Kapag sinabi ng mga doktor na huwag mag-iwan ng kung anu-anong bagay sa loob ng katawan, kailangan itong seryosohin, lalo na pagdating sa sex toys. Syempre, ang mga sex toys ay ipinapasok sa loob ng katawan, ngunit hindi ito dapat iniiwan ng 10 taon!
May isang pambihirang kaso ng mga doktor na mayroong sex toy na natagpuan sa loob ng isang babae! Ayon s New York Post, ginagamot nila ang isang 38 anyos na babae para sa ibang karamdaman.
Nagpunta siya sa doktor dahil siya ay nanghihina, at bumababa ang kaniyang timbang. At nang gumawa ng test ang mga doktor, may natagpuan silang nakakagulat.
Posibleng ikinamatay niya ang sex toy kung hindi ito agad nahanap. | Image: Journal of Sexual Medicine [screengrab]
Sex toy na natagpuan sa loob ng babae, 10 taon nang hindi tinanggal!
Nakahanap ang mga doktor ng isang sex toy na 5 pulgada ang haba. Ayon sa kanila, posible raw itong ikamatay ng babae kung hindi ito agad naagapan.
Ang nararamdaman daw niyang sintomas ay dahil sa naiwang sex toy sa kaniyang ari, sabi ng mga doktor.
Mayroon din daw siyang urinary blockage, at vesicovaginal fistula, isang kondisyon kung saan ang ihi ay napupunta sa loob ng vainga. Aray!
Ayon sa babae, naalala daw niyang gumamit ng sex toy nang makipagtalik siya ng lasing sa isang partner mahigit SAMPUNG TAON na ang nakalipas. Dagdag pa niya na hindi raw niya maalala kung tinanggal niya ito.
Sex toy natagpuan sa loob ng katawan: Ano ang masamang epekto nito?
Matapos tanggalin ang sex toy sa kaniyang ari, ay bumuti agad ang kaniyang pakiramdam.
Iniulat pa nga ang kaso sa Journal of Sexual Medicine. Heto ang sabi nila: “This case describes an extremely rare but potentially life-threatening case of obstructive uropathy caused by a chronically retained sex toy and adds to the list of potentially rare causes of a vesicovaginal fistula.”
Sa journal, may mahigit 40 pa na ibang kaso ng mga bagay na ipinasok sa ari, isa na rito ay isang spray cap na ginamit sa contraception, isang hairspray cap, plastic cup at laruan ng bata.
Mga tips kapag gagamit ng sex toys
- Hugasan itong mabuti pagkatapos gamitin.
- Gumamit ng mga toys na gawa sa non-porous material.
- Hugasan palagi ang sex toy bago ipasok sa iyong katawan.
- Huwag bumili ng sex toy kung saan saan, bumili lang sa isang mapagkakatiwalaang kumpanya.
- HUWAG itong iwan sa loob ng katawan.
Ito na talaga ang pinaka-kakaibang kaso na nabalitaan namin tungkol sa isang sex toy!
Basahin: Father uses sex toy to put his baby to sleep!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!