TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Bata nalapnos ang balat, nagdikit ang mata at bibig, dahil sa matinding reaksyon sa gamot

3 min read
Bata nalapnos ang balat, nagdikit ang mata at bibig, dahil sa matinding reaksyon sa gamot

Isang 8-taong bata sa England ang nagkaroon ng matinding reaksyon sa gamot na naging sanhi ng pagkakalapnos ng balat, at pagdidikit ng mata at bibig. | PHOTOS: Caters News Agency/Daily Mail Online

Isang bata sa England, si Alexa Juckiewicz-Caspell, ang nagkaroon ng matinding allergic na reaksyon sa gamot. Nang dahil dito nagsimulang lumabas ang mga sintomas ng Stevens-Johnson Syndrome.

Warning: Graphic content

Pain killer

sintomas ng stevens-johnson syndrome

PHOTO: Caters News Agency

Noong nakaraang taon, na-diagnose si Alexa ng Trigeminal Neuralgia, isang karamdaman kung saan nakakaramdam ng matinding sakit matapos mahaplos o magalaw ang mukha. Ang mga simpleng gawain katulad ng pagsisipilyo o simpleng paghawak ng mukha ang magtri-trigger ng sakit.

Binigyan si Alexa ng pain killer ng duktor para dito. Ngunit sa unang inom pa lamang ng gamot, nagkaroon na ang bata ng mga paltos sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Nagkaroon din siya ng rashes.

“Nagkaroon siya nang matinding pananakit sa likod ng tenga, sa mukha, pati sa leeg,” pahayag ng ina ni Alexa na si Kazmira. “Parang sina-slice daw ‘yong mukha niya, ganoon kasakit.”

Nang magkaroon si Alexa ng mga paltos sa bibig, dinala na siya ng kaniyang nanay sa ospital. Binigyan siya ng gamot na pang allergy. Ngunit imbis na gumaling, lalong lumala ang kaniyang lagay.

“Hindi alam ng mga duktor ang nangyayari,” ani Kazmira. “Kinailangan kong i-email ang mga litrato ni Alexa sa iba’t ibang mga ospital para makakuha ng tamang diagnosis. Inisip pa nga ng isang duktor na baka may Herpes ang anak ko!”

Sintomas Stevens-Johnson Syndrome

sintomas ng stevens-johnson syndrome

PHOTO: Caters News Agency

Nang lumaon, napag-alaman ng mga duktor na sintoman ng Stevens-Johnson Syndrome (SJS) ang kaso ni Alexa. Ang SJS ay isang hindi pangkaraniwang sakit na lumalabas lamang matapos uminom ng mga gamot na nakaka-trigger sa sakit na ito.

Ang mga rashes at paltos ang unang sintomas ng sakit. Masusundan ito ng mas matitinding kumplikasyon.

Sa kaso ni Alexa, nalapnos ang balat niya sa 65% ng kaniyang katawan. Nagdikit din ang mga talukap ng mata niya at ang mga labi niya. Nagkaroon din siya ng memory loss at nakalimutan ang mga simpleng bagay katulad ng paglakad at pagsalita.

Anim na linggo nanatili si Alexa sa ospital. Kinailangan siyang patulugin o ilagay sa medically induced coma dahil sa tindi ng mga kumplikasyon na pinagdaanan niya. Kinailangan tanggalin ang nalapnos niyang balat, i-shave ang buhok niya, at balutin siya ng foil habang nagpapagaling. Tumagal ng dalawang linggo bago niya naibukas ang mata niya ulit.

“Sinabi ng mga duktor na baka ikamatay niya ang sakit,” pahayag ng ina. “May paltos at lapnos na balat siya sa lahat ng bahagi ng katawan niya.”

Ngunit nag-survive si Alexa.

sintomas ng stevens-johnson syndrome

Matapos siyang magamot

Isang taon na ang nakakalipas mula nang magkaroon siya ng SJS. Kailangan ulit niyang matutong lumunok, kumain, huminga, maglakad, at magsalita.

Nais ng pamilya ni Alexa na magkaroon ng kaalaman ang mga tao sa sakit na SJS para madali itong ma-diagnose ng mga duktor at maagapan agad ang sakit.

 

SOURCE: Daily Mail Online

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Allergies at mga kundisyon
  • /
  • Bata nalapnos ang balat, nagdikit ang mata at bibig, dahil sa matinding reaksyon sa gamot
Share:
  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • Eczema, nakakahawa ba? Alamin ang tungkol sa kundisyong ito

    Eczema, nakakahawa ba? Alamin ang tungkol sa kundisyong ito

  • Paano mawala ang kuto at lisa? 7 na dapat gawin para maalis ang kuto at lisa sa buhok

    Paano mawala ang kuto at lisa? 7 na dapat gawin para maalis ang kuto at lisa sa buhok

powered by
  • How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

    How to Get Rid of a Diaper Rash in 24 Hours: Fast and Safe Remedies for Babies

  • Eczema, nakakahawa ba? Alamin ang tungkol sa kundisyong ito

    Eczema, nakakahawa ba? Alamin ang tungkol sa kundisyong ito

  • Paano mawala ang kuto at lisa? 7 na dapat gawin para maalis ang kuto at lisa sa buhok

    Paano mawala ang kuto at lisa? 7 na dapat gawin para maalis ang kuto at lisa sa buhok

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko