Kapag buntis ka, maraming iba’t ibang bagay na bawal mong gawin. Sapagkat delikado ang kalagayan mo at dalawa ang buhay na inaalagaan mo, kailangang may masusing pagsasaliksik, pagtatanong sa mga eksperto at paninigurado kung ano ang dapat iwasan o tuluyang iwaksi para masigurado na hindi maaapektuhan ang sanggol sa iyong sinapupunan. Anu-ano nga ba ang mga bawal sa buntis?
Para sa isang panimulang listahan at impormasyon, narito ang ilang mga bagay na bawal sa buntis at dapat mong iwasan:
Anu-ano ang mga bawal sa buntis?
Mommy, hindi lang kaligtasan at kalusugan mo ang mahalagang tutukan kung ikaw ay buntis. Mahalagang maging maingat sa mga ginagawa at kinakain dahil nakasalalay din dito ang kalusugan at kaligtasan ng baby sa iyong sinapupunan. Ano ba ang bawal sa buntis? Narito ang listahan ng ilang mga bawal sa buntis:
1. Masahe ay bawal sa buntis
Isa ang pagpapamasahe sa mga bawal sa buntis sa 1st trimester. Pangunahing pinagpapaliban ng mga OB GYN ang pagpapamasahe kapag buntis.
May mga masahe na ginagawa ng mga propesyonal at eksperto dito, at may sadyang uri ng masahe para sa mga buntis. Kapag buntis hindi lahat ng masahe ay ligtas para sa isang babae. Lalo halimbawa sa unang trimester at huling trimester, at sa bandang tiyan o abdomen.
Kaya tandaan mommy, hindi dapat basta-basta magpamasahe kung ikaw ay buntis. Dahil isa ito sa mga bawal sa buntis sa 1st trimester o unang linggo ng iyong pregnancy. Gayundin naman sa huling trimester.
Ang acupuncture naman ay sinasabing ligtas din kung gagawin ng isang qualified acupuncturist na may training at karanasan lalo sa mga buntis. May mga acupuncture points kasi, tulad ng sa pagmamasahe, na hindi pwede para sa mga buntis.
Kung may planong magpa-acupuncture dahil sa nararamdamang pananakit o pagod, ikunsulta muna ito sa iyong doktor at sabihin ang lahat ng impormasyon, bago gawin ito.
3. Pag-aalaga ng pusa
Isa ito sa mahalagang malaman ng mga buntis. Ang pag-aalaga ng buntis ay isa sa mga bawal gawin ng buntis lalo na sa panahon ng 1st trimester.
May tinatawag na toxoplasmosis, isang karaniwang impeksyon na nakakaapekto sa mga ibon at iba pang hayop, kasama na ang tao. Ang parasite na tinatawag na Toxoplasma gondii ay makikita sa mga dumi ng pusa o sa tinatawag na cat litter na nakontamina na ng dumi ng pusa na infected na.
Mababa ang posibilidad na magkaron ng toxoplasmosis. Subalit kung magkaroon nito sa unang trimester, may panganib na malaglag ang bata o ‘di kaya’y magkaron ng brain damage o pagkabulag.
Maaaring makuha ito sa pagpapalit ng cat litter at pagbubungkal ng lupa sa garden. Lalo’t walang gloves at hindi nakakapaghugas ng kamay nang mabuti. Ang mga karaniwang sintomas nito ay mataas na lagnat, sore throat at pananakit ng mga muscles.
Kaya naman isa ito sa mga bawal sa buntis lalo na sa unang linggo ng pregnancy. Kung sadyang mayroon naman kayong alagang pusa, makabubuting mag-utos na lamang sa mga kasama sa bahay ng paglilinis ng dumi ng pusa at pag-aalaga rito.
Kung wala namang mauutusan ay siguraduhing gagamit ng gloves at maghuhugas ng kamay nang maigi matapos asikasuhin ang pusa at linisin ang dumi nito.
4. Mga produktong panglinis (sa bahay)
Mga bawal sa buntis. | Image from iStock
May ilang mga produkto sa bahay na bawal at kailangang iwasan ng mga buntis. Nagtataglay kasi ito ng toxins na nakakasama sa isang babaeng nagdadalang-tao.
