Excited ka na ba mommy para sa nalalapit na pagtungtong ni baby ng kanyang ika-anim na buwan? Nakalista na ba ang mga pagkain na nais mong matikman ni baby habang siya ay lumalaki?
Biscuits brands sa philippines | Image from Freepik
Sapat ba ang nutritional value ng mga pagkain na binibigay natin kay baby? Don’t worry mommy. Mayroon kaming inihandang list ng pwedeng-pwede bilang isa sa snacks na healthy para sa kay baby.
Narito ang ilan sa best biscuits brands sa Philippines na swak sa panlasa ni baby at swak din sa budget mo mommy.
Anong age dapat pakainin ang baby?
Ang mga baby na dumarating sa edad na anim na buwang gulang ay kinakailangan na bigyan ng solid food upang sumapat ang sustansya sa kanilang lumalaking katawan.
BASAHIN:
Starting Your Child on Solids: Is Organic Baby Food Better?
Binibigay ba ni baby ang pagkain niya sayo? Here’s the reason!
STUDY: Pagkain ng chocolate ng bata, nakabubuti sa kanilang brain!
Para na rin sa kanilang brain development at malakas na immune system. Kinakailangan na sapat ang sustansya na nakukuha nila sa bawat pagkaing inihahain natin.
Bukod sa breast milk o formula milk, dapat ng pakainin si baby ng prutas at gulay. Nirerekomenda ng mga Pedia na pakainin lamang ang baby na nasa anim na buwang gulang pataas o ‘yung mga baby na nakakaupo na mag-isa.
Ang baby na nasa limang na buwang gulang pababa ay hindi pa fully develop ang kanilang panunaw kaya’t mahihirapan ang kanilang katawan kung papakainin sila at makakasama ito sa kanila.
Pinapayuhan na sumangguni sa kanilang Pedia para sa tamang gabay ng pagpapakain.
Best biscuits brands sa Philippines na pwede para sa baby
Kung minsan, sa dami ng ginagawa natin bilang mommy, nawawalan tayo ng time para magprepare ng snacks ng ating baby. Kaya naman gumawa kami ng list ng mga snacks-to-go ni baby na siguradong magugustuhan nila.
Gawa sa all natural ingredients at nagtataglay ng essential nutrients kaya naman healthy itong ibigay sa baby. Ginawa rin ang mga produktong ito para sa mga baby na tinutubuan ng ngipin.
Best biscuits brands sa Philippines
CERELAC Nutripuffs Strawberry Infant Snack

Ang Cerelac ay noon pa man kaagapay ng mga nanay sa pagpapalaki ng kanilang mga baby. Kung noon ay kanilang cereal product ay gawa lamang sa small grains na nilalagyan ng hot water para maging instant meal ni baby.
Ngayon, mayroon na rin silang Cerelac Nutripuffs na gawa sa whole wheat at real fruit bits, mayroon itong taglay na iron, Vitamin B1, at fiber para siguradong maging healthy si baby.
Kaya naman isa ito sa biscuits brands sa Philippines na abot-kaya nating mga nanay.
Ingredients:
Rice flour, Whole wheat flour, Cornstarch, Palm olein, Sugar, Banana flakes, Strawberry flakes, Minerals (Ferric pyrophosphate, Calcium carbonate, Calcium hydrogen phosphate, Zinc sulfate), Thiamin mononitrate. Contains gluten. May contain milk and soya.
Instructions:
Para sa baby na 6 months to 1 year, bigyan ng sapat na amount na maaaring kainin si baby. Isalin sa air-tight container upang mapanatili ang crispiness nito. Pagkabukas, tumatagal ito ng 3 weeks.
Other Variants:
CERELAC Nutripuffs Orange Infant Snack
CERELAC Nutripuffs Spinach Infant Snack
CERELAC Nutripuffs Tomato Infant Snack
Happy Baby Organic Teethers Sweet Potato & Banana
Ang Happy Baby Organic Teethers ay gawa sa natural ingredients na organic jasmine rice flour at organic fruits o vegetables kaya naman safe sa baby.
Gentle on gums din ito kaya suitable sa mga baby na tinutubuan ng ngipin. No artificial flavor kaya perfect snack sa mga baby na hindi ka magwoworry sa content nito.
