Nakakaranas ka ba ng panghihina? Pananamlay? Laging pagod at walang gana kumain ngayong nagbubuntis? Baka senyales na 'yan mommy ng kakulangan sa iron sa katawan. Kaya naman narito ang top 5 ferrous sulfate para sa buntis at nagpaplanong magbuntis.
Bilang isang nanay, ang pagbubuntis ang isa mga yugto ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Lalo na ang ating katawan. Siguraduhing sapat ang nutrients ang nakukuha ng ating katawan upang mapangalaan hindi lamang ang ating kalusugan, maging ng ating mga dinadalang sanggol.
[caption id="attachment_405284" align="aligncenter" width="670"] Karaniwan sa mga buntis ngayon ang nagkakaroon ng Anemia. Kaya naman pinapayuhan ng mga doktor na uminom ng ferrous sulfate para sa buntis. (Larawan mula sa iStock)[/caption]
Bukod sa masusustansyang pagkain, pangunahing pangangailangan ng ating katawan ang vitamins o food supplement kapag nagbubuntis. Isa na rito ang Iron. Ang iron ay nagsusuplay ng hemoglobin o red blood cells na nagdadala ng oxygen sa tissues ating katawan. Ito rin ang pangunahing pangangailangan ng mga taong may Anemia o nagbubuntis.
Ang pag-inom ng ferrous sulfate para sa buntis ang isa sa payo ng mga doktor
May mga pagkaing nagtataglay ng Iron na maaari ring kainin ng isang buntis o nagbabalak magbuntis. Ang mga ito ay malunggay, talbos ng kamote, saluyot, alugbati, kangkong, spinach, dahon ng gabi, broccoli, red meat, talaba, tahong, clam, garbanzos, soybeans, tokwa, white beans, lentils, dark chocolate, tuna, at iba pa. Kung hindi naman sasapat ang iron na nakukuha sa pagkain, ang ferrous sulfate ay iron rich supplement ang pinakamagandang pamalit nito.
[caption id="attachment_405285" align="aligncenter" width="670"] Mga Pagkain na nagtataglay ng Iron o Ferrous Sulfate para sa buntis (Larawan mula sa iStock)[/caption]
Ayon sa pag-aaral, nasa 50% ng mga buntis ang kinukulang sa Iron sa katawan. Kung kaya’t hinihikayat ng mga OB nila na kumain ng pagkaing may sapat na Iron o uminom ng ferrous sulfate para sa buntis upang matugunan ang iron deficiency sa kanilang katawan. Nasa ibaba ang list ng Top 5 ferrous sulfate para sa buntis at nagpaplanong magbuntis.
[product-comparison-table title="Top 5 Ferrous Sulfate Para sa Pagbubuntis"]
Foralivit Capsules
Formulation and Uses:
Bukod sa Ferrous Sulfate para sa buntis, isa rin folic acid sa kinakailangan ng katawan ng mga nagbubuntis, ito ang iniinom upang maiwasan ang birth defect sa mga sanggol. Ito rin ang kinakailangan para sa brain at spine development ng mga sanggol.
Ang Vitamin B-complex naman ay binubuo ng mga sumusunod:
- Thiamin- para sa maayos na function ng organs sa katawan
- Riboflavin- para sa breakdown ng fats sa katawan
- Niacin- para sa malusog na balat, nerves, at maayos na panunaw ng katawan
- Pantothenic acid- para sa maayos na brain at nervous system
- Pyridoxine- para sa pagbuo ng bagong red blood cells at sa pagpapalakas ng immune system
- Biotin- para sa malusog at matibay na buhok
- Cobalamin- para rin sa pagbuo ng red blood cells sa katawan
Dosage:
Isang capsule sa loob ng isang araw o mas makabubuting sumangguni sa inyong doktor.
Price: ₱180
United Home Fersulfate
Formulation and Uses:
Ang United Home Fersulfate ay noon pa man isa sa mga over the counter na iron supplement na mabibili sa mga botika. Isa sa pangunahing gamit nito ay ang paggamot sa mga taong may Iron Deficiency Anemia o IDA. Ang IDA ay mataas ang porsyento sa mga taong nagbubuntis. Kaya naman madalas itong nirerekomenda sa mga buntis o nagbabalak magbuntis. Nirerekomenda rin ang produktong ito sa mga nagpapadedeng nanay.
