LIST: Kailangan mo ba ng fresh meat, poultry at seafood? Order here

LIST: Kailangan mo ba ng fresh meat, poultry at seafood? Order here

Lutuin parin ang mga paboritong mong seafood at meat recipe ng hindi na kailangan pang makipag-salaran sa mga palengke. Narito ang mga meat, poultry at seafood supplier sa Manila na makakatulong sayo.

Narito ang listahan ng for delivery fresh meat poultry seafood supplier sa Maynila.

For delivery fresh meat poultry seafood supplier sa Maynila

Natatakam ka na ba sa paborito mong meat o seafood recipe? Pero hindi makapunta sa supermarket para makabili ng main ingredients ng paborito mong putahe? Huwag mag-aalala dahil may for delivery fresh meat poultry seafood products supplier sa Maynila na handang tumulong sayo. Lalo na ngayon sa oras na mahigpit ang pagpapatupad ng lockdown sa buong rehiyon. Narito ang kanilang mga pangalan, pati na ang numero sa kung saan puwede silang tawagan.

Delivery Fresh Meat Poultry Seafood Products

Image from Freepik

1. 4R Fresh and Frozen

Ang 4R Fresh and Frozen ay isang seasfood, poultry at meat supplier na matatagpuan sa E. Rodriguez Ave., Cubao, Quezon City. Maliban nga sa fresh pang-ulam ingredient ay mayroon din silang frozen products, vegetables at grains na kukumpleto sa iyong kailangan.

Para makabili ng kanilang produkto ay hindi mo na kailangang magpunta pa sa kanilang tindahan. Bisitahin lang ang kanilang Facebook page para sa listahan ng kanilang available products o kaya naman ay tawagan sila sa mga numerong 0917-577-3714 at 0999-991-5979.

2. Pacific Bay Seafood

Tulad ng 4R Fresh and Frozen, ang Pacific Bay Seafood ay nag-ooffer rin ng seafood, meat at poultry products for delivery sa buong Metro Manila. Puwede ka ngang magpa-deliver sa kanila for free basta’t umabot sa P2,000 ang orders mo.

Maliban nga sa poultry at meat products mula sa backyard farms ay may produkto rin sila mula sa mga brands na Mowi. Tierra de España at Mister Delicious.

Upang malaman ang listahan ng mga produkto na mayroon sila ay maari mong bisitahin ang kanilang website sa https://www.pacificbay.com.ph/ o tumawag sa numerong (02) 706 1767.

delivery-fresh-meat-poultry-seafood

Image from Pacific Bay

3. Rare Food Shop

Kumpleto rin sa tindang meat, poultry at seafood products ang Rare Food Shop. At higit sa lahat tulad ng Pacific Bay at 4R Fresh and Frozen ay nag-dedeliver rin sila sa Metro Manila.

Para sa mga produktong mayroon sila ay maaring bisitahin ang kanilang website na https://rarefoodshop.com/. O kaya naman ay i-follow sila sa Facebook at Instagram. O tawagan sila sa numerong +639171684443.

delivery-fresh-meat-poultry-seafood

Image from Rare Food Shop

4. UrbanMeat.ph

Isa pang meat supplier na puwede ninyong tawagan for order at delivery ay ang UrbanMeat.ph. Mula sa ground pork, adobo cut pork meat, liempo at beef sukiyaki ay mayroon sila. Sigurado ka rin sa quality ng products dahil ang nagmamay-ari ng meat shop na ito ay mga experienced chefs na nagmula sa 5-star hotels at fine dining restaurants sa bansa.

Para malaman ang mga produktong kanilang ibinibenta at maka-order ng mga ito, bisitahin lang ang kanilang IG o FB page. O kaya naman ay tawagan sila sa numerong 0917-186-MEAT (6328) para sa mas mabilis na transaksyon.

5. SoLo Meat Group

Pagdating naman sa quality beef products ay isa ang SoLo Meat Group sa maasahan mong magbibigay nito sayo. Ang kanilang produkto ay mula pa sa Aurtralia, New Zealand at America na 100% grass fed beef. Ilan sa produktong kanilang ini-offer ay ang Australian 100% Beef Sausages, Australian Premium Sirloin Steak at Australian Premium Rib Eye Steak.

Para maka-order at magpa-deliver ay bisitahin ang kanilang website na solomeatgroup.com. O kaya naman ay tawagan sila sa mga numerong (632)75775749 o +639173176616.

6. Marvs Boqueria PH

Seafood naman ang ibinibida ng Marv Boqueria PH. At sinisiguro nila na ang mga ito ay nakuhang fresh at idedeliver na fresh parin sa inyong bahay. Ilan sa produktong itinitinda nila ay mga isa tulad ng tilapia, bangus, salmon at lapu-lapu. Pati na mga seafood favorites gaya ng crabs, lobster at prawns. Ang kinagandahan pa sa Marvs Boqueria ay may mga ready-to-cook products na sila at hindi mo kailangang linisan pa.

Para malaman kung ano ang mga available products na mayroon sila ay bisitahin ang kanilang Instagram account o kontakin sila sa numerong (0917) 851-2732.

7. The Green Grocer

Para naman sa mas maraming grocery options ay dapat mong subukang bisitahin ang website ng The Green Grocer. Dahil maliban sa meat, poultry at seafood products ay mayroon rin silang mga fresh fruit at vegetables na kukumpleto sa ingredients ng putahe na iyong luluto.

Open rin sila for delivery, bagamat sa ngayon ay limitado at mabagal ito dahil sa epekto ng ipinatutupad na lockdown sa Metro Manila.

Para sa malaman kung ano ang kanilang itinitindang produkto ay bisitahin ang kanilang website o kaya naman ay tawagan sila sa mga numerong 09189594220, 09178244220 at 8216 8923.

8. Farm to Fork PH

Kung gusto mo naman ng ready to eat meals, ang Farm to Fork PH ang dapat mong tawagan. Mayroon silang mga chicken at pork menu na talaga namang magugustuhan mo at ng iyong buong pamilya.

May mga frozen products rin sila tulad ng chicken tocino at pork longganisa. Maliban rito ay organic eggs rin silang itinitinda. Pati na pasteurized milk, yogurt drink at iba pang dairy products tulad ng kesong puti. Para umorder at magpa-deliver, tawagan sila sa numerong ito 0918-8808600.

9. Pinkies Farm

All-natural milk naman ang tinda ng Pinkies Farm na nagmula sa kanilang mga grass-fed cow sa Lipa, Batangas. Ang kanilang produkto ay open for delivery basta i-follow lang sila sa Facebook at Instagram. O kaya naman ay i-email sila sa [email protected].

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pinkie’s Farm (@pinkiesfarm) on

 

BASAHIN:

LIST: Important emergency and delivery hotlines na dapat mong malaman

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner