X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"

5 min read

Vlogger na si Anne Clutz malungkot na ibinahagi ang kinalabasan ng congenital anomaly scan ng kaniyang baby. Anne, pinipilit na manatiling positive ang pag-iisip sa kabila ng mga nangyayari.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Resulta ng congenital anomaly scan ng baby ni Anne Clutz.
  • Mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng cleft lip ang isang sanggol.

Resulta ng congenital anomaly scan ng baby ni Anne Clutz

anne clutz baby congenital anomaly scan

Larawan mula sa Facebook account ni Anne Clutz

Nitong nakaraang linggo ay ibinahagi ng vlogger na si Anne Clutz ang perinatal depression na naranasan niya. Kuwento ng vlogger, ito ay maaring dahil sa labis niyang pag-alala sa kondisyon ng baby na kaniyang ipinagbubuntis.

Lalo pa’t sa nalalapit na congenital anomaly scan ay malalaman na kung may problema ba sa development ng kaniyang baby. Dahil ang pangalawang anak ni Anne na si Joo ay may cleft lip at natukoy na may level 3 Autistic Spectrum Disorder.

“Siguro traumatic ‘yong last yung kay Joo kasi never pumasok sa isip ko na magkakaroon ng something wrong. Kasi ang ganda ng feeling ko noon nang pinagbubuntis si Joo. Wala talaga akong problema, physically ok lahat.”

Ito ang sabi ni Anne Clutz sa nakaraang niyang vlog.

Ngayon, sa pinakabagong vlog ni Anne ay ibinahagi niya na totoo nga ang kinatatakutan niya. Ang baby na kaniyang dinadala ay natukoy na may problema sa kaniyang development.

“Nakita nga na may cleft lip ulit si baby and this time may bilateral siya. Alam ninyo sakin sa totoo lang, ok lang sakin ‘yong cleft lip kasi parang expected ko na rin naman.”

“Noong tinanong ako na paulit-ulit kung sure daw ba na negative ‘yong findings sa NIPT (non-invasive prenatal testing) doon ako kinabahan.”

Ito ang pagkukuwento ni Anne tungkol sa kaniyang pinagdaanang congenital anomaly scan.

Anne Clutz baby natukoy na may cleft lip at posibleng may down syndrome rin

Maliban nga daw sa cleft lip, may isa pang kondisyon na maaring taglay ang anak ni Anne. Ito ay ang posibilidad na may down syndrome ito.

“Puwedeng isolated finding dahil related daw sa bilateral cleft lip o trisomy marker siya. Possible na may down syndrome si baby. So yun ‘yong sabi, Trisomy 21.”

Ito ang sabi pa ni Anne.

Ang trisomy marker ay isa sa pinaka-karaniwang chromosal anomaly sa mga baby. Kilala ito sa tawag na Down syndrome, isang genetic condition na dulot ng extra chromosome sa cells ng ating katawan.

Sa kaso nila Anne ay wala sa parehong pamilya nila ng mister na si Kitz ang may down syndrome. Kaya hindi pa nila matukoy kung may Down syndrome nga ang baby niyang ipinagbubuntis hanggang sa maipanganak ito.

BASAHIN:

Congenital anomaly scan: Bakit ito mahalagang gawin ng buntis?

Mom ng baby na may cleft lip and palate: “Hindi ko halos matanggap. Sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari sa kanya.”

Anne Clutz nakaranas ng depression habang buntis: “Nag-shut down ako. Talagang hindi ako lumalabas ng kwarto.”

Anne’s message to her baby

anne clutz baby

Larawan mula sa Facebook account ni Anne Clutz

Maliban dito, si Anne ay natukoy rin na may problema sa kaniyang placenta at may mataas na blood pressure. Ang mga ito hindi na masyadong iniinda ng vlogger dahil sa overwhelming emotions na nalaman niya. Bagamat paulit-ulit na sinabi ng kaniyang doktor na ang resulta sa naging scan ng anak ay hindi niya kasalanan.

“Alam ninyo yun may feeling na ako, iba ‘yong mother’s instinct. Feeling ko I’m such a failure, as a mother. Pero paulit-ulit na sabi sakin ng doktor yun lang naman ang findings. Ok ang paglaki niya, walang problema. Lahat ng organs ok.”

“Sabi niya, ‘yong nakita ko diyan, hindi yan dahil sa hindi mo ginawa o ginawa mo. Kaya huwag ka masyadong maano (magalit) sa sarili mo. Kaso hindi ko maiwasan na hindi maramdaman yun.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Anne sa kaniyang vlog.

Pero magka-ganoon man, ginagawa ni Anne ang lahat para manatiling positive ang mindset niya para sa kaniyang baby. Ano pa man, sabi ng mommy vlogger tanggap niya at mamahalin ang anak na ibinigay ng Diyos.

“Wala naman na kaming magagawa pa. Saka baby namin ‘to, kahit anong maging resulta, kahit ano pa.”

“I love you baby kahit ano ka man. Pasensya ka na umiiyak si Mama kanina kasi talagang nag-worry lang ako.”

Hiling niya rin sa kaniyang followers ay sana isama sila ng kaniyang anak sa kanilang mga dasal.

“Ipagdasal ninyo kami lalo na si baby na sana magtuloy-tuloy na strong siya at healthy ,’yon na lang ang importante.”

Ito ang sabi pa ni Anne Clutz.

Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby

Mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng cleft lip ang isang sanggol

Ayon sa health website na Mayo Clinic, ang cleft lip sa sanggol ay nangyayari sa oras na hindi nag-form ng maayos ang mukha at kaniyang bibig.

Madalas, ang tinatawag na fusion ng labi at palate ng sanggol ay nangyayari sa pangalawa o pangatlong buwan ng pagbubuntis. Pero sa mga sanggol na may cleft lip ay hindi nito nangyayari kaya sila ay nagkakaroon ng opening sa kanilang mukha partikular sa kanilang labi.

Paliwanag ng mga eksperto, ang cleft lip ay dulot ng genetics ng sanggol at mga sari-saring environmental factors. Ito ay maaring namana ng sanggol at na-trigger ng environmental factor habang siya ay ipinagbubuntis.

Ang mga posibleng risk factors na maaring magdulot ng cleft lip sa sanggol ay ang mga sumusunod:

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!
  • History sa pamilya na mayroong cleft lip.
  • Paninigarilyo, pag-inom ng alak o pag-inom ng ilang gamot na maaring makasama sa pagbubuntis.
  • Pagkakaroon ng diabetes.
  • Pagiging obese habang buntis.

Kaya naman payo ng mga doktor sa mga kababaihan, siguradong healthy ang katawan bago magbuntis para masigurong healthy rin si baby.

Mayo Clinic, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Clutz sa resulta ng Congenital Anomaly Scan: "Ipagdasal ninyo kami, lalo na si baby"
Share:
  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.