Normal mataranta pag may nakikitang dugo. Kaya naman, hindi na bago ang mga tawag sa doktor mula sa nanay kapag nakikita nilang dumudugo ang ilong ng mga bata o ‘nosebleed’. Ngunit ano ba ang dahilan bakit dumudugo ang ilong?
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang pagdurugo ng ilong sa mga bata?
- Bakit dumudugo ang ilong ng isang tao?
- Ano ang dapat gawin pag dumugo ang ilong?
Talaan ng Nilalaman
Ano ang ibig sabihin ng dumudugo ang ilong?
Bakit dumudugo ang ilong ng bata?| Larawan mula sa Freepik
Ang nosebleed ay ang pagdurugo ng mga tisyu mula sa loob ng ilong (nasal mucus membranes) ito ay nag sanhi ng sirang daluyan ng dugo.
Ang salitang medikal para sa nosebleed ay epitaxis. Karamihan ng pagdurugo ng ilong ng mga bata ay nangyayari sa harapan ng kanilang ilong hanggang sa dulo. Dahil ito ang may pinakamaraming maliiit na daluyan ng dugo, at ito ay madaling masira.
Ang pagdurugo ng ilong ay nakakatakot, ngunit hindi naman ito seryosong problema. Ang pagdurugo ng ilong ay kadalasan nangyayari sa mga batang 3 hanggang 10 taong gulang na nakatira sa mga bansang may tag-tuyo at tag-lamig na klima.
Dahil kapag natuyot ang klima maaaring magresulta ito ng panunuyot, pag-crack at pag- crust sa loob ng ilong. Karamihan sa mga bata ay hindi na nagkakaroon ng nosebleed kapag sila ay lumaki na.
Mga dahilan kung bakit dumudugo ang ilong
Bakit dumudugo ang ilong ng isang tao | Larawan mula sa iStock
1. Klima o panahon
Karamihan ang pagdurugo ng ilong ay dahil sa (1) tuyong klima. Ang mainit na kapaligiran ay nakakairita sa nasal membranes. Nagdudulot ito ng pangangati, at nagdurugo kapag kinakamot o tinutusok. Ang karaniwang sipon, ay nakakairita rin sa ilong, na nagdurugo rin kapag paulit-ulit kang sumisinga.
2. Allergy
Ang allergy din ay pwedeng pagmulan ng problema. Dahil sa mga gamot na antihistamines or decongestants na kumokontrol ng pangangati, pagtulo, o pagbara ng ilong. Ang mga gamot na ito ay maaaring magpatuyo ng mga nasal membranes na humahantong sa pagdurugo ng ilong.
3. Masyadong mapwersa ang pagsinga
Ang isang pinsala o pagsinga sa ilong ay sanhi rin ng pagdurugo ng ilong. Pero hindi naman ito seryoso. Kapag ang bata ay may pinsala sa mukha na sanhi ng pagdurugo ng ilong at hindi pa ito tumitigil sa loob ng 10 minuto, kailangan mo ng kumontak sa isang doktor.
Kahit na hindi seryoso ang pagkakaroon ng pagdurugo ng ilong, pwede ito maging problema kapag ito ay madalas na nangyayari. Pag dumudugo ang ilong ng iyong anak isang beses kada linggo, tawagan ang iyong doktor.
Minsan ang maliliit na daluyan ng dugo ay nairita din at hindi gumagaling. Ito ay nangyayari sa mga batang may allergy o kadalasang may sipon.
Ayon kay Dr. Angelica Tomas, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center,
“Ang nosebleed ay dahil sa mga dry weather, allergies, o pagsinga. Pero kadalasan wala itong dahilan, bigla na lang sila nag no-nosebleed.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “Nakatulog akong yakap si baby. Pag-gising ko, may nosebleed siya at hindi na humihinga.”
Nosebleeds during pregnancy: What causes them and what you can do
Gamot sa nosebleed at bakit ito nangyayari sa bata
First aid sa dumudugo ang ilong
Ito ang mga dapat gawin pag dumugo ang ilong ng iyong anak:
- Manatiling kalmado at pakalmahin ang bata.
- Paupuin ang iyong anak sa iyong kandungan o upuan.
- Huwag patingalain ang bata. Ito ay pwedeng magresulta ng paglunok ng dugo ng bata, at maaari silang umubo, magsuka o mag-gag.
- Pisilin ang ilong ng anak (sa ilalim na butong parte ng ilong) ng malinis na tisyu o tela.
- Panatilin ang pagpisil ng ilong sa loob ng 10 minuto; kapag tumigil ka, maaari ito magsimula ulit.
- Hayaan ang bata mag-relax pagkatapos ng pagdurugo ng ilong. Huwag sila hayaan suminga, tusukin, o i-rub ang kanilang mga ilong.
Dagdag pa ni Dr. Angeline Tomas,“Kapag nag-last ang padurugo ng ilong ng halos 30 minuto. Tawagan kaagad ang inyong doktor.”
Paano maiiwasan ang pagdurugo ng ilog ng isang tao
Ito ang mga habang upang maiwasan ang pagdurugo ng ilong mga bata:
- Panatilihin na maikli ang mga kuko ng bata upang maiwasan ang pagtusok nito sa kanilang ilong
- Panatilihin a basa ang loob ng ilong ng bata. Pahiran ng petroleum jelly o antibiotic ointment ang paligid ng kanilang ilong.
- Maglagay ng mga humidifier (o vaporizer) sa kanilang mga kwarto para ang hangin ay hindi tuyo.
