Narito ang mga milestones at development ng 6 taon 4 buwang gulang na bata.
Ngayong 6 na taon at 4 na buwan na ang iyong anak ay nagsisimula na siyang magkaroon ng mas malakas na pakiramdam. Ang resulta nito ay mas magiging sensitive siya, madamdamin at matatakutin. Ngunit hindi ka dapat mag-alala dahil parte ito ng development niya.
Sa artikulong ito ay mas marami ka pang malalaman tungkol sa development ng 6 taon 4 buwang gulang mong anak. Ngunit ito ay hindi mo dapat gawing batayan sa kaniyang paglaki. Sa halip ay gawing gabay upang siya ay maalalayan at maibigay ang kaniyang kailangan.
Kung may katanungan tungkol sa development ng iyong anak ay huwag mahiyang lumapit sa iyong doktor. Upang ikaw ay malinawagan at maintindihan ang mga pagbabagong nararanasan niya.
Development ng 6 taon 4 buwang gulang na bata
Photo: istock
Physical Development
Sa edad na 6 na taon at 4 na buwang gulang, ang iyong anak ay gusto ng gawin ang mga bagay-bagay ng mag-isa. Bagamat minsan ay nakakabahala ito para sayo, isa lang itong palatandaan na natututo ng maging independent ang iyong anak. At ito ay parte ng kaniyang development at paglaki.
Ilan nga sa mapapansin mong pagbabago sa kaniya ay ang kakayahan niyang magsuot ng damit niya mag-isa. O kaya naman ay ang magtali ng sintas niya. Ang mga gawing ito ay palatandaan na nag-iimprove na ang fine at gross motor skills ng iyong anak.
Mapapansin mo ring sa edad na 6 taon at 4 na buwan ay mapapadalas ang pagrereklamo niya tungkol sa masakit na parte ng kaniyang katawan. Tulad ng pananakit ng kaniyang binti, tiyan at iba pa. Ito ay dahil mas nagiging aware na siya sa katawan niya.
Sa stage na ito, narito ang average height and weight ng bata sa kaniyang edad:
- Lalaki
– Height: 117.8 cm (46.4 inches)
– Weight: 21.6 kg (47.5 lb)
- Babae
– Height: 117.3 cm (46.2 inches)
– Weight: 21.2 kg (46.6 lb)
Ang iba pang physical development ng 6 taon 4 buwang gulang na bata:
- Kaya niya ng mag-zipper at mag-butones ng damit niya.
- Nakakapagsuklay na siya ng buhok mag-isa.
- Kaya niya ng sumalo ng malaking bola.
- Nakakapag-drawing na siya ng mga realistic na larawan. Tulad ng taong may mukha, mata, ilong at bibig at katawan na may binti at braso.
- Nag-iimprove narin ang kaniyang balance at coordination skills.
- Kaya niya ng kumain ng mag-isa.
- Mas may control na siya sa pag-drawing at pagsusulat niya.
Parenting Tips
- Siguraduhing may isang oras o higit pa ang nakalaan sa kada araw ng iyong anak para sa physical activity.
- I-introduce ang physical activity sa kaniyang murang edad, I-encourage siyang maglaro at maging role model sa iyong anak sa pamamagitan ng pagkakaroon ng active lifestyle.
- I-enrol ang iyong anak sa swimming lessons pati na sa fire safety training.
- Hayaan siyang sumubok ng iba’t-ibang sports. Upang iyong malaman ang sports na talaga namang magugustuhan siya. At saka siya mas hasain at suportahan sa paglalaro nito.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kung mapapansin mong ang iyong 6 na taon at 4 na buwang gulang na anak ay nahuhuli sa mga nabanggit na physical development aspect ay mas mabuting makipag-usap na sa iyong doktor. At maging mapagmatyag sa mga red flags o nakakabahalang palatandaan na ito.
- Hindi niya na kayang gawin ang mga bagay na noon ay nagagawa niya,
- Nahihirapan siyang gawin ang mga basic task tulad ng pagsusuot ng kaniyang school uniform.
- Umiihi na siya sa kama sa tuwing matutulog sa gabi na noon ay hindi niya ginagawa.