Dosage:
Isa o dalawang tableta sa loob ng isang araw o sumunod sa payo ng doctor.
Price: ₱157
BASAHIN:
5 Yoga positions na safe para sa buntis
Postpartum essentials: 6 best maternity pads in the Philippines
Gusto mo ba mabuntis? Mag-take ka ng mga vitamins na ito!
Sangobion Iron+ Capsules
Formulation and Uses:
Ito rin ay may ascorbic acid o Vitamin C para sa growth at development ng katawan. Bukod dito, mayroon rin itong manganese sulfate, copper sulfate, cyanocobalamin, sorbitol, at folic acid. Kaya naman hindi lamang sa mga buntis ito pinapayong inumin, maging sa mga nagpaplanong magbuntis pa lamang.
Dosage:
Isa hanggang dalawang capsule bago o pagkatapos kumain sa loob ng isang araw. Sa mga taong may mahinang sikmura, pinapayo na isabay ito habang kumakain. Para sa sapat na dosage, mas nakabubuting sumangguni muna sa inyong doktor.
Price: ₱272 - ₱377
Stresstabs
Formulation and Uses:
Ang Stresstabs ay gawa sa multivitamins at iron. Kabilang na dito ang mga sumusunod:
- Iron- producer ng red blood cells sa katawan at ginagamit na panggamot sa taong may Anemia
- Vitamin C-para sa pagbuo ng collagen, mabilis na pag-absorb ng iron, pagpapatibay ng immune system, mabilis na paggaling ng mga sugat, at pagpapatibay ng cartilage, buto, at mga ngipin
- Vitamin E- nakakatulong sa pagtunaw ng fats sa katawan at antioxidant
- B-complex Vitamins (B1, B2, B6, B12, Biotin, Nicotinamide, Pantothenic Acid, and Folic Acid – mga na may iba’t ibang function na makakatulong sa katawan
Dosage:
Magpacheck up sa inyong doktor muna kung iinom ng Stresstabs at sundin lamang ang dosage na ibibigay sa inyo.
Price: ₱320
Iberet Folic
Formulation and Uses:
Ang Iberet Folic 500 ay mayroong iba’t ibang vitamins at nutrients bukod sa ferrous sulfate. Mayroon itong mga sumusunod:
- Ferrous Sulfate- may 525mg o katumbas ng 105mg ng iron, ginagamit ito ng mga taong may Iron Deficiency Anemia o IDA
- Calcium Pantothenate- ito ang kailangan ng mga taong may vitamin B deficiency, ginagamot din ito ng mga taong may Osteoporosis
- Folic Acid- nakatutulong sa brain development ng sanggol sa sinapupunan
- Niacinamide- nagbibigay ng proteksyon para sa malusog na balat
- Vitamin C- para sa malusog na pangangatawan at nagpapalakas ng immune system
- Thiamine- para sa mayroong digestive problem, nagpapalakas rin ng immune system
- Riboflavin- nagtutunaw ng taba sa katawan
- Pyridoxine- tumululong sa paggamit at store ng energy na galing sa protein at carbohydrates na nagmumula sa pagkain
- Cobalamin- kinakailangan sa pagbuo ng red blood cells, sa pagpapagana ng nerve at sa production ng DNA sa katawan.
Dosage:
Isang tableta sa isang araw o sumangguni muna sa inyong doktor para sa mas maayos na paliwanag.
Price: ₱30
[caption id="attachment_405286" align="aligncenter" width="670"] Ferrous Sulfate para sa Buntis (Larawan mula sa iStock)[/caption]
Ang pag-inom ng ferrous sulfate para sa buntis ay nangangailangan ng payo mula sa mga eksperto. May mga medical condition ang isinasang-alang-alang ng mga doktor kung papainumin ng ferruos sulfate ang isang buntis o nagpaplano magbuntis. Dumadaan sa laboratory test ang isang buntis bago payuhan ang pag-inom ng mga ganitong produkto.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.