Mahalaga ang role na ginagampanan ng inunan ng bata sa pagbubuntis. Ito ay temporary organ na nabubuo sa matres ng ina kapag buntis. Nakakabit ito sa uterine wall at siyang nagbibigay ng nutrients at oxygen sa baby sa pamamagitan ng umbilical cord.
May mga pagkakataon din na ang kondisyon ng inunan ng baby ay posibleng magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis. Ano ang dapat gawin kapag mababa ang inunan ng baby?
Inunan ng buntis
Inunan ng bata English
Ang inunan ng buntis o inunan ng bata ay organ na tumutubo sa matres ng ina habang nagbubuntis. Sinusuportahan ng inunan ng bata ang development ng baby sa pamamagitan ng pagdadala ng nutrients at oxygen na dumadaan sa umbilical cord. Habang lumalaki ang baby, lumalaki rin ang organ na ito.
Inunan ng bata English o inunan ng bata in English
Placenta ang tawag sa inunan ng bata in English. Ayon sa Cleveland Clinic, kapag ang fertilized egg ay nag-implant sa iyong uterine wall, doon na madedevelop ang placenta.
Ang karamihan sa mga blood artery sa loob ng inunan ng bata ay matatagpuan sa “villi,” o tubular structures, at nakakabit ang mga ito sa sirkulasyon ng sanggol sa pamamagitan ng umbilical cord. Ang natitirang mga tisyu ng inunan ay kadalasang gumagana bilang tubo sa pagitan ng villi at ng pusod kung saan dumadaan ang dugo na nagbibigay sa sanggol ng oxygen at nutrisyon.
Kailan nabubuo ang placenta?
Ayon pa sa Cleveland Clinic, nabubuo ang inunan ng bata matapos na ang fertilized egg ay ma-implant sa uterus sa loob ng pito hanggang 10 araw ng pagbubuntis. Unti-unti rin itong lumalaki habang nabubuo ang baby.
Makalipas ang first trimester, ang role na ng placenta ay tumulong sa hormone productions at mag-provide ng nutrients sa baby. Sa sandaling ito, unti-unti na ring mawawala ang mga sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagduwal at morning sickness.
Kapag nag-take over na ang inunan ng bata sa pagbibigay ng nutrients sa baby, mahalagang tandaan na ang mga kinakain ng ina sa panahong ito ay maaari nang makaapekto sa sanggol. Lahat ng kinokonsumo ng ina ay makukuha na rin ng baby sa pamamagitan ng pagdaan sa umbilical cord.
Mga karaniwang problema sa inunan ng bata
Karaniwan namang maayos na nag-fufunction ang placenta sa maraming pagbubuntis. Kaya lamang mayroon ding mga sitwasyon kung saan ay nagdudulot ng problema ang kondisyon ng placenta. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
Ito ang tawag kapag mababa ang inunan ng bata. Kung mababa ang inunan ng bata, nababarahan o nahaharangan nito ang cervix o ang daanan ng sanggol. Karaniwan itong nangyayari sa first trimester ng pagbubuntis at unti-unti rin namang nagiging maayos habang lumalaki ang sanggol. Pero may mga pagkakataon na nananatili itong nakaharang sa opening ng uterus.
Sintomas ng mababa ang inunan
May mga pagkakataong walang mararanasang sintomas na mababa ang inunan. Malalaman na lamang ito sa pamamagitan ng routine ultrasound. Subalit may mga pagkakataon naman na ang placenta previa ay nagdudulot ng pagdurugo sa ari ng babae.
Posibleng magdulot ng severe bleeding o matinding pagdurugo ang placenta previa habang nagbubuntis o matapos ang panganganak. Maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng sanggol at ng mommy. Sa ilang pagkakataon pa ay nagiging mahirap ang panganganak dahil nababarahan ng inunan ng bata ang dadaanan ng sanggol.
Ano ang dapat gawin kapag mababa ang inunan?
Nababahala ka ba at napapaisip kung ano ang dapat gawin kapag mababa ang inunan? Kung sa first half ng pregnancy mo naranasan ang pagkakaroon ng placenta previa, karaniwang kusa itong nagiging maayos habang lumalaki ang sanggol sa iyong sinapupunan.
Nakadepende sa kung anong stage na ng pagbubuntis ang treatment para sa mababang inunan. Gayundin ang lokasyon ng placenta at ang health condition niyo ng iyong anak. Kung sa third trimester ay nanatiling mababa ang inunan, maaaring irekomenda ng doktor na sumailalim ka sa cesarean section para ligtas na mailabas ang baby at ang placenta.