- Hirap siya makatulog at matulog ng mahimbing sa gabi.
Photo: istock
Cognitive Development
Sa edad na 6 na taon at 4 na buwan ay mas nagiging curios ang iyong anak. Mas dadalas ang kaniyang pagtatanong at nais niyang bawat kaniyang tanong ay nasasagot. Marami man siya naiisip na itanong sayo, mas magiging focused naman sa edad na ito ang iyong anak. At ito ay makakatulong sa mga ginawa niyang task sa bahay man o school.
Matututo naring maka-relate ang iyong anak sa mga nararamdaman ng kaniyang kapwa. Kaya naman mas makakabuo siya ng maayos na relasyon at interaksyon sa mga tao sa paligid niya.
Sa edad rin na ito ay may good understanding na ang iyong anak sa kung ano ang tama at mali.
Maliban sa mga nabanggit na cognitive development ng 6 taon 4 buwang gulang ay narito pa ang ilang pagbabagong mapapansin sa iyong anak:
- Mas aware na siya sa kung ano ang tama at mali.
- Mabilis narin ang development ng mental skills niya.
- Natututo narin siya ng ibang paraan upang maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Pati na ang kaniyang nararanasan at naiisip.
- Mas nagpapakita na siya ng concern sa iba.
- Dumarami narin ang kaibigan niya.
- Kaya niya naring makabuo at makaintindi ng mas malalim usapin.
- Mas nagpapakita siya ng curiosity sa mundong ginagalawan niya.
Parenting Tips
- Sa tuwing magtatanong ang iyong anak ay sagutin rin ito ng isang tanong upang mas ma-encourage siyang mag-isip.
- Dalhin ang iyong anak sa lugar na mag-iencourage ng curiosity at learning, tulad ng library at museum. Kahit na ang paglalakad sa parke ay nagbibigay ng maraming oportunidad na matuto ang iyong anak tungkol sa kapaligiran at kalikasan.
- Ang mga bagong pagsubok ay maaring nakakatakot sa iyong anak, lalo na’t takot siyang mabigo. Ngunit, ipaalam sa kaniya na ito ay ayos lang at lagi kang nandyan upang gabayan at suportahan siya.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay:
- Nagpapakita ng mga aggressive behavior tulad ng pamamalo, paninipa at pananapak ng kaniyang kapwa.
- Pagpapakita ng labis na pag-aalala o depressed behavior.
- Hirap na makipag-communicate at makipaglaro sa ibang batang tulad niya.
- Hindi tumatalima sa tuwing tinatawag ang pangalan niya.
- Hirap siyang mahiwalay sayo.
- Nahihirapan siyang sumunod sa dalawang magkasunod na utos. Tulad ng tanggalin mo ang iyong bag at dalhin mo ang iyong soccer uniform.”
Photo: istock
Social and Emotional Development
Sa edad na 6 na taon at 4 na buwan ang iyong anak ay mas nagbibigay ng kahalagahan sa pakikipag-kaibigan. Bagamat mabuting parte ito ng kaniyang development ay maaring magdulot ito ng negatibong pakiramdam sa kaniya tulad ng frustration at jealousy.
Ngunit sa edad na ito ay mas magiging pasensyoso ang iyong anak. Matututo narin siyang humingi ng pahintulot mo at mas madagdagan pa ang kaniyang mga achievements.
Kahit na ba lumalaki siyang independent, ay lagi niya paring hinahanap-hanap ang pagmamahal at atensyon mo.
Sa kabuuan, ang mga milestones na ito ang ma-achieve na iyong anak sa kaniyang edad na 6 na taon at 4 na buwan:
- Mas nagbibigay kahalagahan siya sa pakikipag-kaibigan. At natututo siya ng mga paraan ng pakikipagtulungan at pagbibigayan.
- Binibigyan niya ng dagdag na atensyon ang pakikipagkaibigan at teamwork.
- Gusto niyang tanggap siya ng kaniyang mga kaibigan.
- Mas magaling na siyang magsalarawan ng pangyayari. Pati na ang pagsasalarawan ng kaniyang nakita, nararamdaman at naiisip.
- Iniisip niya narin ang mangyayari sa kinabukasan.
