books: Learning made more fun

Larawan mula sa Philippine Book Festival Facebook page
Bukod sa fiction at storytelling books, marami ring informative at educational books para sa mga bata. Ang mga ito ay may layuning palawakin ang kanilang kaalaman sa iba’t ibang larangan tulad ng agham, kasaysayan, at matematika.
Isa sa mga tampok sa festival ay ang mga aklat na tumutulong sa reading comprehension, problem-solving, at STEM education. Hindi lang ito para sa school requirements, kundi para rin gawing mas engaging ang learning sa bahay.
Bakit mahalaga ang pagbabasa sa mga bata?
Bilang mga magulang, isa sa pinakamagandang regalo natin sa ating mga anak ay ang paghubog ng kanilang hilig sa pagbabasa. Pero bakit nga ba importante ito?
-
Pinapalawak ang vocabulary at communication skills
- Sa pamamagitan ng pagbabasa, natututo ang mga bata ng bagong salita at tamang gamit nito sa pangungusap. Mas lumalawak ang kanilang kaalaman sa wika at mas nagiging maayos ang kanilang pakikipag-usap.
-
Pinapalakas ang creativity at imagination
- Ang mga kwento ay may kakayahang palawakin ang imahinasyon ng bata. Natututo silang mag-isip nang malikhain, magtanong, at makahanap ng solusyon sa iba’t ibang sitwasyon.
-
Nagpapalakas ng empathy at Social Skills
- Sa pagbabasa, nakikilala ng mga bata ang iba’t ibang karakter at sitwasyon. Natututo silang umunawa ng damdamin ng iba, na isang mahalagang aspeto sa pakikipagkapwa-tao.
-
Mas matibay ang pundasyon sa ag-aaral
- Ayon sa mga eksperto, ang mga batang exposed sa pagbabasa mula murang edad ay mas nagiging handa pagdating sa schoolwork at academic performance. Mas madali silang natututo at nagiging mas independent learners.
Larawan mula sa Freepik
Paano mahihikayat ang iyong anak na magbasa?
Dahil sa digital age, maraming bata ang mas interesado sa gadgets kaysa sa libro. Pero may mga paraan para gawing mas engaging ang pagbabasa sa kanila:
- Gawing bonding time ang pagbabasa. Magbasa nang malakas kasama ang iyong anak, lalo na bago matulog.
- Piliin ang mga librong swak sa kanilang edad at interes. Mahilig ba sila sa hayop? Adventure? Fantasy? Piliin ang tamang genre para sa kanila.
- Ipakita ang good example. Kapag nakita nilang mahilig magbasa ang magulang, mas maeengganyo silang gawin din ito.
- Isali sila sa book festivals at storytelling events. Ang pagdalo sa Philippine Book Festival o iba pang katulad na event ay isang magandang paraan para i-expose sila sa mundo ng libro.
Higit pa sa pagbabasa—paglinang ng kinabukasan
Ang Philippine Book Festival 2025 ay hindi lang isang selebrasyon ng panitikan, kundi isang paalala sa atin na ang pagbabasa ay isang pundasyon ng edukasyon at pagkatao ng ating mga anak.
Habang maaga pa, mahalagang bigyan natin sila ng pagkakataong ma-explore ang mundo sa pamamagitan ng mga pahina ng isang libro. Sapagkat sa bawat pahina, may bagong aral, bagong imahinasyon, at bagong posibilidad na naghihintay sa kanila.
So, kailan ang next reading session mo with your little one?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!