X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Inakalang sore eyes ng baby, herpes na pala

3 min read
Inakalang sore eyes ng baby, herpes na palaInakalang sore eyes ng baby, herpes na pala

Ayon sa ina ng sanggol, akala niya ay simpleng kaso lang ng sore eyes ang karamdaman ng anak, yun pala ito na ay herpes ng baby.

Isang ina ang nagbahagi ng kuwento ng kanilang baby, matapos nilang malaman na ang inaakala nilang sore eyes, ay herpes ng baby na pala. Ating alamin kung paano ito nangyari, at ano ang mga sintomas na dapat alamin ng mga magulang.

Sore eyes, herpes ng baby na pala

Kuwento ng inang si Sophie Lebner, napansin raw niya na tila ay nagluluha ang mata ng kaniyang 8-week-old baby na si Lottie. Inakala niya na simpleng sore eyes lang ito, kaya't bumili sila ng eye drops para ilagay sa mata ni Lottie.

Ngunit noong sumunod na araw ay nagkaroon ng mga mapulang dots sa paligid ng mata ang kaniyang baby. Sigurado raw siya na hindi ito sore eyes, kaya't nagpa-schedule siya ng appointment sa doktor. Busy raw ang schedule ng doktor, kaya't sa sunod na araw na ang naging appointment nila.

Kinahapunan, nagkaroon naman ng parang maliit na pimples ang kamay ni Lottie. Dahil dito, inisip ni Sophie na baka may HFMD (hand, food, and mouth disease) ang kaniyang anak. Matapos ang isang oras ay iyak raw ng iyak si Lottie, at hindi nila mapatahan. Inalam niya kung may lagnat ang bata, ngunit normal naman daw ang temperatura nito. Nagdesisyon na si Sophie na dalhin sa emergency room ang anak upang mapatingnan.

Wala raw silang dapat ipag-alala

Pagdating sa doktor ay sinabi sa kanila na wag raw silang mag-alala at mawawala rin ang pamumula matapos ang 10 araw. Wala naman raw lagnat ang bata, at hindi nanghihina, kaya't okay lang ito.

Pero nag-aalala pa rin si Sophie sa mata ng kaniyang baby, kaya't sinigurado niya sa doktor kung wala talagang problema. Dahil dito, kinausap ng doktor ang isang pediatrician, at ipinakita ang mga sintomas ni Lottie.

Matapos ang kalahating oras, dumating sa ospital ang pediatrician at tinanong kung mayroon raw sa kanilang nagkaroon ng cold sore kamakailan lang. Sabi ni Sophie na nagkaroon raw ang kaniyang asawa, at sinabi ng pediatrician na posibleng mayroong herpes simplex virus si Lottie.

Dahil dito, agad na binigyan ng mga antibiotic si Lottie at ipinasok sa ospital upang magamot. At tama nga ang hinala nila na may herpes ang bata.

Buti na lang raw at maaga pa lang ay napansin na nila ang sintomas nito, kaya't naagapan nila agad. Mabuti raw at dinala nila agad si Lottie sa ospital, at humingi ng second opinion sa pediatrician, dahil lubhang mapanganib ang herpes simplex para sa mga sanggol.

Sana ay magsilbing warning ito sa mga magulang na hindi dapat balewalain ang ganitong klaseng mga karamdaman.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: Kidspot

Basahin: 1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Inakalang sore eyes ng baby, herpes na pala
Share:
  • 1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

    1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

  • Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik

    Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • 1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

    1-taong gulang, nagkaroon ng herpes dahil sa halik

  • Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik

    Herpes simplex virus sa baby, galing daw sa isang halik

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.