X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Newborn thrush vs milk tongue, ano ang puti sa dila ni baby?

6 min read

May puti sa dila ng baby mo? May dalawang dahilan kung bakit siya mayroon nito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit may puti sa dila ng baby?
  • Ano ang newborn thrush at ano ang milk tongue?
  • Paano maalis ang puti sa dila ng baby?

Kapag mayroon ka ng sanggol, ang iyong buong mundo ay nagbabago. Kasabay ng mga challenges na iyong mararanasan bilang isang ina ay may mga bagay ka ring matututunan. Napakaraming tanong ang iyong mabubuo sa iyong isip. Tulad na lamang sa kung ano ang ibig sabihin ng kulay puti sa dila ng baby. Normal lang ba ito? O dapat mo ng ipag-alala?

May dalawang dahilan kung bakit may puti sa dila ng baby. Una, dahil sa newborn thrush na isang seryosong kondisyon. Maaaring dahil lamang sa gatas o milk coating sa dila niya.

 puti sa dila ng baby

Newborn thrush vs milk tongue: Paano matutukoy ang pagkakaiba ng dalawa?

Newborn Thrush vs Milk Tongue: Identifying The Two

Ano ang pagkakaiba ng newborn thrush at milk tongue?

Milk Tongue

Lahat ng bagong silang na sanggol ay magkakaroon ng white coating sa kanilang mga dila. Ito ay tinatawag na milk tongue. Mula ito sa gatas na dinedede ng baby na main source niya ng pagkain sa loob ng 6 na buwan. Kung si baby ay formula-fed, mapapansing ang milk coating o puti niya sa dila ay mas makapal.

Ang mga milk tongue ay madalas namang kusang natatanggal sa tuwing dumedede ang sanggol. Ito ay dahil kumikiskis ang dila ng sanggol sa kaniyang hard palate o ngala-ngala. Pero kung ang kaniyang dila ay hindi umaabot sa hard palate ng kaniyang bibig, maaari itong magdulot o mag-develop sa persistent “milk tongue”.

Ang kawalan ng friction na ito sa pagitan ng dila at hard palate ng bibig ay maaaring dulot ng sumusunod na dahilan:

  • Tongue tie

Ito ang kondisyon na kung saan ang tissue na nagkokonekta sa dila at sa gitna ng bibig o frenulum ay napaikli. Pinipigilan nito ang movement o paggalaw ng dila, kaya naman hindi nito naabot ang ibabang bahagi ng bibig o ngala-ngala. Ang kawalan nito ay nagdudulot ng milk tongue.

Ang tongue tie ay maaari namang maitama o maiayos sa pamamagitan ng isang simpleng medical procedure.

  • Mataas na ngala-ngala

Hindi rin maalis basta-basta ang milk tongue kung ang ngala-ngala ni baby ay masyadong mataas. Sapagkat sa hindi makikiskis ang dila dito at hindi basta maalis ang milk residue.

Kung may suspetsa kang ang ngala-ngala ng iyong sanggol ay mataas o kaya naman ay naka-arch, makipag-usap agad sa isang pediatrician. Siya ang magtutukoy kung ano ang pinakamagandang gawin upang malunasan ito.

 puti sa dila ng baby

BASAHIN:

Tongue tie sa baby, dapat bang ipa-opera?

Panoorin: Madaling paraan kung paano linisin ang dila ng sanggol

Ano ang nipple thrush at paano mo ito maiiwasan?

Oral thrush

Ang puti sa dila ng baby ay maaring dahil rin sa oral thrush. Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang pagkakaroon ni mommy ng nipple thrush. Ito ay malilipat sa sanggol at magde-develop sa nasabing kondisyon.

Bago magpanic, dapat mong malaman na ang nipple thrush ay very common na kondisyon sa mga newborn at mga older babies. Ito ay dulot ng fungus na kung tawagin ay candida albicans.

Ayon sa mga medical experts mula sa National Health Service UK o NHS, ang fungus na ito ay present sa bibig ng mga malulusog na tao. Hindi naman ito madalas na nagdudulot ng problema. Pero ito’y maaaring dumami o mag-overgrow at maaaring maapektuhan ang mga membranes sa bibig. Dito nagsisimula ang oral thrush.

Ano ang iba pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng oral thrush ang baby?

