X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Baron Geisler nilinaw ang relasyon kay Jamie Evangelista: “Hindi kami naghiwalay. We are working things out.”

5 min read
Baron Geisler nilinaw ang relasyon kay Jamie Evangelista: “Hindi kami naghiwalay. We are working things out.”

Sabi pa ni Baron binigyan lang daw muna nila ng misis ng space ang isa’t-isa para makapagisip-isip sa mga naging pagkukulang nila.

Baron Geisler ikinuwento ang dahilan ng pagkakaroon niya ng relapse sa kaniyang alcohol addiction. Labis daw siyang naapektuhan sa tuwing nag-aaway sila ng misis na si Jamie Evangelista.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Relasyon ni Baron Geisler at misis na si Jamie Evangelista
  • Bakit nga ba nag-rerelapse sa kaniyang alcohol addiction ang aktor na si Baron Geisler?

Relasyon ni Baron Geisler at misis na si Jamie Evangelista

baron geisler and wife jamie evangelista relationship

Image from Baron Geisler’s Instagram account

Nitong nakaraang araw ay inamin ng aktor na si Baron Geisler na humihiling na ang annulment ang misis niyang si Jamie Evangelista.

Ang sinising dahilan ni Baron ay ang mga bad characters na ginagampanan niya sa kaniyang mga ginawang proyekto kamakailan lang na isinasabuhay daw ng aktor at labis na nakakaapekto sa pagsasama nila.

Maliban dito, sabi ng aktor naging malaking factor din ang pagiging busy niya. Nagkasabay-sabay umano kasi ang pagiging busy niya sa pag-aaral at trabaho na nawalan na sila ng oras ng misis niyang makipag-usap.

“Lahat po ng pamilya ay may problema, may kaniya-kaniyang issues. Siguro sa gitna ng pagiging busy ko sa pag-aaral, career, taking care of my children may mga pagkakataon na hindi na kami nakapag-discuss sa mga intimate problems namin na nangyayari.

We just let it slide, hanggang sa tumataas yung resentment namin sa isa’t isa. Pumutok na lang.”

Ito ang sabi ng aktor sa isang panayam sa kaniya ng mag-asawang sina Julius Babao at Tintin Bersola sa kanilang YouTube channel.

Sa tuwing nag-aaway sila ng misis, Baron nawawala sa sarili at bumabalik sa pag-inom ng alak

Ayon pa kay Baron, ang nangyaring gusot o hindi pagkakaintindihan sa pagitan nila ng kaniyang misis ang numero unang dahilan ng relapse niya sa alcohol addiction. Dahil sa tuwing nag-aaway daw sila ng misis, ang alak ang nagiging takbuhan niya.

“Nagkaroon lang kami ng misunderstanding ni misis, dahil sa character defect ko, parang nawala yung pagka-empathetic ko and hindi ko nabigyang halaga ‘yong mga gusto niya.”

Pero hindi niya daw ito sinisisi sa misis. Dahil dagdag pa ni Baron dapat ay iniisip niya rin ang feelings nito.

“Kasi dapat naging aware ako kasi needs ng wife ko e. So naging selfish ako ulit and ayon na. Kapag meron siyang sinabi naapektuhan na ako agad ang ginagawa ko mag-walkout ako agad, gaganti ako. Iinom ako.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Baron.

Baron Geisler nilinaw ang relasyon kay Jamie Evangelista: Hindi kami naghiwalay. We are working things out.

Image from Baron Geisler’s Instagram account

Sabi pa ng aktor, maswerte siya na nandiyan parin ang misis niya na sumusuporta sa kaniya at sa kaniyang kondisyon. Lalo na sa pagiging alcoholic niya na aminado ang aktor na malaki ang epekto sa pamilya at buhay niya.

“May allergic reaction po ako sa utak ko sa alak, I cannot stop. Once na matikman ko siya kailangan apat na araw po hanggang sa hindi na ako makatayo.”

Ito ang pagsasalarawan ni Baron sa kung anong nangyayari sa kaniya sa tuwing nagsisimula siyang uminom ng alak.

BASAHIN:

Jamie Evangelista-Geisler ayaw sa mga sexy roles ni Baron Geisler: “My wife is demanding for an annulment.”

Baron Geisler naka-graduate na ng college: “It is never too late.”

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: “Grabe ang pag-relapse niya lately”

Baron balik rehabilitation ulit

Sa ngayon, ay balik ulit siya sa programa para malabanan ang adiksyon niyang ito. Ganoon rin ang kaniyang misis na mahalaga ang papel na ginagampanan para mapagtagumpayan ito ng aktor.

Kaya naman paglilinaw niya, sila ay hindi hiwalay ng misis na si Jamie Evangelista. Sa ngayon ay binigyan niya lang ito ng space, ganoon rin ang sarili niya para mapag-isipan ang kaniyang nagawa.

“Hindi kami naghiwalay. We are working things out but of course we are giving each other space.”

Sabi pa ni Baron, umaasa siya na matapos ang pagsubok na ito sa pagsasama nila ay magiging mas malalim ang pagmamahalan pa nilang mag-asawa.

“Eventually we will patch things up and magiging sweeter. ‘Di ba may kasabihan, malaking away, malaking yakap.”

Ito ang hirit pa ng aktor.

Sa recovery niya malaking tulong din daw ang anak niyang si Talitha Cumi. Bilang isang ama ay very sweet daw siya sa anak at sinisigurong nakikita o nakakausap niya ito araw-araw.

“I’m very sweet not a day goes by na hindi ako nagbi-video chat ‘yong baby ko kahit natutulog siya. She makes my day.”

baron geisler and wife jamie evangelista relationship

Image from Baron Geisler’s Instagram account

Higit sa lahat, kuwento ni Baron naging malaking tulong din ang pag-aaral niya ng Theology sa kaniyang pagbabagong buhay. Nakakagulat man para sa marami pero ang pagpapari ay nasa dugo na daw ng kanilang pamilya.

“Sa bawat pamilya sa mother side ko may inaalay talaga na magiging pari kaso nagshowbiz ako. Habang lumalaki ako I’ve been fighting a lot of demons no? parang napariwara so I decided to take up Theology, so that I can understand myself better and God’s will for me.”

Sa ngayon, positive si Baron na tuluyan niya ng maayos ang sarili. Sabi pa niya, kung nagawa ng iba, tiyak na magagawa rin niya.

Julius and Christine Babao’s YouTube Channel

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Baron Geisler nilinaw ang relasyon kay Jamie Evangelista: “Hindi kami naghiwalay. We are working things out.”
Share:
  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

    Kris Aquino bumubuti na ang kalagayan matapos magpatingin sa isang Indian doctor

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.