Ang gout ay kilalang sakit ng mga matatanda, lalo na kung noong kabataan nila ay madalas ang pagkain ng oily at fatty foods. Kadalasan, ang mga bahagi ng katawan na tinatamaan ng gout ay ang mga joints sa kamay, braso, tuhod at paa.
Sa kasalukuyan, kahit ang mga nasa edad 20’s ay kataka-takang inaalam kung ano ang gout at sanhi nito. Dulot naman din ito ng mga available na pagkain sa labas, lalo na ang mga nagtatrabaho.
Dagdag pa, ang gout ay nakagisnan nang sakit na kasabay ng diabetes at arthritis.
Pero ano nga ba ang sakit na ito at mga sanhi nito? Dulot lang ba ito ng pagkain? Tignan natin kung paano naging genetic o namamana ang gout.
Ano ang gout?
Ayon sa mga eksperto, ang gout ay karaniwan na porma ng inflammatory arthritis at madalas na masakit sa pakiramdam. Lumilitaw ang gout at laging naapektuhan ang isang joint, bago maapektuhan din ang iba pang joints sa katawan.
Maigi pa rin ang pagpapakonsulta sa mga doktor para malunasan ito.
Sanhi ng gout
Nagkakaroon ng gout ang isang tao sanhi ng kondisyon na tinatawag na hyperuricemia. Ang paglitaw ng kondisyon na ito ay bunga ng mga sumusunod:
- pagiging lalaki
- obese
- may mga iba pang health conditions tulad ng diabetes at kidney failure
- madalas na pag-inom ng diuretics
- pag-inom ng alkohol
- pagkain ng mga pagkaing mataas sa fructose (uri ng sugar)
- madalas na pagkain ng red meat at organ meat
Namamana ba ang gout?
Sa recent na pag-aaral na narebyu ng Science Daily at published ng Annals of the Rheumatic Diseases, nakita sa examined na 4.2 milyong pamilya ang pagkakaroon ng records ng sakit na gout.
Dagdag pa, nakapagtala rin ng mas mataas na risk ng gout sa isang tao kung ang first o second degree na kamag-anak niya ay nagkaroon ng gout.
Ang gout ay hindi rin lang nakikita bilang sakit ng mga joints sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Maaari ring maiugnay ang sakit na gout sa major cardiovascular disease o heart attack at stroke. Hindi rin maihihiwalay ang gout sa renal diseases tulad naman ng kidney failure.
Tandaan
Kung nakakaranas ng mga sintomas na maaaring iugnay sa gout, magpakonsulta agad sa espesyalista. Ugaliin rin ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!