Siguruhing tandaan ang limang bagay na ito na s’yang kailangan ni mister mula sa inyo, mga misis.
Kailangan ng inyong asawa ng ‘partner in crime’
Katulad ninyo, may mga interes o hilig din ang inyong mister. Sports man, o kaya ay pag-aayos ng sasakyan, pag-akyat ng bundok o kaya naman pagkuha ng mga larawan, mahalang siguraduhing maging parte kayo ng apetong ito ng kanilang buhay.
Hindi kailangang parati kayong kasama habang ginagawa ang kanilang mga hobbies, ngunit dapat ipakita na sinusuportahan n’yo sila, at ipakita na mahalaga sa inyo ang mga bagay na labis nilang gusto.
Kailangan nila ng intimacy
Siyempre, ang intimacy ay mahalaga sa isang relasyon. Mahalagang matugunan ang pangangailangan ninyong mag-asawa sa aspetong seksual para mapanatiling maayos ang inyong pag-sasama.
Ang mahalaga rito ay magkaroon kayo ng koneksyon ng inyong asawa, maliban sa sa pisikal na espeto ng pakikipagtalik.
Kailangan nilang maramdaman na sila ay hinahangaan
Kung ang inyong asawa ay nagta-trabaho sa opisina, o kaya naman ay isang stay-at-home dad, kailangan parin nilang maramdaman na sila ay hinahangaan at pinahahalagahan. Sa pagsasabing mahal ninyo sila at pinahahalagahan n’yo ang kanilang mga ginagawa para sa inyong pamilya, mararamdaman nila na sila ay kinakailangan at mahalaga.
Kailangan nila ang inyong tulong sa bahay
Kapag kayo ay kasal na, nangangahulugan ito na kayo ay magkahati na sa mga responsibilidad sa inyong tahanan. Hindi lang dapat isa sa inyo, ngunit pareho kayo, ang gumawa ng gawaing-bahay, kaya naman mahalagang tulungan n’yo ang isa’t isa na gawin ito.
Ang paghahati ng responsibilidad ay mahalaga sa buhay mag-asawa kaya naman dapat itong gawin maliit man o malaki na bagay.
Kailangan nila na alagaan n’yo ang inyong sarili
Alam ng inyong mister na kayo ang pinakamagandang babae sa mundo, ngunit hindi ibig sabihin nito na maaari n’yo ng balewalain ang inyong sarili. Maglaan ng oras na maging malusog at maging kaaya-aya hindi lamang para sa inyong asawa ngunit para rin sa inyong sarili. Kung sa tingin ninyo ay nananaba kayong mag-asawa, maaaring mag-ehersisyo ng sabay para ma-motivate ang isa’t isa.
Gawin itong masaya at palaging ipaala sa kanya at iparamdaman na sila ay masuwerte na pinakasalan n’yo sila… dahil masuwerte talaga sila!
Ang article na ito ay unang isinulat sa ingles ni Alwyn Batara
READ: Husbands share the simple things they find attractive about their wives!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!