Nag-viral sa social media ang larawan ng bedroom para sa mga OFW na inilaan ng isang employer sa Hong Kong. Anu-ano nga ba ang karapatan ng isang Hong Kong domestic helper patungkol sa titirahan nito habang nagtratrabaho.
Kwarto para sa mga Hong Kong domestic helper viral sa social media
Naging usap-usapan sa social media ang kwarto na inilaan umano ng isang employer sa Hong Kong para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Makikita kasi sa larawan na ipinaskil ng Monkey Home Online Store kung gaano kaliit at kakipot ang umano’y tulugan na nakalaan para sa mga OFW.
Umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing larawan. Ang ilan pa sa mga ito ay nagbahagi rin ng kanilang karanasan bilang OFW.
Saad ng isang netizen, okay lang naman daw ang ganoong kaliit na higaan kaysa naman matulog sa sofa na nadadaanan ng ibang tao. Ang mahalaga umano ay mababait ang amo at okay ang mga pagkain.
“Okey lang nmn sakin. Kesa matulog sa sofa na nadadaanan nila. At okey lang dahil mabait nmn sila. Okey ang food at nakakaintindi sila. Kaya intindihin din sila kaya sila nsa ganyan bahay dahil sa yun din lang kaya nila. Pwedeng hindi sila ganun kayaman. Basta ang sa akin mabait sila.”
Larawan mula sa Monkey Home Online Store
Saad naman ng isa, “Halos ganyan kwarto ko ang liit tapos nasa taas pa talaga may sarili akong fan,ang mahalga mababait amo ko at sobra sobra foods ko.”
Mayroon din namang negatibong komento ukol dito.
Ayon sa isang netizen, “It’s better to put a mattress on the floor rather than to sleep in that my god what do you think helpers not human being. Before the helper use the bed let the employer first to try let’s see what they will feel.”
Segunda pa ng isa dapat daw ay hindi inaprubahan ng immigration ang ganitong set-up.
Batas para sa mga foreign DH sa Hong Kong
Isa sa pinakakaraniwang trabaho ng mga OFW sa Hong Kong ay ang pagiging domestic helper. Alam niyo ba na kapag foreign domestic helper ka sa Hong Kong, inuutos ng batas na dapat na paglaanan ka ng iyong employer ng free accommodation o libreng matitirahan. Kailangan na kasama ka sa bahay ng iyong magiging amo.
Bukod sa free place to stay, libre din dapat ang paggamit ng kuryente at tubig. Wala namang nasasaad na batas tungkol sa kung gaano kaliit o kalaki ang dapat na ilaan na kwarto para sa mga domestic helper sa Hong Kong. Pero dapat tandaan na bawal ang live-out domestic helper sa Hong Kong.
Larawan mula sa Shutterstock
Noong 2003 ay ikinasa ang batas kung saan ay pinagbabawalan ang mga foreign domestic helpers na mag live out sa kaniyang employer. Ang layunin umano ng batas na ito ay mabigyan ng proper accommodation ang mga domestic helper. Sa kabila ng high property value sa bansa.
Narito pa ang ilang dapat tandaan kung ikaw ay nagplaplano na maging domestic helper sa Hong Kong ayon sa website ng Immigration Department ng Hong Kong:
- Hindi dapat na i-require o payagan ng employer na magtrabaho ng non-domestic work
- Dapat din na hindi payagan na magtrabaho o magkaroon ng part time domestic duty para sa ibang tao ang fulltime, live-in employee.
Narito naman ang iba pang karapatan ng isang Hong Kong OFW na dapat mo ring malaman:
Libreng pagkain
Mayroong dalawang paraan para mabigyan ng libreng pagkain ang employee. Puwedeng magbigay ng food allowance ang employer sa OFW. O kaya naman ay mag-provide ng libreng ingredients upang makapagluto at makakain ang domestic helper.
Rest day
Tandaan na nirerequire din ng government ng Hong Kong na bigyan ng at least one full rest day kada linggo ang DH. Ibig sabihin, dapat na may 24 oras na pahinga ang DH sa loob ng one week.
Larawan mula sa Shutterstock
Medical Assistance
Mandated ng Labor Department ng Hong Kong na mag-provide ng libreng medical treatment para sa mga domestic helpers. Bukod pa rito, dapat na mayroon ding libreng dental treatment. At kapag nagka-injury o sakit ang isang DH kahit na hindi ito nangyari sa oras ng trabaho ay dapat pa ring ipagamot ito ng kaniyang amo.
Annual Leave
Karapatan din ng isang DH sa Hong Kong na magkaroon ng annual leaves. Nakadepende ang bilang ng leave sa kung gaano katagal ka na sa trabaho.
Travel expenses
Nakasaad din sa Standard Employment Contract na nilikha ng Department of Labor na required ang mga employer na magbayad ng airfare o pamasahe ng domestic worker kung babyahe ito mula Pilipinas patungong Hong Kong at pabalik sa Pilipinas.
Mommy and daddy, kung plano mo ring mag-apply bilang domestic helper sa Hong Kong. Mahalagang alam mo ang iyong mga karapatan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!