Maraming pagbabago ang nangyayari sa katawan sa simula pa lamang ng pagbubuntis. Pamilyar na tayo sa ilan sa mga ito, kagaya na lamang ng pag tigil ng menstruation, pagkakaroon ng mood swings, at pagkakaroon ng magandang balat o ‘pregnancy glow’ na nagmumula sa dagdag ng estrogen at progesterone na nagsisilbing suporta sa paglaki ng iyong anak habang siya ay nasa tiyan mo pa lamang.
Ito ang mga madudulot ng pagkakaroon ng lumalaking tao sa loob ng ating mga katawan. Bawat ina ay nakakaranas ng ibang klase ng pagbabago sa kanyang katawan. Halimbawa na lamang, maaaring mabawasan ang pagtubo ng buhok para sa iba, maaari rin namang kumapal ang buhok ng iba.
Ang mga pagbabago ay hingi tumitigil sa pagbubuntis. Patuloy mong mapapansin ang ilang pagbabago hanggang sa ikaw ay manganak. Kung alin man rito ang mangyari sa iyo habang ikaw ay nanganganak, huwag kang mabahala. Alamin natin ang 5 maaaring mangyari sa iyong panganganak na dapat mong paghandaan!
5 bagay na nangyayari kapag nanganganak
Maaari kang madumi
Isa sa mga karaniwang kinakatakutan ng mga nagbubuntis ang madumi habang sila ay umiire sa panganganak. Ganunpaman, ito ay karaniwan talagang nangyayari. Kaya naman hindi mo dapat ikahiya o ikatakot ang ganitong pangyayari dahil mas malamang sa hindi, naranasan na ito ng doktor o ng komadronang pagpapanganak sa iyo.
Gaano man ka kadiri, ang mga muscles na ginagamit sa pagtulak ng bata palabas at pagiri ng dumi ay pareho lamang. Dahil dito, may mga nangyayaring hindi sadyang pagdumi kasabay ng panganganak.
Maaari kang mautot
Kung may posibilidad na madumi habang umiire, hindi malayong aksidente ring mautot sa panganganak. Huwag ka ring mahihiya kung sakaling ikaw ay biglaang nautot habang ikaw ay umiire, mommy! Normal lang ito at sa katunayan nga, hindi lang ikaw ang nautot habang nanganganak.
Dagdag pa kung piliing tumanggap ng epidural, ang pagkamanhid ay maaaring magpawala ng kontrol sa pagpigil ng utot at ihi.
Sobrang pagdurugo
Matapos manganak, maaari parin magkaroon ng pagdurugo. Huwag agad matakot dahil normal lamang ito, vaginal delivery man o caesarean section. Ang discharge na ito ay tinatawag na ‘lochia’. Ito ang reaksyon ng katawan matapos tanggalin ang placenta, tinatanggal ang sobrang dugo at tissue sa uterus na tumulong sa pagpapalaki ng iyong anak habang siya ay nasa loob ng iyong tiyan. Malakas ito sa mga unang araw matapos manganak kaya makakabuting magstock ng maraming absorbent pads. Ganunpaman, kung magpatuloy ang malakas na pagdurugo nang mahigit tatlong araw na may kasamang pagkahilo, mangyaring magpasuri sa inyong duktor.
Pagsusuka at pagkahilo
Isa sa mga hindi gaanong nalalaman ng mga malapit nang manganak ay ang pagsusuka at pagkahilo sa labor at habang nanganganak. Ganunpaman, normal lamang ito. Ang epidural ay maaaring magdulot ng hypotension, ang biglaang pagbaba ng blood pressure. Isa sa mga nadudulot nito ang pagsusuka at pagkahilo. Maaari rin itong idulot kahit pa piliing mag-caesarean section dahil sa mga gamot na maghahalo-halo sa iyong tiyan. Maaari rin itong mangyari kahit hindi tumanggap ng ano mang gamot dahil sakit na nararamdaman.
Kailangang i-iri palabas ang iyong placenta
Para sa maraming kababaihan, madaling nailalabas ang placenta matapos ipanganak ang kanilang pinagbuntis. Subalit, may ilan na hindi ito kusang nangyayari na nagiging rason para magkaroon ng retained placenta. Ang retained placenta ay nangyayari kapag ang placenta ay naiwan sa sinapupunan at hindi kusang nailabas. Kapag ito ay naiwan sa loob ng katawan, maaari itong magdulot ng impeksiyon at maging kamatayan. Ang paglabas ng placenta ay kinikilalang huling bahagi ng panganganak at kadalasang inaabot ng 30 minuto matapos manganak. Kadalasan ay bahagi ito ng birth plan ng mga kababaihan.
Maraming aasahan na mangyayari sa mula pagbubuntis at panganganak. Ganunpaman, hindi kailangang matakot mula sa mga ito. Makakabuting maghanda pero hindi ito kailangang katakutan.
Source: American Pregnancy, Times of India
Basahin: 6 na bagay na hindi napaghandaan ng isang ina matapos manganak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!