- Mas naiintindihan niya narin ang role niya sa mundong kaniyang ginagalawan.
Parenting Tips
- Limitahan ang pagmamando sa iyong anak. At hayaan siyang gumawa ng desisyon o choices para sa sarili niya.
- Huwag mag-alinlangang makipag-usap sa iyong anak tungkol sa komplikadong usapin tulad ng peer pressure at bullying. Ngunit siguraduhing ipapaliwanag sa kaniya ito sa paraang angkop para sa kaniyang edad.
- Gumamit ng side-step approach kaysa maging confrontational. Tulad nalang sa kung mapapansin mong umiinit na ang usapan ay itigil na ito at magbukas ng ibang topic.
- Suportahan ang iyong anak upang mas magtiwala siya sa kaniyang sarili. At i-encourage siyang i-enjoy ang pag-iexpress sa sarili niya.
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa kaniyang nararamdaman. At turuan siya sa mga tamang salita sa pagsasalarawan ng nararamdaman niyang ito.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
- Kapag ang iyong anak ay sobrang tahimik o mahiyain pagkagaling sa school. Ito ay maaring palatandaan ng bullying.
- Kapag nagpapakita siya ng extreme signs of aggression tulad ng pananakit ng kapwa o pagwawala.
Photo: istock
Speech and Language Development
Sa edad na 6 na taon at 4 na buwan ang iyong anak ay nakakapagsalita na ng maayos at kumpletong sentences. Bagamat mahihirapan parin siyang magsalarawan ng mga magulo at kumplikadong ideas at events.
Magpapakita rin ng interes sa pagbabasa at pagsusulat ang iyong anak sa edad na ito. Kaya naman mabuting dalhin siya sa library o bilhan siya ng mga reading materials na magagamit niya.
Ang iba pang speech and language development ng 6 taon 4 buwang gulang na bata ay ang sumusunod:
- Nakakabuo na siya ng maliliit na argumento.
- Kaya niya ng sumunod sa tatlong magkakasunod na utos. Tulad ng “hugasan mo ang kamay mo. Itabi mo ang iyong mga libro. At bumaba ka rito para kumain na tayo.”
- Nalalaman narin niyang may mga salita na may higit sa isang kahulugan.
- Gumagamit na siya ng present at past tense sa mga sentence na kaniyang nabubuo.
- Na-indentify niya na ang mga word patterns.
- Kaya niya ng bali-baliktarin ang pagkakasunod ng mga titik at numero.
Parenting Tips
- Kilalanin ang mga guro at iba pang mga taong nakakasalimuha ng iyong anak sa kaniyang school.
- Magbasa ng mga libro sa iyong anak at hayaan din siyang magbasa para sayo. Kung siya ay magkamali ay hayaan at itama ito. Ngunit huwag siyang pagalitan ng dahil dito.
- Tulungan ang iyong anak sa kaniyang mga homework. Pero bilang isang facilitator at hindi para ikaw ang gumawa nito para sa kaniya.
- I-praktis siya sa tamang classroom behavior. Bigyan siya ng maliliit na task upang siya ay matutong mag-focus at sumunod sa mga instructions.
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa mga bagay na interesado siya. Tulad ng kaniyang paboritong hayop o sports upang ma-encourage siyang makinig at sumagot.
- Gamitin ang mga numero upang mas matuto ang iyong anak. Tulad ng pagbibigay ng oras upang magawa o makumpleto niya ang isang task.
Kailan dapat makikipag-usap sa iyong doktor
- Kapag siya ay hirap magbasa ng maiikling salita o sentences.
- Nabubulol o laging nauutal magsalita.
Photo: istock
Health and Nutrition:
Ang iyong anak ay lumalaki ng mabilis kaya naman dapat mong masiguro ang kaniyang maayos na paglaki. Dapat ay siguradong nakakakuha siya ng sapat at tamang nutrients para sa kaniyang katawan.
Maliban sa tamang nutrisyon ay dapat ding physically fit ang iyong anak. Kaya naman bigyan siya ng hindi bababa sa isang oras na physical activity araw-araw.
