X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#AskDok: Ligtas bang magpabunot ng ngipin ang buntis?

4 min read
#AskDok: Ligtas bang magpabunot ng ngipin ang buntis?

Sa kabila ng napakaraming dapat ihanda sa hinihintay na panganganak, hindi dapat na kalimutan ang pagbisita sa dentista—pero dapat bang mag-alala sa pagpapabunot?

Madalas na katanungan sa The Asian Parent app kung safe ba ang bunot ng ngipin sa buntis. Alamin ang sagot ng mga eksperto tungkol dito.

Ayon sa mga dental experts, naaapektuhan ng pagbubuntis ang dental health ng isang ina dahil sa pagbabago ng hormone levels niya. Mas tumataas ang posibilidad ng pagkakaron ng gum disease at pati na pagkasira ng ngipin. Pero ang dapat na tandaan, mas prone ang mga nagbubuntis sa cavities at gum disease.

Isang sanhi ay ang pagsusuka sa unang trimester, na sanhi ng exposure ng bibig sa acid, at nakakasira sa tooth enamel. Kaya naman mas mainam na bumisita sa dentista sa panahon ng pagbubuntis para masiguradong hindi mapapabayaan ang ngipin at gums.

Kung ang pagpapalinis ng ngipin at routine dental check-up ay makabubuti, paano naman ang bunot ng ngipin sa buntis?

Ayon kay Dr. Joel Vergel de Dios, DDM, isang dentista, at sa American Dental Association, puwede naman ang tooth extraction kahit pa buntis si mommy. Ayon pa sa dentista, makaluma na ang paniniwala na bawal ang bunot ng ngipin sa buntis.

May panganib ba ang anesthesia sa bunot ng ngipin sa buntis?

Sa statement na inilathala ng National Maternal and Child Oral Health Resource Center sa kanilang National Consensus Statement on Oral Care During Pregnancy, pinaliwanag nila na may ebidensiya na ligtas ang pagpapabunot ng ngipin kapag buntis, kahit pa may local anesthesia at pain medicines.

Pareho din ng resulta ng ginawang pagsasaliksik nuong Agosto 2015, at inilathala ng Journal of the American Dental Association, na nagsasaad na ligtas ang local anesthesia at pagpapabunot ng ngipin kapag buntis, para sa bata at sa ina.

Payo ni Dr. Vergel deDios, “Sa ikatlong trimester lang, at sa via intra-ligamentary technique lang [dapat ang anesthesia]—at kapag extreme circumstances lang.” Sa madaling salita, hangga’t maipagpapaliban, mas makakabuti.

Iwasan din ang general anesthesia at sedation sa anumang panahon ng pagbubuntis. Bagamat sinasabi ng ADA at National Maternal and Child Oral Health Resource Center na may mga ligtas na uri ng general anesthesia na maaaring gamitin sa kamay o payo ng ng mga prenatal care health practitioner. Mas mabuti nang umiwas, hangga’t maaari, para hindi malagay sa panganib ang sanggol sa sinapupunan.

Dapat na payuhan ng mga OB GYN ang mga buntis na pasyente tungkol sa pangangalaga ng kanilang oral-dental health. Kumunsulta sa dentista para maiwasan ang anumang problema, lalo na ang pagkasira ng ngipin.

Binanggit din sa journal ng ADA na ligtas din ang dental X-ray kapag nagbubuntis dahil mababa ang radiation nito, at may proteksiyon na inilalagay para matakpan ang tiyan at thyroid habang isinasagawa ang X-ray. Dapat lang na ipaaalam sa dentista at magsasagawa ng X-ray na ikaw ay buntis.

Importante ang “timing” ng bunot ng ngipin sa buntis

Nirerekumenda ng American Pregnancy Association, na sa ikalawang trimester mas ligtas na isagawa ang anumang importanteng dental procedure, at ipagpaliban muna ang mga hindi naman kailangan pa pagkapanganak.

Ayon naman kay Dr. Vergel de Dios, mas makabubuti kung sa ikatlong trimester, kung talagang kailangan. Minsan kasi emergency na, at hindi na maaaring ma-delay ang pagpapabunot, katulad na lang kung may impeksiyon na.

Kung mayro’ng dentistang regular na pinupuntahan, kailangang ipagbigay alam sa kaniya ang pagbubuntis sa oras na malaman ito. Para mabigyan ng nararapat na vitamins at mapayuhan tungkol sa tamang pangangalaga ng ngipin at gums.

Dapat ding malaman ng dentista kung high-risk ang pagbubuntis o kung mayron pang ibang medical condition. Ito ay para mapag-desisyunan kung puwede bang ipagpaliban muna ang anumang treatment, hanggang sa makapanganak.

Ang 9 na buwan na pagbubuntis ay may malaki—at mahalagang impact sa oral health ng mga nanay, na makakaapekto din sa kabuuang kalusugan ng mag-ina, kaya’t dapat dapat na bigyang pansin at pagpapahalaga.

“Dapat na kasama ang dental check up sa pregnant women care protocol,” pagdidiin ni Dr. Vergel de Dios. “Tulad ng mga restorative procedures oral prophylaxis o pagpapalinis ng ngipin, mula sa ikalawang trimester.”

Huwag kakaligtaan ang pagsisipilyo ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw. Pati na ang paggamit ng dental floss, na minsan ay hindi na prayoridad ng mga pagod at hirap na preggo mommies.

 

SOURCES:

Dr. Joel Vergel deDios, DDM; Journal of the American Dental Association, August 2015;  National Maternal and Child Oral Health Resource Center – National Consensus Statement on Oral Care During Pregnancy

Basahin: Pregnancy Gingivitis: Why your gums are always bleeding

May tanong para kay, Dok? Mag-log-in sa TheAsianParent app at ilagay ang #AskDok sa iyong katanungan.

Partner Stories
Back to basics: Family resolutions to keep his 2022
Back to basics: Family resolutions to keep his 2022
Say hello to crystal bright mochi-mochi skin with Hada Labo Shirojyun
Say hello to crystal bright mochi-mochi skin with Hada Labo Shirojyun
RECONNECT WITH THE WONDERS OF OUR WORLD THROUGH NATIONAL GEOGRAPHIC ASIA’S INAUGURAL PODCAST SERIES EXPEDITION: EARTH
RECONNECT WITH THE WONDERS OF OUR WORLD THROUGH NATIONAL GEOGRAPHIC ASIA’S INAUGURAL PODCAST SERIES EXPEDITION: EARTH
Harbour City produces official Hong Kong music video of Baby Shark
Harbour City produces official Hong Kong music video of Baby Shark

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Anna Santos Villar

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagbubuntis
  • /
  • #AskDok: Ligtas bang magpabunot ng ngipin ang buntis?
Share:
  • Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? 10 home remedies para sa namamagang ngipin

    Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? 10 home remedies para sa namamagang ngipin

  • Ano ang pinakamabisang gamot sa sakit ng ngipin na may butas?

    Ano ang pinakamabisang gamot sa sakit ng ngipin na may butas?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? 10 home remedies para sa namamagang ngipin

    Namamaga ang pisngi dahil sa ngipin? 10 home remedies para sa namamagang ngipin

  • Ano ang pinakamabisang gamot sa sakit ng ngipin na may butas?

    Ano ang pinakamabisang gamot sa sakit ng ngipin na may butas?

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.