12 na home remedy sa sakit ng sikmura na dapat mong malaman
Hindi biro ang sakit sa sikmura, kaya naman narito ang 12 na home remedy na maaaring subukan para maibsan ang sakit.
Hanap ang home remedy sa mahapdi ang sikmura? Madalas bang sumasakit ang sikmura mo? Narito ang 12 na home remedy sa mahapdi ang sikmura o sakit ng sikmura na maaaring mong gawin upang maibsan ang pananakit nito.
Talaan ng Nilalaman
12 na home remedy sa mahapdi ang sikmura o sakit ng sikmura
Umaatake ang hyperacidity kahit pa na normal ang asido sa iyong katawan. Ang pananakit ng tiyan dulot nito ay nakaaalarma, dahil maaari itong humantong sa iba’t ibang komplikasyon.
Kung mayroong mga tablet at capsule o medicinal na gamot para sa sakit ng tiyan, alamin naman natin kung ano ang mga natural na lunas sa acidic na sikmura na maiibsan ang pananakit ng tiyan at maiwasan ang panganib na dala nito sa ating digestive system.
Ito ang mga home remedy sa mahapdi ang sikmura o sa sakit ng sikmura na pwede mong subukan:
- Katas ng repolyo. Nakatutulong ito sa pagkontrol ng tamang acid na dumadaloy sa katawan isa sa mga home remedy sa sakit ng sikmura.
- Ginger o luya. Kaya ng luya ang pagpawi ng kahit anong sakit na nararamdaman sa katawan, isa na dyan ang pananakit ng tiyan. Mabisang panlaban din ito kung sakaling magkaroon ng impkesyon sa tiyan.
- Basil. Mayroong katangian ang basil na nakababawas ng acid sa ating mga tiyan, gayundin ang gas na siyang makapagpapatigil ng pananakit, pagdidighay at ilan samga sintomas ng sikmurang inaacid.
- Apple cider vinegar. Ang paglalagay ng isang kutsarang apple cider vinegar sa isang basong tubig ay nakatatanggal din ng sakit ng tiyan, hindi lamang ito makatutulong sa hyperacidity o acid reflux, nakatutulong din ito sa digestion.
- Baking soda. Ang baking soda ay subok na at ginagamit para gawing antacid. Ihalo ito sa isang basong tubig at maaaring inumin upang maibsan ang ilan sa mga sintomas na nararamdaman mula sa sakit ng tiyan.
- Coconut water.
- Chamomile tea. Tulad ng tulong na naibibigay ng basil, ganoon din ang chamomile tea na siyang nakakapagrelieve ng mga gas pain o hangin sa tiyan.
- Lime o Lemon water. Iwasan ang pag-inom ng puro at hangga’t maaari kakaunti lamang ang ilalagay na lemon at hindi ganoon katapang ang pagtitimpla ng lemon water.
- Aloe vera juice. Nagpapagaling ito ng hyperacidity at ilang problema sa ating digestive system. Kumuha ng katamtamang laki ng aloe vera, balatan at ihalo sa tubig, inumin ito araw-araw
- Cloves
- Honey
- Cumin
Lagi pa ring tatandaan, mayroong mga medicinal na gamot at natural na lunas para sa acidic na sikmura, mas mainam pa rin ang pagkonsulta sa inyong mga doktor upang masiguro ang lagay ng kalusugan.
Kailan dapat tumawag sa doktor?
Kung ikaw ay mayroon ng mga saumusunod na sintomas, tumawag agad sa iyong doktor.
- Ang iyong heartburn symptoms ay mas madalas o mas malala.
- Nahihirapan o masakit kapag lumulunok, lalo na kapag solid foods o pills.
- Nagdudulot ng pagduduwal o pagsusuka (lalo na kapag nagsusuka ng dugo)
- Ikaw ay nakakaranas ng hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang na may kasamang heartburn.
- Hindi gumagaling na ubo, nabubulunan o tingin mo ay may bukol sa iyong lalamunan.
- Kung ikaw ay nagamit ng OTC antacid medications nang higit sa dalawang linggo (o mas matagal pa), at nananatili pa rin nag sintomas ng heartburn.
