X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata

2 min read

Hindi na bago ang makakita ng mga batang mayroong maliit na butas sa tenga. Ito ay tinatawag na “preauricular sinus” at isa itong uri ng congenital defect. Kadalasan, ito ay ipinagwawalang-bahala ng mga magulang. At kung tutuusin, halos wala rin naman itong masamang epekto sa katawan.

butas sa tenga

Source: wikimedia commons

Ngunit alam niyo ba na posible pala itong magkaroon ng impeksyon at magdulot ng matinding sakit? Ganito ang naranasan ng isang bata na nagkaroon ng impekson sa butas ng kanyang tenga.

Maliit na butas sa tenga, dapat bantayan

Sa kaso ng isang bata sa Thailand, ang butas na ito sa kanyang tenga ay naging sanhi ng matinding sakit at impeksyon. Paano ito nangyari?

Ayon sa magulang ng bata, na tawagin natin sa pangalang “K,” noong 6 na buwang gulang pa lamang ito, ay tinuruan nila siyang lumangoy. Nang siya ay maging 1 taong gulang, napansin nilang parang namamaga at lumalaki ang butas sa kanyang tenga.

Kaya’t dinala nila si K sa doktor upang matingnan kung bakit namamaga ang kanyang tenga.

Sabi ng doktor na tumingin sa bata, ito raw ay dahil sa paglangoy niya. Naiipon daw ang tubig sa loob ng tenga, at naging sanhi ito ng impeksyon.  Dahil dito, niresetahan ng doktor ng painkiller at iba pang gamot ang bata, at akala ng kanyang mga magulang ay tapos na ang kanilang problema.

Lalong lumala ang impeksyon

Ngunit matapos ang tatlong araw, lalong lumala ang impeksyon ni K.  Ito ay magang-maga, at mayroon ding nana. Kinailangan niyang operahan ang kaniyang sugat upang alisin ang nana sa loob. 

Di nagtagal, at bumuti rin ang pakiramdam ni K, ngunit kinailangang tanggalin ang kanyang eardrum upang makaiwas sa komplikasyon. 

Sa buong mundo, 15% lang ng populasyon ang mayroong preauricular sinus. At kung mayroong ganito ang inyong anak, kailangan ng dagdag na pag-iingat at alaga.

Magandang umiwas sa masyadong paglangoy, dahil baka matulad ito sa nangyaring impeksyon kay K. Panatilihin ring malinis ang tenga ng anak, at huwag kalimutang tuyuin ito ng mabuti matapos maligo.

Kapag may nakita kayong impeksyon, huwag mag atubiling dalhin ang inyong anak sa doktor.

 

Source: Facebook

Basahin: Infected na ngipin, halos ikinamatay ng isang bata!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Butas sa tenga naging sanhi ng malalang impeksyon ng isang bata
Share:
  • Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

    Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

  • Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

    Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

    My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

  • Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

    Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

  • Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

    Sanggol declared dead na ng 11 minuto bago himalang nabuhay

  • Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

    Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."

  • My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

    My baby rarely made eye contact—it turned out that he had autism

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.