Tignan ang mga produktong binibili at tignan ang toxins levels nito at toxic substance nito. Iwasan ang may matataas na toxins level.
Ang mga produktong tulad ng moth balls at toilet deodorant cakes ay karaniwang may taglay na naphthalene, na nakasasama sa katawan o kalusugan.
Kapag nakasinghot ng maraming naphthalene, makakaramdam ka ng fatigue, walang ganang kumain, pagkahilo, pagsusuka at diarrhea.
Sa kabilang banda, may mga ilang household cleaning products na safe gamitin habang nagdadalang tao.
5. Bawal sa buntis: Mabigat na ehersisyo
Mabuti ang naidudulot ng pag-eehersisyo para sa ating kalusugan. Subalit kapag buntis na ang babae kinakailangan na ikonsulta sa doktor kung anong ehersisyo ang maaari gawin na hindi makakasama sa iyong pagbubuntis. Makakabuti ring gumamit ng maternity belt kung ginagawa mo ang paglalakad bilang exercise.
Karagdagan, mayroong mga bawal na exercise sa buntis. Makakatulong din ang pag-eehersisyo kapag ika’y manganganak na pero tiyakin na ang exercise na gagawin ay hindi bawal sa buntis.
Isa sa mga bawal gawin ng buntis ang labis at mga mabibigat na ehersisyo.
Kaya kumonsulta sa doktor para malaman kung anong ehersisyo lang ang puwede sa iyo.
6. Fake tan, at pampaputi ng balat: Mga bawal sa buntis
Nakakasama sa buntis ang hatid na kemikal ng mga tanning cream o tanning products. Gayundin ang mga pampaputi na iniinom. Sensitibo kasi ang balat ng isang babae kapag buntis.
Ayos naman ang paglalagay ng lotion na may kasamang whitening subalit minsan kasi nagkakaroon ang buntis ng allergic reaction mula rito.
7. Pangkulay ng buhok o hair dye
Isa sa mga bawal sa buntis ay pagpapakulay ng buhok.
Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na masama ang mga kemikal sa hair dye na maaaring magdulot ng panganib sa isang buntis. Kung maaari iwasan muna ito habang buntis para sa kaligtasan ni baby sa loob ng iyong sinapupunan.
8. Pintura
Iwasan muna ang pagpipintura ng bahay. Sapagkat nakakasama ang amoy nito sa buntis. Alamin pa ang iba pang impormasyon patungkol sa epekto ng amoy ng pintura sa buntis, i-click ito.
9. Sauna o jacuzzi: mga bawal sa buntis
Isa rin sa mga bawal sa buntis ay ang sauna o jacuzzi. Wala namang nagsasabing may dala itong panganib sa buntis. Subalit mas mabuting iwasan muna ito kapag ika’y buntis.
Maaari kasing mahilo o ma-dehydrate ka agad. Ang mainit na temperatura ng katawan ay maaari ring maging sanhi ng ilang birth defects. Nakakaapekto ang mainit na temperatura sa development ng iyong sanggol kaya iwasan muna ito.
10. Huwag magpa-X-ray
Hangga’t maaari, huwang mapa-x-ray kahit dental x-ray pa ito kapag buntis. Mapanganib ang radiation para sa mga buntis kaya isa ito sa mga bawal para sa kanila. Maaari itong magdulot ng birth defects sa sanggol, at problema sa physical at mental development.
11. Mga bawal kainin ng buntis
May ilang mga pagkain na dapat iwasan at huwang munang kainin ng mga buntis. Maaari kasing makaapekto sa kanilang sanggol ang mga pagkaing ito at magdulot ng problema sa kanilang pagbubuntis.
Para sa karagdagang impormasyon basahin ang mga pagkaing dapat iwasan ng mga nagbubuntis, i-click ito. Mababasa rito ang mga bawal kainin ng buntis.
Mabuting kumain ng masustansiyang pagkain ang buntis. | Image from freepik
12. Iwasan muna ang caffeine o kape
Ang caffeine ay stimulant at diuretic—ibig sabihin ay ang pag-inom ng kape ay maaaring makapagpataas ng blood pressure, heart rate, at pag-ihi at pagdumi.