Kung ang iyong sanggol ay nabigyan ng antibiotics kamakailan lang, ang oral thrush ay isa sa mga side effect na kaniyang mararanasan. Ito ay dahil ang level ng good bacteria sa kaniyang bibig ay nabawasan. Kaya naman mas naging mabilis ang pagdami ng fungus dito.

Ayon kay Dr. Pratibha Agarwal, isang consultant paediatrician, tumataas ang tiyansa na makaranas ng oral thrush ang isang sanggol kung mayroong vaginal fungal infection at nag-antibiotics ang kaniyang ina. Ito ay maipapasa sa sanggol sa pamamagitan ng pagsuso sa nipples ng ina na apektado rin ng nasabing impeksyon.

newborn thrush vs milk tongue

Image: YouTube screengrab

Paano matutukoy kung newborn thrush o milk tongue ang nararanasan ni baby?

Para matukoy kung milk tongue o oral thrush ang nararanasan ni baby, ay kailangan lang gawin ang isang napakasimpleng paraan. Ito ay sa pamamagitan ng paglilinis ng dila ni baby. Kung ang kulay puti sa dila niya ay agad na natanggal gamit ang malambot at basang tela, ito ay milk tongue.

Pero kung ito ay oral thrush, hindi ito basta-basta matatanggal. Maaari pa itong magdugo kung pipilitin itong tanggalin. Kung ito ay hindi malulunasan, magdudulot ito ng pagiging irritable sa iyong baby habang siya ay sumususo.

Paano malulunasan ang oral thrush?

Ang oral thrush ay hindi naman ganoon kadelikado. Ito ay maaaring malunasan sa pamamagitan ng anti-fungal gel na ina-apply sa loob ng bibig. Mayroon ding mga antifungal suspension na maaaring inumin.

Para mas mapabilis din ang paggaling ni baby ay makakatulong kung babawasan mo ang pagkain ng matatamis na pagkain. Sapagkat ang dagdag na sugar sa iyong breastmilk ay maaaring makapagpalala pa ng oral thrush sa kaniyang bibig.

Partner Stories
Eden Melt Sarap has Melt-in-your-Mouth Goodness
Eden Melt Sarap has Melt-in-your-Mouth Goodness
These Kids Know Why They Want to Grow Strong
These Kids Know Why They Want to Grow Strong
MakatiMed reopens Transplant Unit in new location to serve more patients amid the pandemic
MakatiMed reopens Transplant Unit in new location to serve more patients amid the pandemic
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby

Paano maiiwasan ang oral thrush?

Kung ang isang buntis na ina ay mayroong vaginal yeast infection ay dapat agad na siyang magpagamot. Ito ay upang maiwasang mapunta o mahawa pa ng impeksyon ang kaniyang sanggol habang ito ay ipinapanganak ng normal.

Ang mga nagpapasusong ina na mayroong fungal infection sa paligid ng kaniyang fungal area ay dapat ding magpagamot. Ito ay para maiwasan na paulit-ulit na maihawa ito sa kaniyang sanggol.

Kung ang sanggol ay nag-a-antibiotics na ng may katagalan, ang pagte-take ng probiotics ay makakatulong para manumbalik ang balance ng kaniyang oral at gut flora. Ito rin ay nagpapababa ng tiyansa niyang magkaroon ng oral thrush.

Para maiwasan din ang pagkalat pa ng fungus na dala ng thrush ay ugaliing maghugas ng kamay matapos palitan ng diapers si baby. Sapagkat ang pangunahing paraan upang maiwasan ito ay ang pagiging malinis sa katawan.

Orihinal na inilathala sa the AsianParent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

References: National Health Service (NHS), Livestrong

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Newborn thrush vs milk tongue, ano ang puti sa dila ni baby?
Share:
  • Milk tongue vs thrush in babies: What's the difference?

    Milk tongue vs thrush in babies: What's the difference?

  • Parents' Guide: 4 steps kung paano linisin ang dila ng baby

    Parents' Guide: 4 steps kung paano linisin ang dila ng baby

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Milk tongue vs thrush in babies: What's the difference?

    Milk tongue vs thrush in babies: What's the difference?

  • Parents' Guide: 4 steps kung paano linisin ang dila ng baby

    Parents' Guide: 4 steps kung paano linisin ang dila ng baby

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.