Parenting Tips
- Sa paghahanda ng pagkain sa iyong anak laging hanapin ang mga produktong 100% whole grains at hindi “made with whole grains. Dahil ang mga made with whole grains products ay naproseso na.
- Kapag mag-serve ng red meat at iba pang pagkain na sources of iron sa iyong anak ay parisan ito ng mga pagkaing mayaman sa vitamin C. Tulad ng kamote at kamatis na makakatulong upang mas maabsorb ng katawan ng iyong anak ang iron.
- Sa oras ng pagkain ay bigyan lang ng konting serving ng pagkain ang iyong anak. Dagdagan nalang ito kapag gusto niya pa.
Ideally, ang mga bata sa ganitong edad ay dapat nakakakuha ng mga sumusunod na nutrients araw-araw:
Ang recommended daily dietary guidelines ng isang batang 6 na taong gulang ay dapat hindi bababa sa 1,200 calories. Binubuo ito ng mga pagkain na mayaman sa protein, dairy products pati na prutas at mga gulay.
Ang calorie intake ng batang babae at lalaki sa edad na ito ay ang sumusunod:
Lalaki: 1782.0 Kcal/day
Babae: 1672.0 Kcal/day
Dairy group
Isa sa importanteng nutrient group na kailangan ng lumalaking bata ay dairy. At sa edad na ito ay kailangan ng iyong anak ng 2.5 cups ng gatas o yoghurt sa kaniyang diet. Siguraduhin lang na iyong ibibigay sa kaniya ay ang low in fat.
Puwede ring ibigay sa kaniya ang mga dairy products sa interesting na paraan. Tulad ng paggawa ng milk shakes na may prutas. O kaya naman ay gumawa ng salad na may cheese at dark-green vegetables tulad ng broccoli at green peas.
Subukan ding mag-sprinkle ng shredded cheese sa gulay, omelette o pasta na kinakain ng iyong anak. O gamitin ang yoghurt na dip para sa mga sliced fruits. Puwede ring ihalo ang cheese sa mashed potatoes o meatballs. O kaya naman ay gawing alternative ang gatas sa tubig sa tubing gagawa ng hot chocolate. Masarap din ito kung ihahalo sa oatmeal, pudding at pancake.
Protein group
Para sa mga batang edad 6 na taong gulang, inirerekumenda ng CDC na hindi dapat bababa sa 19 grams ang protein intake sa araw-araw.
Ang mga pagkaing good source of protein na mai-eenjoy ng iyong anak ay ang mga sumusunod:
- home-made chicken and cheese pizza
- yogurt parfait with layers of fruit
- grilled cheese sandwich
- scrambled eggs with cheese
- tuna sandwich
- peanut butter and jelly sandwich
- pasta with chicken or turkey
- meatballs with pasta or in soup.
Fruit and vegetable group
Pagdating sa pagkain ng prutas at gulay mas mai-enjoy ito ng iyong anak kung isasama mo siya sa pagpe-prepare nito. Hayaan siyang tumulong sa kusina at obserbahan mo kung paano ito makakatulong sa language at math skills niya,
Ang mga bata sa ganitong edad ay nangangailangan ng hindi bababa sa 1 tasa ng prutas at 1.5 tasa ng gulay sa isang meal.
Grains
Ang iyong 6 na taon at 4 na buwang gulang na anak ay kailangan ng 4 ounces ng grains araw-araw. Ibigay ito sa kaniya sa pamamagitan ng mga ready-to-eat cereals o isang slice ng home-cooked na tinapay. O kaya naman ay ½ cup ng cooked pasta o cooked cereal.
Puwede ring bigyan siya ng oatmeal, quinoa, whole-wheat bread, popcorn o brown o wild rice. Siguraduhin lang na lilimitahan siya sa pagkain ng mga refined grains tulad ng white bread, pasta at kanin.
