Can you get coronavirus twice? Narito ang sagot ng mga pag-aaral at health experts.
Can you get coronavirus twice?
May mga balita mula sa China ang nagsasabing ilan sa mga naka-recover na COVID-19 patients ay muling nag-positibo sa sakit.
Ganito rin ang headline ng isa pang balita na nailathala sa NHK-World Japan. Ayon sa balita, isang 70-anyos na matandang lalaki ang unang nag-positibo sa sakit noong February 14. Siya ay sakay noon ng MV Diamond Princess cruise ship na inilagay sa quarantine sa Yokohama. Matapos ang ilang araw ay naka-recover ang matandang lalaki at nag-negatibo na sa sakit noong March 2. Kaya naman ay umuwi na ito sa kanilang bahay. Ngunit makalipas ng ilang araw ay nakaramdam ulit ng sintomas ng COVID-19 ang matandang lalaki. At muli, siya ay nag-positibo sa sakit sa pangalawang pagkakataon.
Kaya naman dahil sa mga balitang ito ay may bagong inaalala ang mga taong naka-recover na sakit. Ang tanong nila, can you get coronavirus twice? O maari bang ma-infect muli ng sakit ang taong gumaling na mula rito?
Sagot ng mga eksperto
Ayon kay Dr Stephen Gluckman, isang infectious diseases physician, tulad ng iba pang coronaviruses malaki ang posibilidad na mag-develop ng immunity laban sa sakit ang isang taong nagkaroon na ng COVID-19. Ibig sabihin ay maaring hindi na muli siyang ma-infect nito sa pangalawang pagkakataon.
“Coronaviruses aren’t new, they’ve been around for a long, long time and many species – not just humans – get them. So we know a fair amount about coronaviruses in general. For the most part, the feeling is once you’ve had a specific coronavirus, you are immune. We don’t have enough data to say that with this coronavirus, but it is likely.”
Ito ang pahayag ni Dr. Gluckman na medical director ng Penn Global Medicine sa Philadelphia, Pennsylvania, USA.
Sinuportahan naman ang pahayag na ito ni Dr. Gluckman ng isang eksperimento tungkol sa sakit na kung saan ang ginamit na model ay mga unggoy.
Ayon sa pag-aaral na nailathala sa medRxiv database, tulad ng mga tao ay maari ring mahawa sa sakit na COVID-19 ang mga unggoy. Kung ikukumpara nga umano ang virus infection at pathology na nakita sa mga unggoy ay katulad ito ng makikita sa mga taong infected ng sakit. Ang kaibahan nga lang ay hindi nagpakita ng malalang sintomas ng sakit ang mga unggoy kumpara sa mga tao.
“The virus infection and pathology in monkey model are very similar to those of patients, but monkey models did not show severe symptoms of patients [or] death. The macaques showed decreased appetite, increased breathing rate and developed mild to moderate pneumonia about a week following infection.”
Ito ang pahayag ni Dr. Chuan Qin, director sa Institute of Laboratory Animal Sciences sa China at senior author ng ginawang pag-aral.
Nag-dedevelop ng ant-bodies ang katawan laban sa virus
Dagdag pa niya ay nag-developed umano ng antibodies ang mga unggoy laban sa sakit. Dahilan kung bakit hindi na sila na-infect muli ng virus ng ma-expose rito sa pangalawang pagkakataon..
“According to our current study, the antibodies produced by the infected monkeys can protect the monkey from the reexposure to the virus.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Chuan Qin.
Mataas ang posibilidad na bumalik ang sakit kahit ito ay gumaling na
Ganito rin ang naging pahayag ni Li QinGyuan, director of pneumonia prevention and treatment ng China Japan Friendship Hospital sa Beijing. Pero dagdag ni Li, bagamat nag-dedevelop ng protective antibody ang mga taong na-infect ng sakit, hindi pa tukoy kung gaano katagal nagbibigay ng proteksyon ang antibody na ito. At mataas ang posibilidad na bumalik muli ang sakit kahit ito ay gumaling na.
“However, in certain individuals, the antibody cannot last that long. For many patients who have been cured, there is a likelihood of relapse”, pahayag ni Li.
Sinuportahan naman ni Dr. Peter Jung, ang pahayag na ito ni Li. Ayon sa kaniya ay hindi pa malinaw kung sino ang may mas matagal na immunity laban sa sakit. Pero tulad ng flu o trangkaso ay maaring ma-reacquire o makakuha muli ng impeksyon ang isang taong gumaling na mula rito.
“No one knows for sure, but most children likely develop at least short-term immunity to the specific coronavirus that causes Covid-19. But just as the flu can mutate, so could Covid-19, which would make an individual susceptible to reacquiring the infection.”
Ito ang pahayag ni Dr Peter Jung na assistant professor of pediatrics sa University of Texas Medical School sa Houston USA.
Sa ngayon ayon sa CDC ay wala pang malinaw na sagot ang siyensa kung maari nga bang ma-infect muli ng virus ang isang COVID-19 patient na gumaling na sa sakit. Pero paalala nila mas mabuting sumunod parin sa mga precautionary measure sa pag-iwas sa sakit para maksigurado. Tulad ng pag-eexercise ng social distancing, madalas na pahuhugas ng kamay at pagtakip ng ilong at bibig sa tuwing uubo o babahing.
SOURCE: COVID Facts, DailyMail UK, Live Science, Forbes, Independent UK
BASAHIN: Home Birth during COVID-19: Lahat ng dapat mong malaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!