X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

35 Katao patay matapos ang malagim na insidente sa Resorts World Manila

3 min read
35 Katao patay matapos ang malagim na insidente sa Resorts World Manila35 Katao patay matapos ang malagim na insidente sa Resorts World Manila

Ayon sa mga ulat, karamihan daw ng mga bangkay ay natagpuan sa ikalawang palapag ng gusali, at karamihan daw dito ay mga kababaihan.

Base sa ulat ng pulisya, 35 katao ang natagpuang patay sa loob ng Resorts World Manila. Dagdag pa nila, wala daw tama ng baril ang mga biktima, kaya posibleng namatay sila naipit sa stampede, o di kaya'y nahirapan silang huminga dahil sa kapal ng usok.

Pagnanakaw ang motibo ng suspek

Ayon kay Southern Police District Director C/Supt. Tomas Apolinario, malaki ang posibilidad na pagnanakaw ang motibo ng suspek at hindi terorismo dahil nagnakaw daw ito ng mga 'casino chips' na nagkakahalagang 113 million.

Ang suspek daw ay pumasok galing sa parking lot sa ikalawang palapag ng gusali, at dumiretso papunta sa casino, habang may dala dala itong baril. Nagbuhos daw ang suspek ng gasolina sa mga lamesa sa loob ng casino, at sinilaban ang mga ito. Matapos nito ay pinagbabaril umano ng suspek ang isang LED TV at ang pintuan papunta sa pinagkakalagyan ng mga 'casino chips.' Wala daw binaril na sibilyan ang suspek ayon sa mga ulat.

Nagpakamatay ang suspek matapos ang pangyayari

Limang oras matapos ang pamamaril, nagpakamatay daw ang suspek matapos makipaghabulan sa mga pulis. Pumunta daw ang suspek sa loob ng isang kwarto sa hotel, nagbalot ng kumot, at binuhusan ng gas ang kaniyang sarili, at sinindihan.

Nang matagpuan daw ng PNP ang katawan ng suspek, ay hindi na nila ito makilala dahil sa tindi ng pagkasunog sa kaniyang katawan. Sa tabi daw ng suspek makikita ang isang machine gun at .38 na kalibre ng baril.

Si PNP Chief Dela Rosa naman ay nagpaalala sa mga tao na agarang tumawag sa pulis kapag may nangyaring ganitong insidente. Aniya, "Karamihan ng mga insidenteng nangyari na ganoon, hindi kaagad pinapaalam sa labas, they are trying to contain it within themselves, yung problema, hindi kaagad nirereport sa pulis. Once nakakita kayo ng gunman, o basta, kahit sinong aggressor, attacker, gunman, pag pumasok diyan, the first thing to do, call the police right away."

Suffocation ang ikinamatay ng mga biktima

Batay naman sa mga ulat, suffocation daw ang ikinamatay ng 37 na biktima sa insidente. Ito ay dahil nagkaron ng stampede sa loob ng casino, at posibleng mayroong mga nadaganang mga tao dahil sa gulo. Karamihan daw ng patay ay mga kababaihan.

Bukod sa 35 na namatay, madami ring tao ang nasaktan dahil sa pangyayari. Mayroong pang dagdag na mga ulat na binasag ng ibang tao ang salamin sa ikatlong palapag ng gusali, at tumalon dito upang makatakas sa apoy.

Sources: cnnphilippines.com

READ: Tandaan itong mga safety tips na ito kapag mayroong sakuna!

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • 35 Katao patay matapos ang malagim na insidente sa Resorts World Manila
Share:
  • Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

    Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

app info
get app banner
  • Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

    Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

    Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.