Sa kabuuan ay narito ang mga kailangang pagkain ng iyong anak sa araw-araw:
Fruits: three cups para sa lalaki; three cups para sa mga babae
Vegetables: two cups para sa lalaki; two cups para sa mga babae
Grains: four ounces para sa mga lalaki; four ounces para sa mga babae
Proteins: 36g para sa lalaki; 36g para sa babae
Milk: 17-20 ounces para sa lalaki; 17-20 ounces para sa babae
Water: 1500 ml para sa lalaki; 1500 ml para sa babae
Parenting Tips
- I-introduce ang mga fruits at vegetables sa iyong anak bilang snack. Mabuting maglagay ng nahiwa at nahugasang fruits at vegetables sa inyong ref na agad makikita ng iyong anak.
- Mag-serve ng salad para sa iyong anak ng mas madalas.
- Maglagay ng maraming gulay sa meat at pasta sauces.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay:
- Sobrang mababa o mabigat ang timbang para sa kaniyang edad.
- Nasusuka sa tuwing kumakain.
Vaccinations and Common Illnesses:
Halos lahat ng bakunang kailangan ng iyong anak ay naibigay na sa edad niyang ito. Ngunit mabuting makipag-usap parin sa iyong doktor upang makasigurado. Dahil may mga bakunang tulad ng flu shot na kailangang naibibigay sa kaniya ng regular.
Sa ganitong edad ay mas marami naring oras ang iyong anak sa eskwelahan kaysa sa inyong bahay. Kaya naman asahang maari siyang mahawa sa mga sakit rito tulad ng sipon at ubo. I-encourage siyang magsabi agad sayo kung hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. At bantayan ang mga rashes na lumalabas sa kaniyang katawan.
Treating Common Illnesses
Para malunasan ang mga tatlong sakit na madalas na nakukuha ng mga bata sa edad na ito, narito ang mga maaring gawin:
Lagnat:
Subukan muna ang mga home remedies kung may lagnat na 38°C (100.4°F) pataas ang iyong anak. Gawin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tuwalyang may maligamgam na tubig sa kaniyang noo. Damitan rin siya ng preskong kasuotan para lumabas ang init sa kaniyang katawan. Siguraduhin rin siya ay nakakain ka ng maayos at nakakainom ng sapat na dami ng tubig.
Kung hindi parin bumaba ang lagnat niya ay magpakonsulta na sa inyong doktor. Mahalagang tandaan na huwag painumin ng aspirin ang iyong anak. Dahil sa ito ay napatunayang nagdudulot ng Reye’s syndrome, isang delikadong sakit na nakakaapekto sa utak at atay.
Ubo:
Subukan rin ang home remedies sa pagbibigay lunas sa ubo. Gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng half teaspoon ng honey sa iyong anak. Dahil ang honey ay high in antioxidants.
Puwede mo ring subukang bigyan ang iyong anak ng chicken soup dahil mayroon itong anti-inflammatory properties. At nakakatulong rin ito upang lumuwag ang kaniyang paghinga. O kaya naman ay gumamit ng cool-mist humidifier sa kwarto ng iyong anak. Nakakatulong ito para maibsan ang chest at nasal congestion lalo na sa gabi.
Sipon:
Ang sipon ay madalas na gumagaling sa loob ng ilang araw. Pero makakatulong ang pagpapa-inom ng maligamgam na juice o decaffeinated tea with honey sa iyong anak para mas mapabilis ang paggaling nito. O kaya gumamit ng dehumidifier at bahagyang itaas ang ulo ng iyong anak gamit ang unan sa tuwing siya ay matutulog sa gabi. Ito ay upang hindi siya mahirapang huminga.
Ngunit kung ang mga home remedies na ito ay hindi umepekto sa sakit ng iyong anak ay magpakonsulta na sa doktor. Ito ay para makapag-reseta sila ng gamot na maaring makapagpagaling sa iyong anak.
Kailan dapat makipag-usap sa iyong doktor
Kapag ang iyong anak ay:
- May lagnat na higit sa 39 degrees Celsius
- May mga kakaibang rashes o bukol sa kaniyang katawan.
- Lagi siyang nagrereklamo na masakit ang kaniyang ulo o ibang parte ng katawan.
- Sumusuka o nagtatae ng higit sa dalawang araw na.
References: WebMD, CDC, Webmd, Kidshealth, MSF
Nakalipas na buwan: 6 years 3 months
Susunod na buwan: 6 years 5 months
Child development and milestones: Your 6-years-6-months old
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!