Ang Fluorosis ay kondisyon na may kinalaman sa itsura ng ipin, ngunit wala itong epekto sa kalusugan. Nangyayari ito kung may overexposure sa fluoride sa unang walong taon ng bata, kung kailan tumutubo ang permanent teeth.
Mapapansin na iba ang kulay ng ipin kung mayroong fluorosis. Maaaring mayroong puting linya sa ipin, ngunit made-detect lang ito ng dentista.
Kung malala na ang fluorosis, maaaring magkaroon ang ipin ng:
- Mantsa na may kulay mula dilaw hanggang dark brown
- Irregularities sa surface
- Kapansin-pansing pits o nakalubog na bahagi
Ang fluorosis ay pinakamadalas mangyari sa mga bata edad 12 hanggang 15. Sa Amerika, isa sa bawat apat na tao edad 6 hanggang 49 ay nagkakaroon nito. Ang karamihan ay maituturing na mild cases, nasa dalawang porsiyento ang may moderate cases, at hindi hihigit sa isang porsiyento ang may malalang kaso nito.
Bagamat hindi sakit ang fluorosis, ang mga epekto nito ay maaari itong magdulot ng psychological distress at mahirap gamutin. Bilang magulang, mas mabuting maging mapagmatiyag upang maiwasan ang kondisyon na ito.
Sanhi ng fluorosis
Ang madalas na sanhi nito ay ang hindi wastong paggamit ng dental products na may fluoride, tulad ng toothpaste at mouth washes. May mga pagkakataong nilulunok ng mga bata ang kanilang toothpaste imbis na idura, dahil gusto nila ang lasa nito.
Bukod dito, may iba pang sanhi ang fluorosis, tulad ng labis na pag-inom ng fluoride supplement habang bata pa. Kung niresetahan ng doktor ang iyong anak nito, siguraduhing ipainom lamang ang tamang dosage na nasa reseta.
Kung hindi naman niresetahan ng doktor, maaaring sapat na ang pag-inom ng fluorinated drinking water, at fruit juices at drinks na fluoride-fortified upang hindi magkaroon ng fluorosis ang iyong anak.
Sintomas
Ang ilan sa mga sintomas ng fluorosis ay maliliit na puting marka o linya na hindi gaanong mapapansin, o dark brown na mantsa sa ipin, at enamel na magaspang at may mga lubog kaya mahirap linisin. Ang malusog na ipin ay makinis at pale, creamy white and kulay.
Narito ang categories ng mga dentista upang malaman kung gaano kalala ang fluorosis:
Questionable. May kaonting pagbabago sa enamel mula sa kaunting white flecks hanggang sa iilang white spots.
Very mild. Kung sa 25 porsiyento ng tooth surface ay may nagkalat na opaque, paper-white areas.
Mild. Kung mas malaking bahagi (ngunit di lalampas sa 50 porsiyento) ng tooth surface ay mayroong opaque, white areas.
Moderate. Kung higit sa 50 porsiyento ang apektado.
Severe. Kung kabuuan ng enamel surface ang apektado. Marami na ring pits sa ipin.
Lunas
Kadalasan ay mild lamang ang mga kaso ng fluorosis at hindi na kailangang gamutin, o kaya naman ay pawang mga back teeth lamang ang apektado kaya hindi na ito nakikita.
Kung moderate o severe naman ang fluorosis, ang ina-address ng mga lunas ay upang maitago ang mantsa sa ipin.
Ang mga techniques na ginagamit ay:
- Teeth whitening at iba pang procedures upang matanggal ang surface stains. Tandaan lamang na ang teeth bleaching ay maaaring pansamantalang palalain ang itsura ng fluorosis.
- Bonding
- Crowns
- Veneers
- MI Paste, produktong may calcium phosphate na kadalasang ginagamit kasama ng microabrasion upang mabawasan ang tooth discoloration.
Paano maiwasan ang fluorosis:
Itanong sa inyong water provider kung mayroon at kung gaano karami ang fluoride content ng inyong drinking water. Kung galing naman sa deep well o bottled water ay maaari itong ipa-analyze. Kung alam mo ang fluoride content ng iniinom ninyong tubig, maging ng fruit juices o soft drinks, maaaring ikonsulta sa doktor o dentista kung kailangan pang bigyan ng fluoride supplement ang iyong anak.
Sa bahay, ilayo sa mga bata ang toothpaste, mouth wash, at iba pang produkto na may fluoride. Ang pag-ingest ng maraming fluoride sa maikling panahon ay maaring magdulot ng pagsusuka, diarrhea, at pananakit ng tiyan.
I-monitor din ang paggamit ng fluoride toothpaste ng iyong anak. Maglagay lamang ng pea-sized amount sa toothbrush, at turuang idura ito pagkatapos magsipilyo imbis na lunukin. Piliin din ang toothpaste na walang flavor upang hindi niya maisip na lunukin ito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Source: Web MD
Basahin: 10 home remedies para sa namamagang ngipin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!