Kahit na sanay na si mommy sa kape, si baby ay hindi—at hindi ito mabuti sa kaniyang paglaki sa sinapupunan. Hindi pa kasi fully developed ang metabolism niya.
13. Huwag basta-basta uminom ng gamot.
May mga gamot na masama para kay baby, tulad ng ilang pain reliever, lalo na mga antibiotic. Ikunsulta sa iyong doktor ang lahat ng gamot bago inumin.
14. Itabi muna ang mga sapatos na may takong, lalo na mga stilettos.
Ipinagbabawal sa mga buntis ang pagsusuot ng matataas na sapatos na may takong. Kaya naman iwasang magsuot ng mas mataas pa sa 2-inch ang takong.
Mas mabuti kung puro flats lang, flip flops at running shoes ang gagamitin habang buntis. Habang lumalaki ang tiyan, ang center of gravity mo ay nagbabago. Kaya’t maaaring mas off balance ka at baka bigla ka na lang matumba o matisod, at mas malalala—matapilok.
Mga bawal sa buntis. | Image from freepik
15. Lumayo sa mga naninigarilyo: Usok ng sigarilyo isa sa mga bawal sa buntis
Masama ang paninigarilyo para kay baby, at kasingsama din ang secondhand smoke, o usok na nasisinghot mula sa mga naninigarilyo sa katabi o paligid. May tinatayang 4,000 kemikal ang taglay ng secondhand smoke, at ang ilan dito ay konektado sa cancer.
Ang exposure dito habang buntis ay maaaring maging sanhi ng pagkalaglag ng bata, premature delivery, low birth weight, learning o behavioral issues sa paglaki ng bata, at sudden infant death syndrome.
16. Iwasan ang pagtayo at pag-upo nang matagal
Ipinagbabawal sa mga buntis ang labis na pagkapagod. Katulad na lamang ng matagal na pag-upo o pagtayo.
Ang pananatili sa iisang posisyon ng matagal ay hindi makakabuti sa isang buntis. Ito ang sanhi ng pamamaga o pamamanas ng mga binti, paa at sakong, pati problema sa mga ugat.
Gumalaw-galaw kung ikaw ay nasa opisina o sa bahay. Kapag nakaupo, itaas ang mga paa paminsan-minsan. Lumakad-lakad kapag napapansin mong halos isang oras ka na nakaupo. O umupo, kung nakatayo ka na ng higit sa 30 minuto.
17. Huwag paniwalaan lahat ng naririnig, nababasa at nakikita sa mga palabas sa TV
Maraming mga impormasyon na makakalito na para sa iyo habang tumatagal. Tandaan lang na ang iyong doktor ang may maipapayong angkop para sa iyo dahil siya ang nakakakita ng kalagayan mo.
Mas mabuti na rin ang nag-iingat, kaysa mapahamak, lalo na kung nasa delikadong panahon ng pagbubuntis. Wala namang mawawala kung ipagpapaliban muna ang mga nakasanayan noong bago magbuntis, at maghintay ng panganganak bago bumalik sa mga ito.
Buod ng mga bawal sa buntis sa 1st trimester
Narito ang mga nabanggit na kailangang pakatandaan ng bawat mommies na bawal sa buntis ng 1st trimester.
- Iwasan ang paninigarilyo at paggamit ng vape o e-cigarettes.
- Pinakaunang bawal sa buntis: uminom ng alkohol at alak.
- Tiyakin na laging luto ang karne at itlog na kakainin.
- May mga seafoods na dapat iwasan kapag buntis.
- Huwag bumili at kumain ng unpasteurized na gatas at keso.
- Iwasan ang caffeine at sobrang pag-inom ng kape.
- Panatilihin na laging balanse ang iyong timbang. Hindi naman bawal sa buntis na bumigat ang timbang pero mas mapapanatili nitong malusog ang pangangatawan kung balanse ang timbang mula 1st trimester.
Iba pang mga bawal at puwede sa buntis
Bawal ba magpuyat ang buntis?
