X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae

3 min read
Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babaeRiding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae

Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae sa may Payatas. Nakuhanan ng video ang pagsaklolo ng biktima sa mga pulis. Panoorin dito. | Photo: Screengrab mula sa Radyo Pilipinas

Rumesponde ang Batasan Police sa isang tip na mayroon daw riding in tandem nag-kidnap ng isang babae sa may bandang Payatas area. Agad na pinuntahan ng kapulisan ang lugar na itinuturong pinangyarihan at binaybay ang kahabaan ng Payatas road upang hulihin ang mga kriminal. Nagulat ang mga pulis nang may isang babae na tumakbo sa gitna ng daan na halos wala ng saplot at humihingi ng saklolo.

Maririnig sa video na kuha ng mga pulis na umiiyak ang babae at sumisigaw ng, "Tulong! Tulong!"

Matapos makuha ng pulis ang mga babae. Maririnig ang ilang putok ng baril. Dito nagsimula ang engkwentro sa pagitan ng mga pulis at diumanoy mga kriminal.

Ayon sa biktima

riding in tandem

Ayon sa biktima, pauwi na sana siya nang bandang alas dose ng gabi mula sa isang party dahil ipinagdiriwang niya ang birthday niya. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng dalawang di kilalang lalaki na naka-motorsiklo. Dito ay tinutukan siya ng baril. Akala ng babaeng biktima na ho-hold-up-in siya ngunit pinilit siyang isakay ng mga ito sa kanilang motor.

Salaysay ng biktima sa Radyo Pilipinas, "Nakikiusap na ako doon sa dalawang lalaki na, 'Wala po akong pera.' Sabi niya, 'Pakialam ko, hindi naman pera 'yong habol ko sa 'yo, e.' Sabi ko, 'Hala, Kuya, wag naman po ganiyan.'"

Habang nakasakay sa motor, may nakitang lalaki na naglalakad ang biktima at sinenyasan niya ito para ipahiwatig na humihingi siya ng tulong.

"May nakita po akong isang binatilyo na lalaki. Nagkakaway po ako sa kaniya. Nag-sign po ako na humingi ng tulong."

Maya-maya pa ay nakarating na ang biktima at ang mga suspek sa liblib na lugar na may talahiban. Patuloy nagmamakaawa ang biktima sa mga lalaki ngunit hindi siya nila pinakinggan. Dito sinimulan siyang pagsamantalahan.

"Pinunit niya 'yong damit ko," aniya. "Tinanggal niya 'yong shorts ko. Tapos 'yong dibdib ko, hinimas-himas niya po..."

Pagsaklolo

riding in tandem

Umaksyon agad ang binatilyong hiningan ng biktima ng tulong at isinumbong sa mga pulis na may babaeng kinidnap ng riding in tandem at patungo ang mga ito sa direksyon na pa-Montalban.

Habang nagaganap ang pagsasamantala, may narinig ang biktima at mga lalaki na babaeng umiiyak. Naglabas ang mga suspek ng baril para tignan kung ano 'yong ingay.

"May narinig po ako na nagputukan na baril. E, di natakot na po ako. Inayos ko na po 'yong damit ko na nasira. Hanggang sa nakit ako 'yong mobil ng pulis. Nagkakaway na ako."

Namatay ang dalawang suspek sa palitan ng putok. Iniimbestigahan pa ang pagkakakilanlan ng mga ito at kung sangkot din ba sila sa iba pang krimen sa lugar.

Partner Stories
BPI and Art Fair Philippines 2020 to showcase exemplary Filipino artists
BPI and Art Fair Philippines 2020 to showcase exemplary Filipino artists
AIA Philippines introduces total health solution for costumers
AIA Philippines introduces total health solution for costumers
A Life in Sync with Yours: RLC Residences' Modern Living Spaces for the Filipino of Today
A Life in Sync with Yours: RLC Residences' Modern Living Spaces for the Filipino of Today
Remove the Need to Recycle – GO NAKED!
Remove the Need to Recycle – GO NAKED!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • Riding-in-tandem kinidnap at pinagsamantalahan ang isang babae
Share:
  • 7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

    7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

  • 5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall

    5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • 7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

    7 Taong gulang na batang babae, ginahasa sa banyo ng restaurant!

  • 5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall

    5-anyos na batang babae, minolestya diumano sa banyo ng isang mall

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.