Pagtatalik habang buntis: 7 na bagay na dapat mong malaman

Safe nga ba ang sex habang buntis? Makakasama ba ito sa baby na nasa loob ng sinapupunan? Di ba magiding dahilan ng premature labor? Alamin dito. PHOTO: Shutterstock

Pwede ba makipagtalik ang buntis? Posible nga ba ang mga ito?

Sex ang isa sa mga nagpapasabik ng relasyon. Mahalaga rin ito lalo na sa mga gustong bumuo ng pamilya. Para sa karamihan, napapatanong sila minsan kung pwede ba makipagtalik ang buntis lalo na sa first trimester. Isa pa, naiisip din nila kung pwede pa rin bang putukan din ang buntis.

Ang lahat ng iyan ay bibigyang linaw natin sa artikulong ito.

Kuwento ni Angela at Michael tungkol sa pagtatalik habang buntis

Sa wakas nagtagumpay na rin si Angela ay ang mister nitong si Michael na magkaroon ng supling. Halos dalawang taon na kasing sinusubok ng mag-asawa na magkaroon ng anak. Hindi maipaliwanag ang sayang naramdaman ng dalawa, dahil pag-alala nila na noong huli nilang subok ay muntikan na silang sumuko. Bawat negative result daw kasi ng pregnancy test ay nakaaapekto na para kay Angela.

Alam naman ni Angela at Michael na maaari silang mag-ampon kung sakaling hindi talaga sila makabuo ng baby. Sa kabila nito, nais daw muna nilang gawin ang lahat bago tuluyang sumuko. Kaya nga ayon sa mag-asawa, lagpas langit ang kanilang ligaya nang makitang positibo na rin sa wakas ang kanilang pregnancy test.

Hanggang sa humantong na ngang nararamdaman na ni Angela ang labis na pananabik sa kanyang asawa —- at maging sa sex. Dahil dito natatakot na si Michael na makipagtalik. Isa siya sa mga napapatanong kung pwede ba makipagtalik ang buntis.

Marami pa siyang tanong na nasa isip niya. Marami rin daw kasi siyang naririnig at nababasang opinyon na mula sa iba’t ibang tao kaya naman halos lahat ng ito ay conflicting.

Hindi rin naman daw sa ayaw niyang makipagtalik sa kanyang asawa. Lalo pa nga raw siyang naaakit kay Angle dahil nakikita na ang pregnancy glow ng misis niya.

Sa kabilang banda, ika nga ng marami: may ibang tao sa kwarto. Ayaw naman daw niyang masaktan o malagay sa pangani ang asawa lalo na ang baby nila. Hindi niya raw handang i-risk ito para lamang pagbigyan ang sekswal na pangangailangan nilang dalawa.

Kapag nagbubuntis, labis ang produksiyon ng hormones kaya naman sabik na sabik makipagtalik.

Pagtatalik habang buntis: Mga facts at myths tungkol sa pregnancy sex

Bawal ba sa buntis ang makipagtalik? Narito ang sagot ng experts. | Larawan kuha mula sa Unsplash

May iba’t ibang benefits na dala ang sex habang buntis, ito ay ayon kay Dr. Monina Cruz, isang psychiatrist sa St. Luke’s Medical Center. Narito ang paliwanag niya hinggil dito.

1. Masasaktan ba ng penis ko ang bata sa loob ng tiyan niya?

Sagot: Hindi. Hindi ito aabot o lalapit man lang sa baby. Marami pang nakaharang sa pagitan ng puwerta at fetus sa uterus, kaya naman hindi dapat mag-alala. Safe ang bata sa loob ng amniotic sac. Lumalangoy ito at pinoprotektahan na rin ng amniotic fluid sa loob ng tyan ni baby. 

Ang sac na ito ay ligtas sa loob ng uterus, at siguradong matibay at protektado si baby. Nariyan pa ang cervix sa uterus na haharang sa pagitan ng ari at ng baby.

Ang pinakamalala na lang siguro ay hindi magiging komportable si misis. Kaya’t ingat lang at siguraduhing tinatanong kay misis kung okay lang ba ang posisyon niya, at ibahin ito kung nasasaktan siya.

