Ayon sa isang pag-aaral, ito umano ang epekto ng pandemya sa mga bata.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang epekto ng pandemya sa mga bata.
- Paano matutulungan ang iyong anak.
Epekto ng pandemya sa mga bata
Love photo created by freepic.diller – www.freepik.com
Mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic, ay napakalaki ng pagbabagong nangyari sa ating mga buhay. Marami ang nawalan ng trabaho, hindi makalabas at hindi magawa ang mga dati na nating nakasanayang gawin.
Marami nga sa atin ang nakaranas ng stress at anxiety. Hindi lang para sa kaligtasan ng ating pamilya mula sa sakit, ngunit pati narin kung paano makaka-survive sa hirap ng buhay sa ngayon.
Ayon sa isang pag-aaral, hindi lang tayong mga matatanda ang apektado ng nagaganap na pandemya. Sapagkat pati mga bata umano ay labis na apektado sa kumakalat na sakit na kung hindi natin sila matutulungan ay baka magdulot ng mas malaking problema habang lumalaki sila.
Ano ang epekto ng pandemya sa mga bata? Ayon sa pag-aaral, pati mga older children na edad hanggang walang taon, nagta-tantrums na rin na parang dalawang taong gulang na bata.
Ito ang natuklasan ng pag-aaral na may titulong “Children of the 90s” na 30 years ng isinasagawa sa Avon, England.
Ayon sa isang pag-aaral
Ang Children of the 90s o kilala rin sa tinatawag na Avon Longitudinal Study of Parents and Children o ALSPAC ay sinimulang gawin noong 1991 at 1992 sa higit sa 14,000 pregnant women sa England.
Mula noon hanggang sa ngayon ay sinundan ang mga buntis na babaeng nag-enroll sa nasabing pag-aaral. Sinubaybayan ang mga pagbabago sa buhay nila. Pati na ang development ng kanilang mga anak na ngayon ay malalaki na may sarili naring pamilya.
Base sa pagsubaybay sa buhay ng mga pamilyang kabilang sa pag-aaral nitong pandemya, may napansin ang mga researcher na nabanggit na pagbabago sa mga ugali ng mga school-aged children hanggang walang taong gulang. Ang mga ito ay tila naging maliliit na bata ulit at nagta-tantrums na parang dalawang taong gulang na bata.
Camera photo created by freepik – www.freepik.com
Mga malalaking bata nagta-tantrums na rin!
Isang halimbawa nga rito ay ang ipinakitang ugali ng mga anak ni Caroline Melville mula sa Bristol.
Kuwento ni Caroline na may anak na sina Pippa, 7yo, Elsie, 6yo at Arlo, 4yo, noong una ay nai-enjoy nila ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
Ito ay dahil mas nagkaroon sila ng oras bilang isang pamilya. Pero nang bumalik na sa trabaho ang mister niya ay tila nagbago ang ugali ng mga anak niya.
Ang mga anak niyang babae umano na sina Elsie at Pippa ay nag-behave na sila ay parang mga maliliit na bata. Nagpapadyak ang mga ito ng paa nila at nagsisigaw. Ayaw din umano ng mga ito na gawin ang bagay na alam naman na nilang gawin noon.
Gaya ng pagbibihis sa kanilang sarili at pagba-brush ng kanilang ngipin. Nahirapan nga rin umano siyang kumbinsihin ang mga ito na lumabas at magbalik sa pag-aaral, simula ng ma-lift na ang lockdown sa kanilang lugar.
Pagkukuwento ni Caroline,
“They usually love running around outside and climbing trees. They didn’t want to go out at all. Going back to school was an emotional rollercoaster. It was quite overwhelming to begin with. But they love it now. I feel they have bounced back. I just hope we don’t go back into lockdowns.” (Kadalasan hilig nila ang pagtakbo sa labas at pag-akyat sa mga puno. Pero ngayon ayaw na nilang lumbas. Ang pagbabalik na school ay isang emotional rollercoaster ride. Napaka-overwhelming nito sa simula. Pero gusto na nila ito ngayon. Pakiramdam ko nag-bounce back na sila. Hangad ko lang na hindi na ulit magkaroon ng lockdown.)
Caroline Melville and her family/ Image from The Guardian
BASAHIN:
Mga eksperto nakatuklasan ang paraan para ma-manage ang tantrums ng mga bata
6 paraan para pakalmahin ang anak mo kapag may tantrums
‘Magic words’ na maaaring gamitin para matigil ang tantrums
Paliwanag ng pag-aaral
Ayon sa mga researcher ng ginawang pag-aaral, ang mga ipinakitang behavior ng anak ni Caroline ay palatandaan ng emotional distress sa mga bata.
Ito umano’y madalas na ipinapakita ng mga batang edad 2 taong gulang o nasa kanilang terrible twos stage na lubhang nakakabahala. Sapagkat kung hindi matutulungan ang isang bata, maaaring maging balakid ito sa kaniyang emotional development at magdulot ng long-term consequences habang siya ay lumalaki.
“Our findings suggest that primary school children may have emotional difficulties at the level expected during the ‘terrible twos’. This could reflect a delay in emotional development that, if not supported, may far outlive the pandemic and have long-term consequences for this generation of children.” (Ang minumungkahi ng aming pag-aaral na ang mga primary school children ay maaaring may emotional difficulties; na tila pang dalawang taong gulang o ‘terrible twos’. Maaari mag-reflect ito ng isang delay sa emotional ng isang bata. Lalo na kung hindi ito nasusuporthan ngayong pandemic. Maaaring magkaroon ng long-term consequences ito henerasyon ng mga bata ngayon.)
Ito ang pahayag ni Rebecca Pearson. Siya ay isang senior lecturer ng psychiatric epidemiology sa University of Bristol, UK at bahagi ng ginawang pag-aaral. Dagdag pa niya, ito ang ang epekto ng pandemya sa mga bata na may malaking banta sa mental health nila.
Paano matutulungan ang iyong anak?
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels
Sa ganitong pagkakataon ay may mga hakbang naman na maaring gawin tayong mga magulang para matulungan ang ating mga anak.
Ayon sa WHO o World Health Organization, napaka-laking bagay na ibinibigay nating atensyon at pagmamahal sa kanila.
Dapat rin ay hayaan natin silang magsalita tungkol sa kanilang nararamdaman at pakinggan ang mga ito. Bigyan din dapat sila ng oras na mag-relax at mag-laro.
Hangga’t maaari ay hindi dapat sila nalalayo sa ating tabi o sa sinumang adult na kanilang masasandalan o mapagtatanungan. Dapat din ay mabigyan natin sila ng tamang paliwanag tungkol sa mga nangyayari.
Ito ay para magkaroon sila ng understanding at masagot ang kanilang mga tanong. I-assure din dapat sila na magiging maayos rin ang lahat at babalik rin sa tayo sa dati.
Tandaan, ang ating mga anak ay natututo mula sa atin. Tayo ang tinitingnan nilang halimbawa. Kaya naman para mas matulungan silang makacope-up sa nararanasang emotional distress ngayong pandemic ay kailangang simulan nating gawin ito sa ating sarili.
Bagama’t mahirap, ay dapat manatili tayong positibong mag-isip. Ang lahat ng ito ay lilipas at tayo ay magbabalik rin sa normal tulad ng dati.
Source:
The Guardian, WHO
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!