Ito naman ang kondisyon kung saan ang inunan ng bata ay humiwalay na sa inner wall ng uterus bago pa man isilang ang bata. Hindi man pangkaraniwan ang kondisyong ito pero maaari itong magdulot ng seryosong kondisyon sa pagbubuntis.
Kung maagang hihiwalay ang placenta mula sa uterine wall kakapusin ng oxygen at nutrisyon ang baby.
Maaaring magdulot ng pananakit ng tiyan, cramps, at pagdurugo ng ari ang babaeng nakararanas ng placental abruption. Bukod pa rito, maaaring makaranas ng premature birth kung mangyari ang placental abruption.
Paggamot sa placental abruption
Kung maaga pa lang ay naranasan na ang placental abruption, i-momonitor ng iyong healthcare provider ang iyong pagbubuntis. Kapag naman nangyari ang placental abruption kung kailan nasa full term ka na ng pagbubuntis, maaaring irekomenda ng doktor na ilabas na ang iyong anak sa pamamagitan ng induced labor o ng cesarean section.
Matapos manganak, normal na humihiwalay na ang inunan ng bata sa uterine wall. Kung mayroong placenta accreta, hindi tuluyang humiwalay ang inunan sa wall ng uterus.
Puwedeng ang buong inunan ay nakakabit pa rin sa uterine wall o maaari ding bahagi lang nito ang naiwang nakakabit. Posible itong magdulot ng matinding pagdurugo sa panganganak.
Ayon sa mga eksperto, nangyayari ito dahil malalim ang pagkakakabit ng mga placental blood vessels sa uterine wall. Kapag na-invade ng placenta ang muscles ng uterus tinatawag naman itong placenta increta habang placenta perceta naman ang tawag kung ang placenta ay nabuo sa uterine wall.
Kung nakaranas na ng uterine surgery o nagkaroon ng placenta previa, mas mataas ang tiyansa na magkaroon din ng placenta accreta.
Sintomas ng placenta accreta
Ang sintomas ng placenta accreta ay ang matinding pagdurugo sa ari ng babae sa third trimester ng pagbubuntis. Maaaring magdulot din ng premature birth ang kondisyong ito.
Ano ang dapat gawin?
Kakailanganing isilang sa pamamagitan ng c-section ang baby. Pagkatapos ay isasagawa ang surgical removal ng uterus.
Retained placenta
Ang retained placenta ay ang pagka-trap ng inunan ng bata sa loob ng sinapupunan o nagsarang cervix. Maaari itong magdulot ng seryosong impeksyon at matinding pagkawala ng dugo kung hindi ito malalapatan ng lunas.
Sintomas ng retained placenta
Bukod sa matinding pagdurugo, ang tanging sintomas ng retained placenta ay kapag hindi pa rin nailalabas ang inunan ng bata 30 hanggang 60 minuto matapos ang paglabas ng baby.
Ano ang dapat gawin?
Kung hindi mo nailabas ang placenta 30 hanggang 60 minuto matapos na isilang ang bata, tuturukan ka ng iyong doktor ng syntometrine o syntocinon para matulungan ang iyong matres na mag-contract at mailabas ang inunan. O kaya naman ay kukunin ng doktor manually ang inunan ng bata sa iyong sinapupunan.
Iba pang dapat tandaan
Larawan mula sa Pexels
Inilalabas ang inunan ng bata 30 minuto matapos isilang ang sanggol. Kung paano mo inilabas ang baby ay ganoon din ang prosesong pagdaraanan ng placenta. Kaya naman, normal na makaranas ng contractions kahit nakalabas na ang bata. Magpapatuloy ang contractions ng matres hanggang sa mailabas mo na rin ang placenta kung normal vaginal delivery ang paraan ng iyong panganganak.
Kapag naman cesarean section ang paraan ng iyong panganganak, ilalabas din ang placenta sa incision o hiwa kung saan inilabas ang sanggol.
Para makatiyak na healthy ang iyong placenta mahalaga ang regular na prenatal check-up. Kung makaranas ng pagdurugo sa ari, trauma sa iyong sinapupunan, matinding uterine contractions at matinding pananakit ng likod, huwag mag-atubiling kumonsulta agad sa inyong doktor.
Karagdagang ulat mula kay Jobelle Macayan
Here at theAsianparent Philippines, it’s important for us to give information that is correct, significant, and timely. But this doesn’t serve as an alternative for medical advise or medical treatment. theAsianparent Philippines is not responsible to those that would choose to drink medicines based on information from our website. If you have any doubts, we recommend to consult your doctor for clearer information.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!