X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

4 min read
Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”

May naiisip na daw na pangalan si Angeline sa kaniyang baby. Pero i-announce niya daw ito sa oras na malaman na ang gender nito.

Angeline Quinto super happy at excited sa kaniyang pagdadalang-tao.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Feelings ni Angeline Quinto sa kaniyang pagbubuntis.
  • Pregnancy journey ni Angeline Quinto.

Angeline Quinto on her pregnancy: “Panibagong panimula sa buhay ko.”

angeline quinto

Image from Angeline Quinto’s Official Facebook account

Nitong Biyerners, December 10, sa pamamagitan ng isang exclusive interview sa kaniya ng batikang talk-show host na si Boy Abunda ay inamin ni Angeline Quinto na siya nga’y nagdadalang-tao. Ito ay matapos ang mga kaliwa’t kanang espekulasyon ng kaniyang mga fans at taga-subaybay na siya ay buntis.

Matapos maipalabas ang kaniyang interview ay nag-live si Angeline sa kaniyang YouTube channel para magbigay naman ng kaniyang personal na saloobin.

Ito ay habang siya ay nasa Dubai para sa isang concert. Doon ay nagpaabot siya ng kaniyang pasasalamat sa mga taong nagpapadala umano sa kaniya ng mga congratulatory message sa kaniyang pagbubuntis.

Humingi rin siya ng pasensiya sa ibang hindi niya nabalikan at nasabihan ng kaniyang pagdadalang-tao. At kung bakit ngayon niya lang ito ipinaalam sa publiko.

“Ngayon nasa pang-limang buwan na po akong nagbubuntis. Hindi ko man nasabi sa inyo ng mga nakaraang buwan kasi mas gusto po sanang maging pribado muna tong journey ko sa pagbubuntis ko po.

Gusto mong ma-enjoy ‘yong bawat oras. Kasi sa totoo lang medyo nahirapan po ako noong una kasi marami akong trabahong kailangang gawin. Kaya medyo naging maselan rin ang pagbubuntis ko. Pero awa ng Diyos naging maayos lahat.”

Ito ang masayang paliwanag at pagbibigay update ni Angeline tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Sabi pa ni Angeline, super excited at happy siya sa kaniyang pagbubuntis. Kaya nga sa ngayon ay doble ingat rin siya sa kaniyang sarili at dinadalang sanggol.

“Talagang mas kailangan ko kasing dobleng ingatan ang sarili ko siyempre para din sa baby. Ewan ko ba kinikilig ako kapag binabanggit ko ‘yong baby.”

Ito ang nakangiting sabi ni Angeline.

Kaya naman hiling ni Angeline ay sana maging masaya rin ang lahat lalo na ang kaniyang mga fans sa kaniyang pagbubuntis. Dahil isa daw ito sa mga nagbigay ng bagong purpose niya sa buhay mula ng mawala ang kaniyang ina na si Mama Bob.

“Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin. Alam ko na kahit saan ako makarating alam ko magiging masaya-masaya ang mama ko.”

Angeline nakakita ng bagong purpose sa buhay dahil sa pagbubuntis

angeline quinto

Image from Angeline Quinto’s Official Facebook account

 

Dahil kuwento pa ni Angeline, noong nawala ang kaniyang ina noong nakaraang taon ay may malaking naging pagbabago sa buhay niya.

Nawalan siya ng purpose sa buhay. Dumating pa nga raw sa stage na hindi niya alam kung paano ulit siya kakanta at para saan pa ang pagtratrabaho niya.

“Walang kahit sino ang nakakaalam po ng pinagdaanan ko last year. ‘Yong hirap, ‘yong sakit noon mawala ang Mama, alam niyo na buhay ko ‘yon.

Noong nawala ang Mama ko para akong walang silbi. Hindi ko na alam kung para saan ba lahat ng ginagawa ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy.”

Kaya naman sa kaniyang pagbubuntis ay nagkaroon ng bagong purpose sa buhay ni Angeline. At super happy at excited siya sa bagong chapter na ito ng kaniyang buhay.

“Sobra akong excited, sobra akong masaya. Ngayon lang po ulit ako naging masaya ng ganito ang puso at ‘yong sarili ko.”

“Iba ‘yong pakiramdam. Iba yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ma-explain. I am sure ‘yong mga mommy diyan naiintindihan ninyo ‘yong ganitong feeling. Panibagong panimula sa buhay ko at lahat ng ito sobrang nilolook-forward ko.”

Ito ang masayang sabi pa ni Angeline.

BASAHIN:

LOOK: Angeline Quinto, 5 months pregnant na!

Angeline Quinto, binuksan ang bahay para sa mga street children

Elisse Joson: Imbis na “Mama,” ito ang naging first word ni Baby Felize

May naiisip na raw na pangalan si Angeline para sa kaniyang baby

angeline quinto

Image from Angeline Quinto’s Official Facebook account

Dagdag niya pa sa sobrang excited niya ay may naiisip na siyang ipapangalan sa kaniyang baby.

“Excited ako na makita na ‘yong baby. Alam ninyo sa totoo lang meron na akong naisip na pangalan. Pero saka ko na sasabihin sa inyo kapag nalaman na natin ‘yong gender niya,” sabi pa ni Angeline.

Sa ngayon, hiling ni Angeline ay sana maging healthy ang kaniyang pagbubuntis. At sana ay makayanan niyang lahat ang bagong journey na ngayon ay sinisimulan niyang tinatahak.

Congratulations Mommy Angge!

 

Source:

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angeline Quinto: “Ngayon na magiging nanay na rin ako sana maging masaya kayo para sa akin.”
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.