Tinuturuan din nito ang ating baby na magself fedding habang sila ay lumalaki.
Ingredients:
Organic jasmine rice flour, organic tapioca starch, organic sugar, organic blueberry powder, purple carrot juice concentrate (purple carrot juice concentrate, citric acid), organic banana powder, organic sweet potato powder salt, mixed tocopherols (to preserve freshness).
Instructions:
Pakainin si baby ng isa o dalawang balot para sa kanyang snack time. Pakainin lamang ang baby na 6 months pataas na marunong ng umupo mag-isa. Hindi pinapayuhan ang mga magulang na ipakain ito sa mga baby na 6 months pababa.
Milna Rusks for Infants
Pagdating ng baby sa kaniyang 6 months, kailangan na siyang unti-unting pakainin ng solid food para sa magandang development ng kanilang brain at body.
Ang Milna Rusk for Infants ay ginawa para lumalaking baby. Ito ay may AA at DHA na para sa brain development ni baby. Mayroon din itong Vitamin C and Vitamin E para sa pagpapalakas ng immune system.
Nagtataglay rin ito ng Probiotic para sa magandang panunaw at matibay na tiyan.
Mayroon rin itong calcium para sa healthy hair, teeth at bones. Bukod pa rito, mayroon din itong iba pang 18 essential nutrients na kinakailangan ng isang lumalaking baby. Available ito sa apat na flavor: Original, Banana, Orange, at Mixed Fruits.
Ingredients:
Wheat Flour, Sugar, Vegetable Oil, Banana Puree, Ammonium Bicarbonate, Inulin, Banana Flavor, DHA, Vegetable Emulsifier, Calcium, AA, Minerals, Vitamins, Choline
Instructions:
Maglagay ng 2 pieces ng Milna Baby Biscuits sa isang bowl, pira-pirasuhin at maglagay ng warm water o breast milk. Haluin maigi hanggang matunaw at ipakain kay baby.
Baby Mum-Mum Apple
Ang Baby Mum-Mums ay baby food na gawa sa all natural rice ingredients at organic fruits at vegetables. Isa ito sa leading brand ng biscuits sa North America kaya naman trusted na ng karamihan sa mga mommy na nakatira sa kanilang rehiyon.
Ito ay certified gluten free, no salt added, no wheat, no milk, no eggs, at nuts. Ito rin ay oven baked na hindi ginagamitan ng anumang fats. Kaya perfect snacks ito sa ating little one.
Ingredients:
Premium quality non GMO Japonica Rice, tapioca starch, organic fruits, organic vegetables.
Instructions:
Pakainin si baby ng 1-2 piraso kapag snack time. perfect itong nguyain ng baby na tinutubuan ng ngipin.
Promina Puffs Baby Snack
Ang Promina Puff Baby Snack gawa sa natural ingredients at nagtataglay ng essential nutrients tulad ng 7 vitamins, omega 3 and 6, at calcium na kailangan ng lumalaking baby.
Wala rin itong preservative, artificial colors, at sweeteners na nakakasama sa baby.
Ingredients:
Rice, whole wheat, organic fruits
Instructions:
Gamitin bilang complimentary food ni baby. Bigyan si baby tuwing snack time ng sasapat sa kanyang needs. Ito para sa baby na 8 months pataas lamang.
Happy Baby Puffs Strawberry & Beet

Isa ang Happy Baby Puffs na organic snack na suitable kay baby. Ito ay may Choline para sa eye at brain development. Masasabi ring itong superfood para kay baby dahil naglalaman ito ng potassium, calcium, Vitamin C, Vitamin E, Vitamin D3, at calcium.
Ito rin ay may Vitamin B complex na binubuo ng mg sumusunod: Pantothenic Acid, zinc, Niacinamide, Thiamine, Riboflavin, Pyridoxine, at Cyanocobalamin.
Ingredients:
Organic White Rice Flour, Organic Apple Juice Concentrate, Organic Brown Rice Flour, Organic Sweet Potato Powder, Organic Carrot Powder, Mixed Tocopherols (to preserve freshness)
Instructions:
Maaaring ipamalit bilang snacks ni baby kasabay ang ilang fruits. Ito rin ang to-go snacks na pwede niya baunin kahit saan lalo na kapag nagtatravel. Convenient at healthy pa. Para ito sa baby na 6 months pataas.