2. Kailan hindi safe ang pakikipagtalik sa buntis na misis?

Sagot: Kung may heavy bleeding si misis, iwasan muna ang sex habang buntis. Kapag mababa ang placenta, maaaring maging sanhi din ng pagdurugo. Kung nagkaron din ng procedure na cervical cerclage si misis para sa baby, iwasan din ang sex.

Higit sa lahat, kapag pumutok na ang tubigan, hindi na pwedeng makipagtalik. (Maaaring hindi mo ito naiisip, pero maniwala ka sa hindi, maraming mga taong kailangan ng tahasang paalala pagdating sa sex.)

3. Ayoko namang mag-premature labor si misis dahil sa sex. Posible bang mangyari ito?

Sagot: Hindi naman sanhi ng premature labor ang sex sa buntis. Para pa ngang nauugay ng duyan ang baby kapag gingagawa niyo ito. Para sa sanggol, parang naglalakad lang si Mommy pataas ng hagdan o bulubundukin.

Maaaring maging sanhi ng contractions sa uterus, pero ito ay Braxton Hicks lamang. Nakakatulong pa nga ang sex habang buntis upang ihanda ang uterus para sa panganganak.

Kapag oras na, doon pa lang magle-labor si Mommy. Basta tandaan na hindi na dapat makipagtalik kapag pumutok na ang panubigan at nagle-labor na si misis.

4. Hindi ba makakasama sa baby ang orgasm ni Mommy?

Sagot: Hindi! Tulad ng naunang paliwanag na, maaaring maging sanhi lang ng Braxton Hicks, pero hindi ito mapanganib. Kaya’t huwag matakot makipagtalik kay misis.

5. May dugo sa bedsheet pagkatapos namin mag-sex, anong ibig sabihin nito?

Sagot: Ang spotting ay normal lang sa mga unang linggo ng pagbubuntis. May mayabong na blood supply kasi ang cervix kaya nagdudugo, at inilalabas ng uterus.

Bagamat may mga pagkakataon na maaaring may panganib ito, siguraduhin na ikukonsulta sa OB GYN kapag madami ang dugo at patuloy ito.

Kung si misis ay may low-lying placenta, iwasan muna ang pakikipagtalik habang buntis. Kung madalas ang spotting, mabuting ipaalam sa doktor, at huwag munang magtalik hangga’t hindi nasusuring mabuti ang kondisyon ni misis.

6. Safe pa ba ang sex sa buntis sa third trimester?

Sagot: Kung nasa mood kayo, bakit hindi? Kapag mas malapit na sa due date, mas mahirap nga lang humanap ng komportableng posisyon para kay misis.

Subukan ang iba’t ibang posisyon na hindi makakasakit sa asawa. Isa rin itong tamang panahon para makahanap ng kakaibang paraan ng maipakita ang pagmamahalan sa isa’t isa, nang hindi pisikal. Mag-isip ng mga romantikong bagay para hindi mawala ang pagtitinginan.

7. Kapag naririnig ng baby ang boses ko (habang nagtatalik kami), gumagalaw at sumisipa ito. Maalala niya kaya ang nangyayari?

Sagot: Hindi. Ayon sa mga pagsasaliksik, walang ebidensiya na nagsasabing naaalala ng baby ang mga naririnig niya habang nasa uterus pa siya.

May mga positibong reaskiyon kapag nakakarinig ng masayang musika, o kapag kumakain si Mommy ng masarap na pagkain. Pero walang pag-aaral na nagsasabing naaalala ng bata ang mga naririnig niya habang nagtatalik si Mommy at Daddy.

Mga sex position na safe para sa buntis

Narito naman ang iba’t ibang sex positions sa pakikipagtalik habang buntis. | Larawan mula sa Unsplash

Pagdating sa pagtatalik habang pagbubuntis, manatili sa mga posisyon na nagpapanatili ng presyon at bigat sa tiyan. Ang mga ito ay malamang na magiging mas komportable para sa iyo at sa iyong buntis na kapareha.

Manatili sa mga posisyon na sinadya upang hindi nakahiga ang buntis na asawa sa kaniyang likod. Nakakatulong ito sa pag-iwas sa potensyal na compression ng daloy ng dugo, na maaaring humantong sa pagkahilo at iba pang mga isyu.