- Mayroon pa ring mga sintomas kahit uminom na ng prescription o nonprescription drugs.
- Mayroong chronic wheezing o hingal, o lumalala ang asthma.
- Nakakaapekto na ito sa iyong lifestyle o pang-araw-araw na gawain.
- Nakakaranas ng pananakit sa dibdib na may kasamang pananakit ng leeg, panga, bisign o binti; nauubusan ng hininga, nanghihina, iregular na pulso, o pagpapawis.
- Nakakaranas ng malalang sakit ng tiyan.
- Nakakaranas ng diarrhea o itim o madugo ang inilalabas na dumi.
Mga pagkain na pwede sa acidic
Matapos malaman ang mga pagkaing bawal sa acidic, isa-isahin naman natin ang mga pagkain pwede sa acidic. Ang mga pagkain din sa listahan na ito ay makatutulong para maibsan ang heartburn na dulot ng acid reflux.
1. Watery foods
Makatutulong sa pagbabawas ng stomach acid ang mga pagkaing matutubig tulad ng celery, lettuce, watermelon, borth-based soups, herbal tea, at pipino. Sa pamamagitan ng pagkain ng mga ito nadi-dilute at napapahina ang epekto ng acid sa sikmura.
2. Alkaline foods
Ayon sa Hopkins Medicine Org., ang pH scale ay indicator ng acid levels. Kapag mababa ang pH level ibig sabihin ay acidic ang pagkain at nagdudulot ng acid reflux. Kapag mataas naman ang pH level ay makatutulong ito para maibsan ang matinding stomach acid. Ilan sa mga pagkaing may alkaline o mataas ang pH level ay ang saging, mani, fennel, cauliflower at melon.
3. High-fiber foods
Makatutulong ang mga pagkaing mayaman sa fiber para maiwasan ang pag-o-overeat. Bukod pa rito, helpful din ito sa digestion. Makatutulong din sa maayos na pagtunaw ng mga kinain at maiwasan ang constipation.
Ilan sa mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang oatmeal, couscous, at brown rice na whole grain. Dagdag pa rito ang mga root vegetables tulad ng kamote, carrots, at beets. Gayundin ang mga berdeng gulay na tulad ng asparagus, green beans, at broccoli.
4. Puti ng itlog
Mabuti rin ang pagkain ng egg white kapag may acid reflux. Limitahan naman ang pagkain ng egg yolk dahil mataas ang fats nito at maaaring maka-trigger ng sintomas ng reflux.
5. Lean meats at seafood
Ang pagkain ng lean meats tulad ng karne ng manok. Turkey, isda, at seafood ay makatutulong para maibsan ang sintomas ng acid reflux. Ang mga pagkaing ito ay mababa ang fat level.
6. Healthy fats
Kung dapat iwasan ang mga pagkaing may mataas na fats tulad ng mga pritong pagkain at egg yolk, mayroon namang mga pagkain na may healthy fats. Ang mga pagkaing may healthy fats ay makatutulong sa taong acidic para mabalanse ang acid sa sikmura. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang avocado, olive oil, sesame oil, sunflower oil, walnuts, at flaxseed. Ang mga nabanggit na oil ay maaaring ihalo sa nilutong pagkain.
Tandaan
Mahalaga alamin ang mga pagkaing nakaka-trigger sa iyong acid reflux at simulan na iwasan ang pagkain ng mga ito. Magkakaiba ang food triggers ng bawat indibidwal, kaya mahalagang alamin ang sariling food triggers para maiwasan ang acid reflux.
Para malaman ang individual triggers, mahalagang magkaroon ng food diary kung saan mo isusulat ang mga sumusunod: mga pagkaing kinain, anong oras ka kumain, at mga sintomas na naranasan matapos kainin ang specific na pagkain.
Tandaan na ang mga nabanggit na pagkain na pwede sa acidic ay hindi gamot sa inyong kondisyon. Makatutulong lamang ito para pansamantalang maibsan ang acid reflux. Mahalaga pa rin ang pagpapakonsulta sa doktor para malaman kung mayroon bang underlying issue na dapat pagtuunan ng medikal na atensyon.
Karagdagang impormasyon mula kay Shena Macapañas, Jasmin Polmo at Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.