- Siguraduhin na malinis ang mga humidifier o vaporizer na nakalagay sa kwarto ng mga bata
Larawan mula sa iStock
- Kapag nag-eehersisyo ang bata, pagsuotin ito ng mga protective gears para maiwasan ang mga pinsala sa ilong.
- Huwag manigarilyo malapit sa bata.
- Tanungin sa inyong doktor kung may allergy ba ang inyong anak.
- Turuan ang bata na huwag tusukin ang kanilang ilong.
Kailan malalaman kung kailangan mo na tumawag sa inyong doktor?
Tawagan ang doktor kapag nagyari ang mga sumusunod:
- Hindi mo mapigilan ang pagdurugo ng ilong ng mga bata
- Dumugo ulit ang kanilang ilong
- Ang inyong anak ay may pinsala sa mukha o ulo
- Malaki ang mga dugo na lumalabas
- Ang iyong anak ay nahimatay, nagkasakit o nahihirapan huminga
- May iba pang parte na dumurugo maliban sa ilong. Katulad ng, kanilang mga dumi, ihi, o gilagid o madaling magkaroon ng pasa.
- May bagay sa loob ng ilong ng iyong anak.
Mga dapat tandaan sa pagdurugo ng ilong ng mga bata
- Ang pagdurugo ng ilong ay nangyayari sa mga tisyu sa loob ng ilong (nasal mucus membranes) na sanhi ng pagkasira ng daluyan ng mga dugo.
- Nakakatakot man ito, ngunit hindi ito delikado. Karaniwan ito sa mga bata nakatira sa mga maiinit na bansa o may tuyong klima. Pwede rin na mangyari sa taglamig. Dahil kapag natuyo na ang klima maaaring magresulta ito ng panunuyot, pagcrack at pag-crust sa loob ng ilong.
- Ang pagkakaroon ng pagdurugo ng ilong ay maaaring sanhi ng maraming bagay tulad ng tuyo na kapaligiran, pagtusok ng ilong at allergy. Ngunit sa ibang kaso, ay sadyang walang dahilan.
- Huwag patingalain ang bata o pahigain sa kama. Sa kadahilan, pwede niya malunok ang dugo na nanggagaling sa kanyang ilong.
- Maglagay palagi ng humidifier sa kwarto ng iyong anak kada gabi. At laging turuan ang mga bata ng masamang epekto kapag tinusok nila palit-ulit ang kanilang mga ilong gamit ang daliro o iba pang bagay.
Para sa susunod na hakbang na kailangan mong gawin kapag ikaw ay nasa ospital na
Kadalasan, kapag ikaw ay nasa ospital na ay nabablangko ang inyong isipan at hindi mo alam kung ano ang una mong tatanungin sa iyong doktor. Kaya ito ang mga ilang bagay na dapat tandaan:
- Alamin ang dahilan ng pagpunta mo at ano ang gusto mong mangyari.
- Bago pumunta sa ospital, isulat ang mga katanungan na nais mong masagot.
- Sa iyong pagpunta, isulat mo rin ang pangalan ng sakit, mga bagong gamot, mga dapat gawin o mga tests na isinagawa. Isulat din ang mga bagong instruction na ibinigay sa iyo ng doktor.
- Laging tanungin kung ano ang gamot na iniresta sa inyo at paano ito makakatulong sa inyong anak. Tanungin din, ang mga side effect ng gamot na ito.
- Sabihin sa inyong doktor kung may iba pa bang paraan na pwede mong gawin sa iyong anak.
Image from Pexels
- Alamin kung bakit kinakailangan ang isang test at ano ang mga resulta na pwede mong makita.
- Tanungin ano ang mga kailangan asahan kapag ininom ang gamot na nireseta ng doktor.
- Kung may follow-up check-up ang iyong anak. Isulat ang oras, kailan at ano ang dahilan ng pagpunta sa inyong notebook.
- Itanong din ang mga contact details ng iyong doctor. Ito ay lubos na importante kapag ang iyong anak ay nagkasakit muli.
Ano kaya ang mangyayari kung hindi kaagad naagapan ang paghinto ng pagdurugo ng ilong
Bagama’t nakakaalarma ang makakita ng dugong lumalabas sa iyong ilong, karamihan sa mga pagdurugo ng ilong ay hindi malubha.
Ang ilan, gayunpaman, ay dapat suriin ng iyong doktor. Halimbawa, kung mayroon kang madalas na pagdurugo ng ilong, ito ay maaaring isang maagang senyales ng iba pang mga medikal na problema na kailangang imbestigahan.
Nagsisimula ang ilang nosebleed sa likod ng ilong. Ang mga nosebleed na ito ay kadalasang kinasasangkutan ng malalaking daluyan ng dugo, na nagreresulta sa matinding pagdurugo at maaaring mapanganib. Kakailanganin mo ng medikal na atensyon para sa ganitong uri ng pagdurugo. Lalo na kung ang pagdurugo ay nangyayari pagkatapos ng isang pinsala at ang pagdurugo ay hindi huminto pagkatapos ng 20 minuto ng paglalapat ng direktang presyon sa iyong ilong.
Ang labis na pagdurugo sa loob ng mahabang panahon ay maaaring humantong sa mga karagdagang problema tulad ng anemia.
Kung pinaghihinalaan ng iyong doktor na mayroong mas seryosong problema ang nagdudulot ng iyong pagdurugo ng ilong, maaari ka nilang i-refer sa isang espesyalista sa tainga, ilong at lalamunan (ENT) para sa karagdagang pagsusuri.
Karagdagang ulat mula kay Margaux Dolores
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!