Sex position para sa buntis na maaaring subukan:

  1. Sex from behind o kilala rin bilang “doggy style” – Ito ay ginagawa nang ipinapasok ang ari ng lalaki sa likurang parte ng babae habang siya ay nakatuwad. 
  2. You on top o tinatawag ding cowgirl – Kabaliktaran naman ng normal na posisyon sa pakikipagsex itong cowgirl. Sa posisyon na ito nasa itaas ang babae at nasa ilalim naman ang lalaki.
  3. Spooning – Ginagawa naman ito kung pareho kayong nakatagilid at ipinapasok ang penis sa likod na bahagi rin ng lalaki. 
  4. Reverse cowgirl – Tulad ng tawag sa posisyong ito, nasa ibabaw rin ang babae habang nakatalikod ito mula sa mukha ng kanyang partner. 
  5. Standing – Ito naman ang posisyon ng pakikipagtalik nang nakatayo. 
  6. Seated pregnancy sex – Mula rin sa pangalan nito, ito naman ay pakikipagtalik nang nakaupo. 
  7. Oral sex – Ito naman ang pagse-sex na walang penetration sa ari, kundi sa kapwa bibig lamang ng dalawang nagsisex. 
  8. Anal sex – Pakikipagtalik naman ito na ang insertion o penetration ay sa butas ng puwit. 
  9. Side-by-side sex – Katulad din sa tawag dito, sex ito nang patagilid. 

Sex position para sa buntis na dapat iwasan

Kung mayroong posisyon na magandang subukan habang buntis, mayroon ding mga posisyon na hindi dapat i-try. Narito ang mga sumusunod sa kanila:

  1. Missionary – Ang missionary position ay hindi magandang ideya. Pinipigilan kasi nito ang daloy ng dugo sa ina at sanggol. Mas dapat itong iwasan sa panahon na tapos na ang ika-20 linggo mula nang magbuntis. 
  2. Nakadapa – Hindi rin komportable para sa buntis ang posisyon nakadapa o nakahiga ang tiyan. Maiiipit ang tiyan dahilan para mahirapan lamang ang babae kaysa mabigyan ng pleasure.

Ilang buwan puwede makipagsex sa buntis

Bawal ba makipagtalik ang buntis? Ayon sa experts, may benefits pa nga raw na dala ito. | Larawan kuha mula sa Unsplash

Pwede ba makipagtalik ang buntis sa first trimester? Sa karaniwang pagbubuntis, ligtas ang pakikipagtalik sa lahat ng 9 na buwan, kabilang ang unang trimester.

Walang dahilan para iwasan ito sa kahit anong buwan ng iyong pagbubuntis. Iiwasan lamang ito kung sinabihan ka nang doktor na huwag makipagtalik dahil sa iba’t ibang dahilan.

Ang mga kalamnan na nakapalibot sa iyong matris gayundin ang amniotic fluid sa loob nito ay nakakatulong na protektahan ang iyong sanggol habang nakikipagtalik, at ang mucus plug sa bukana ng iyong cervix ay pumipigil sa pagdaan ng mga mikrobyo.

At hindi, ang isang ari ng lalaki ay hindi maaaring hawakan o makapinsala sa iyong matris habang nakikipagtalik. Tandaan lamang na sa oras na pumutok na ang iyong panubigan ay hindi na ligtas pa ang pakikipagtalik habang buntis.

Mga sex toys na maaaring gamitin para sa buntis

Oo, ang masturbesyon at vibrator sa panahon ng pagbubuntis (pati na rin ang iba pang mga laruang pang-sex) ay maaaring gawin. Kaya maaari pa rin kayong mag-explore ng iyong partner gamit ang mga ito.

Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa pagbutas sa inunan o saktan ang sanggol. Ang mucus plug sa iyong cervix ay ligtas na tinatakpan ang matris — at ang iyong anak — mula sa labas ng mundo.

Basta’t mayroon ilang pangkalahatang pag-iingat, at hangga’t hindi pa pinapayuhan ng iyong doktor na itigil ang paggamit o paggawa nito, ligtas ito. Para sa mas ligtas na mga sex toys sa buntis, sundin ang mga sumusunod:

  • Panatilihin ang kalinisan ng sex toys. Dapat na malinis at sterilized ang mga laruan bago at pagkatapos gamitin ninyo ni partner. Lalo na kung pagtapos ito ng anal sex.
  • Itigil na ang pagpapatuloy na gamitin ang laruang pang-sex kung nakakaramdam na ng pananakit. Huwag na rin ito ituloy kung mayroon nang discomfort feeling sa iyong part.
  • Iwasan na ring gumami ng sex toy kung nakakaranas ng labis na pagdurugo sa iyong ari. Maaari kasing maging sanhi ito ng panganib na maaga kang manganganak o kaya naman may mababang placenta.
  • Huwag nang gamitin ito pagtapos masira ng iyong panubigan.

