X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LOOK: Alex Gonzaga ipinasilip ang renovated condo nila ni Mikee Morada

4 min read
LOOK: Alex Gonzaga ipinasilip ang renovated condo nila ni Mikee Morada

Alex nagkaroon ng aberya bago sila lumipat sa kanilang condo.

Ipinasilip ng actress/host na si Alex Gonzaga ang condo nila ng kaniyang mister na si Mikee Morada.

Motif ng condo design ni Alex Gonzaga

Sa kaniyang YouTube channel, ipinakita ni Alex Gonzaga ang itsura ng kanilang condo. Ani ni Alex, 3 bedroom unit ang kanilang condo. Pagkukwento pa niya sa kaniyang vlog, dapat lilipat na sila rito ngunit isang araw, nakatanggap sila ng tawag na bumaha sa kanilang unit. 

Nasira ang mga floorings, baseboard, pintuan at iba pa, dahil dito kung kaya muli nilang ipina-renovate ang condo. Dagdag pa niya, naghintay sila ng tatlong buwan para muli itong maayos at hindi lang agad nakalipat dahil abala ang kaniyang asawa. 

Unang ipinakita ni Alex ang kaniyang sala, puti ang kaniyang sofa at ibinahagi niya rin ang dahilan kung bakit ito ang kaniyang napili.

“White ang aking napagdesisyunan because white ang walls ko at saka parang gusto ko white kasi parang ang ganda sa mata.”

alex gonzaga condo Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Ibinahagi rin ni Alex na dahil sa kulay puti nga ang kaniyang sofa, madali itong marumihan. Dagdag pa niya, hindi siya makapag-relax kapag may mga batang pumupunta kasi sa mga markings.

Ipinakita rin ni Alex ang mga marka sa kaniyang sofa.

“‘Yan ang pinoproblema ko, masarap naman siya, kumportable naman siya, ganyan pero puti nga siya. So naii-stress ako.”

Ipinasilip niya rin ang isang cabinet kung saan makikita ang kanilang mga sapatos, aniya ito ang pinaka-useful sa lahat. Makikita rin sa ibabaw ng cabinet na ito ang ilang mga gamit gaya ng alcohol, vitamins at maging ang kanilang family picture. 

alex gonzaga vlog Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Sumunod na ipinakita ni Alex ang kaniyang dining table na kulay kayumanggi at ang upuan nitong kulay puti. Ani pa ni Alex, “Puti na naman, hindi ako nag-isip talaga na may mga pwedeng magdumi”.

Ipinakita rin ni Alex ang kaniyang kusina, aniya “Ang pinakagusto ko dito sa bahay ko talaga is syempre yung kusina ko” 

Pagkukwento ni Alex, gustong-gusto niya ang kusina dahil sa mga nakikita nilang unit, madalas bukas ang kusina. Aniya, gusto niya ang naka-enclose, dagdag pa niya maganda rin na may pintuan para kapag may mga ginagawa sa kusina o ika niya’y mga kabusyhan at may mga bisita ay nasasara ito.

Ipinasilip niya rin ang kaniyang mga pantry at maging ang laman ng kaniyang ref. Maging ang kanilang service area, kung saan ginagawa ang laundry, pagpaplantsa at iba pa.

Nang ipakita ang hallway, “Sabi ko no'ng nakita ko ‘to, guys sold. Ta's nalaman ko ‘yung presyo, guys give me five days to think about it.” 

Isa pa sa mga ipinakita ni Alex sa kaniyang vlog ang powder room na maaaring gamitin ng kanilang bisita, dagdag pa niya apat ang banyo sa kanilang condo. Matapos ipakita ang powder room, sunod na ipinakita ni Alex ang kwarto ng kanilang mga parents.

“Ito naman ang kwarto ng mga Mommy, ‘di na masyadong maayos 'tong kwarto ng mommy, kasi bakit ‘di naman sila masyadong pumupunta rito”.

Master's bedroom nina Alex at Mikee

Makikita rin sa kaniyang vlog ang kaniyang closet kung saan aniya, lagi niya itong inila-lock para ‘di mapasok ngunit iniiwan din niya ang susi sa labas. Isa rin sa mga pinakita ni Alex ang bigay sa kaniya ng mommy ng asawang si Mikee. Matapos nito, dumeretso si Alex sa kanilang master’s bedroom. 

alex gonzaga condo Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

“Actually, itong buong master’s bedroom namin lahat to ay binigay sa amin 'yong mga furniture.”

Ipinakita pa ni Alex ang laging inuupuan ni Mikee, aniya ito ang spot ng kaniyang asawa. Sunod din dito ang kanilang closet, ipinasilip din niya ang kanilang damit ng asawa.

Wika pa ni Alex, “Tingnan niyo kung gaano 'ko kabait na asawa, ako lahat ang nag-ano niyan. Color coordinated ko ‘yan. Ako lahat ang nag-ayos niyan. Ang asawa ko isa lang kulay ng ano niya, gray, blue, black."

Makikita rin ang cabinet kung saan nakalagay ang kaniyang mga bags. Matapos nito, pinakita niya ang kanilang master’s bathroom, aniya gandang-ganda siya sa area na ito. “Ito ang pinakagandang-ganda rin ako na area, ang aking master’s bathroom”

Saad pa ni Alex, “Ang gusto ko talaga is either white, wood, black. ‘Yun lang ang gusto kong nakikita, with the accent of black”.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

Ipinakita rin ni Alex ang iba pang bahagi ng banyo at ang mga ginagamit nila ng asawa. Muli niya ring pinasilip ang kaniyang mga bag at bago matapos ang vlog, ipinakita rin ni Alex ang view sa kanilang balcony.

“Dito naman kung gusto mo maalikabok ang face mo, dito ka tatambay.”

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Alex Gonzaga ipinasilip ang renovated condo nila ni Mikee Morada
Share:
  • Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

    Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

  • Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

    Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

  • Sam Pinto sa buhay may-asawa: “I love it”

    Sam Pinto sa buhay may-asawa: “I love it”

  • Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

    Nina matagumpay na naisapribado ng buhay may asawa at pagkakaroon niya ng anak: “Hindi masyadong magulo”

  • Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

    Jessy Mendiola on motherhood: "It is a very challenging journey"

  • Sam Pinto sa buhay may-asawa: “I love it”

    Sam Pinto sa buhay may-asawa: “I love it”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.