X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Walong taong gulang na bata inimbitahang maglaro ng 'rape game'

4 min read

Bilang ina ng dalawang batang babae, palagi akong nag-aalala para sa kapakanan ng mga anak ko. Pilit ko man silang protektahan sa mga nangyayari sa paligid, wala akong kontrol sa mga nangyayari sa labas ng aming tahanan. Lalong-lalo na sa impluwensiya sa kanila ng kanilang mga kaibigan. 

Tulad na lamang ng kwento ng isang ina sa Malaysia kung saan niyaya daw ang kaniyang anak na lalake na maglaro ng rogol-rogol, o ‘rape game’ ng kaniyang mga kaklase.

Ayon sa bata, inimbitahan daw siya ng kaniyang kaklase na samahan siya sa banyo at maglaro ng rogol-rogol. Kahit sinong magulang siguro ay kikilabutan kapag narinig ito manggaling sa kaniyang anak!

Buti na lang, walang masamang nangyari sa bata, pero nakakatakot pa rin ang nangyari dahil mapilit daw ang kaniyang kaklase.

rape game

Ano ang naging usapan ng mag-ina? 

Anak: Dinala po niya ako sa likod, kung nasaan ang CR ng mga babae. Sinabi niya na laruin daw namin ang rape game.

Ina: Rape game? ano ang ibig sabihin mo?

Anak: Hinila niya po ako at sinabing samahan ko daw siya. Sabi niya iihi lang daw siya. Sabi ko po gusto ko lang maghilamos, pero pinipilit niya akong sundan siya.

Ina: Ano ang nangyari pagkatapos?

Anak: Sabi ko po sa kaniya na tumigil siya. Sabi ko sa kaniya na isusumbong ko siya sa iyo.

Ina: May iba pa bang gumawa nito? Ginawa ba niya ito sa ibang bata?

Anak: Ako lang po ang kinausap niya. Pero may kaibigan ako na ang pangalan ay A. Inimbitahan niya po ang iba naming kaklase na maglaro ng rape. Sinabi niya sa isang batang lalake na humiga, tapos may isa pang bata. Ni-“rape” niya silang dalawa. Parehas ko po silang kaklase.

Ina: Bukas kakausapin ko ang teacher mo.

Son: Hindi na po yun kailangan! Kinausap ko na si techer, pero wala siyang ginawa. Sinabi ko din po kay Teacher E. Sinabi ko kay Teacher M, Teacher N at kay Teacher F. Pinagsabihan po siya ni Teacher F nung isang araw. Please, mommy, pumunta ka sa school at pagsabihan ang kaklase ko.

Ina: Sige, pupuntahan ko siya bukas.

Huwag pumayag na magkaroon ng sexual harassment sa paaralan!

rape game

Ano na ang nangyari sa ating mga kabataan? Kailan pa naging laro ng mga bata ang rape?

Ang mga laro ng bata ay dapat habulan, taguan, atbp. Hindi laro ng mga bata ang rape game, at kahit kailan, hindi laro ang rape. Mahalaga na maging safe space ang mga paaralan.

Mabuti na lang at alam ng kaniyang anak ang mga boundaries pati na ang safe and unsafe touching. Siguro kung nangyari ito noong nakaraan, baka hindi ito napag-usapan at itinago lang.

Mabuti na mas nagiging aware ang mga guro at magulang pagdating sa mga ganitong bagay . Nakikita nila ang kahalagahan ng pagturo sa mga mag-aaral ng tungkol sa boundaries at sa sexual harassment. At hindi lang ito nangyayari sa mga batang babae, ngunit pati na rin sa mga lalake.

Kung hindi alam ng mga bata kung paano protektahan ang sarili nila, mas madali silang mabibiktima ng mga masasamang loob. 

Hindi rin ito dapat ipagwalang-bahala ng mga guro dahil lamang mahirap ito pag-usapan. Kailangang maintindihan ng mg magulang pati ng mga guro ang epekto ng peer pressure sa isang bata.

Importanteng agad-agad na maagapan ang mga ganitong kaso. Dahil kapag agad itong naagapan, mas maagang maibibigay ang treatment at counseling na kailangan ng mga biktima nito. 

Mabuti rin na hindi nahiya o natakt magkwento ang bata sa kaniyang ina. Ibig sabihin nito, maayos at bukas ang komunikasyon ng magulang sa kaniyang anak. 

Source: World of Buzz

Lead and feature image credit: Wiki Commons, Facebook

 

Ang article na ito ay isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

https://sg.theasianparent.com/rogol-in-school

 

Basahin: 7-year-old girl “gang-raped” on Roblox highlights need for increased parental scrutiny

Partner Stories
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
Parents, here's what you should do when your child sees you and your spouse fighting
#SendLoveWithBebeBata
#SendLoveWithBebeBata
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
13 Must-haves for Your Online Baby Checkout Checklist
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove
This Mommy Welfare Month, Absolute Gives Back The Love to Moms #SelfLoveIsBabyLove

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Rosanna Chio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Parenting
  • /
  • Walong taong gulang na bata inimbitahang maglaro ng 'rape game'
Share:
  • 9 diseases your child can get from ball pits

    9 diseases your child can get from ball pits

  • Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

    Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

  • 9 diseases your child can get from ball pits

    9 diseases your child can get from ball pits

  • Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

    Playing with mud, collecting dusty leaves and still being healthy—let your child live their childhood!

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • 10 things you should never say to your child

    10 things you should never say to your child

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at update sa pag-aalaga ng baby at kanilang kalusugan.