Paggamit ng vibrator habang buntis

Ang mga sex toys sa buntis tulad ng mga dildo at vibrator ay ligtas sa panahon ng pagbubuntis, ngunit siguraduhing malinis ang anumang ipapasok mo sa ari bago mo ito gamitin.

Sa madaling salita, oo — malamang na ligtas na gamitin ang iyong vibrator.

Para sa karamihan ng mga mababang-panganib na pagbubuntis, pakikipagtalik, masturbesyon, at oo, ligtas ang panloob o panlabas na paggamit ng iyong vibrator.

Sa katunayan, ang lahat ng ito ay maaaring maging mahusay na paraan ng pag-alis ng stress, alisin sa isip mo ang ilan sa mga discomforts ng pagbubuntis, at bigyan ka ng pagkakataong makilala ang iyong buntis na katawan.

Kapag gumagamit ng vibrator sa panahon ng pagbubuntis, tandaan ang ilang bagay:

  • Siguraduhing panatilihing malinis ang iyong vibrator o anumang iba pang mga laruang pang-sex para maiwasan ang impeksyon.
  • Makinig sa iyong katawan at itigil ang paggamit nito kung nakakaranas ka ng pagdurugo o kakulangan sa ginhawa. Ang mga hormonal at pisikal na pagbabago dahil sa pagbubuntis ay maaaring mangahulugan na kailangan mong magdagdag ng pampadulas o subukan ang iba’t ibang posisyon.
  • Ihinto ang paggamit nito nang lubusan kung ang iyong tubig ay nabasag o ang iyong OB-GYN ay nagmumungkahi ng pag-iwas sa sekswal na aktibidad.
  • Kung sakali namang mayroon ka nang risk ng miscarriage, bukod sa huwag nang gumamit ng sex toy, mabuti ring huwag nang makipagtalik pa.

Sex toys, pregnant? Paano mapapanatiling malinis at ligtas

Ang mga laruang silicone na hindi nag-vibrate ay maaaring linisin sa pamamagitan ng pagpapakulo ng lima hanggang 10 minuto o paglalagay sa tuktok na rack ng dishwasher; para sa mga nag-vibrate, hugasan sa maligamgam na tubig na may antibacterial na sabon nang humigit-kumulang 20 segundo (dapat sundin ang mga espesyal na tagubilin sa paglilinis para sa mga gawa sa iba pang mga materyales, kabilang ang matigas na plastik, goma, naylon at katad).

Bagama’t laging mabisa na maiwasan ang pagpasok ng masyadong malalim sa ari gamit ang isang sex toys while pregnant (at hindi mo dapat gamitin ang isa na may matalim na gilid na nagdudulot sa iyo ng pananakit).

Sex pagtapos ng pagbubuntis

Tinatawag na postpartum perio ang unang anim na linggo matapos ang delivery. Sa panahon namang ito magke-crave nang mas kaunti ang babae sa pakikipagtalik. Ito ay dahil sa mga sumusunod na bagay:

  • Gumagaling pa ang episiotomy o ang incision noong panahon na nagnormal delivery ka.
  • Nasa ilalim din pa ng healing process ang iyong abdomen mula sa incisions sa iyong cesarean birth.
  • Pagkaramdam ng labis na fatigue matapos ang delivery day.
  • Pagbabago ng hormone levels dahilan para hindi makaramdam ng kagustuhang makipag sex.
  • Mental health problem at emotional issues katulad na lamang ng anxiety, over parenting, relationship issues, at postpartum blues.
  • Pamamaga ng breast ng babae dulot ng pagpapabreastfeed.
  • Makakaranas ka ng postpartum bleeing lalo na sa unang apat hanggang anim na linggo ng panganganak.

 

If you want to read the English version of this article, click here.

Translated in Filipino by Anna Santos Villar

Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores at Ange Villanueva

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Anay Bhalerao