Pangkaraniwan na sa mga buntis ang hirap sa pagtulog. Kaya kung nararanasan mo ito at napapatanong ka kung bawal ba magpuyat ang buntis, ang sagot dito ay oo.
Mahalaga ang sapat na pahinga at pagtulog para sa kalusugan niyo ni baby. Ayon sa Hopkins Medicine Org, may mga pananaliksik kung saan ay naiuugnay ang kakulangan sa tulog ng buntis sa mga isyung pangkalusugan na maaaring makaapekto sa kanila ng kaniyang baby.
Ilan sa mga ito ay ang preeclampsia o high blood pressure habang buntis at ang gestational diabetes. Bukod pa rito, mataas ang risk na mahirapang mag-labor at kailanganin ang cesarean section delivery kung ang buntis ay laging puyat at kulang sa pahinga.
Kaya kung nais na maiwasan ang mga nabanggit na risk sa pagbubuntis, mahalaga na matulog nang sapat.
Bawal ba sa buntis ang maanghang na pagkain?
Ikaw ba ay buntis at natatakam sa maanghang na pagkain? Pero nangangamba ka kung bawal bas a buntis ang maanghang na pagkain? Ayon sa Healthline, puwedeng-puwede kang kumain ng maanghang kung ikaw man ay buntis.
100% umano itong ligtas para kay baby. Kaya lamang, maaari itong magdulot ng hindi magandang side effects sa iyo. Hindi man seryosong side effects pero posible kang makaranas ng heartburn, indigestion, at gastrointestinal distress matapos kumain ng maanghang.
Kung hindi ka sanay kumain ng maanghang at natatakam lang dahil sa udyok ng pagbubuntis, mabuting tumikim-tikim muna. Ang labis na maanghang ay maaaring magdulot ng ‘di magandang pakiramdam sa iyo.
Bawal ba umire ang buntis?
Nakararanas ka ba ng constipation na karaniwan sa mga buntis? Napapa-ire ka ba tuwing dumudumi at nangangamba kung bawal ba umire ang buntis? Huwag kang mag-alala, mommy, hindi makakasama kay baby ang pag-ire habang ikaw ay dumudumi o tumatae.
Kaya lamang, ang labis na pag-ire ay puwedeng magdulot sa iyo ng pagkakaroon ng almoranas. Ayon sa Austin Regional Clinic, hindi man umano seryosong banta sa kalusugan ang pagkakaroon ng almoranas sa buntis ay tiyak pa rin na magdudulot ito ng sakit at discomfort sa iyo.
Dagdag pa rito, mahalaga rin umano na mag-ingat sa pag-ire tuwing dumudumi dahil posible itong humantong sa komplikasyon sa pagbubuntis tulad ng placenta previa, preterm labor, at problema sa cervix ng babae.
Larawan mula sa Pexels kuha ni Sebastian Voortman
Bawal ba lumabas ang buntis pag may eclipse?
Pinagsabihan ka ba ng mga nakatatanda na huwag lumabas tuwing bilog na bilog ang buwan o kaya naman ay kung mayroong eclipse? Nahihiwagahan ka ba at napapatanong kung totoong bawal ba lumabas ang buntis pag may eclipse?
May mga bansa sa Asia na bahagi ng kanilang kultura ang paniniwala na ipinagbabawal ang paglabas ng buntis tuwing may eclipse o kapag bilog ang buwan.
Maaari raw kasi itong magdulot ng physical deformity sa iyong baby. Pero wala namang scientific evidence na ito ay totoo. Kaya nasasa’yo pa rin kung ito ay iyong paniniwalaan.
Mahalaga rin naman na igalang ang paniniwala ng iba. Kaya naman, kung naniniwala kang makasasama ang eclipse sa iyong pagbubuntis ay makabubuting huwag na lang munang lumabas ng bahay kung ikaw ay buntis at mayroong eclipse.
Paalala kay mommy
Patuloy na magbasa, ngunit piliin ang mga artikulo na may basehang medikal at hindi mga personal na opinyon lamang. Walang masama sa pagbabasa ng mga karanasan ng ibang ina, ngunit huwag itong gawing tanging source ng impormasyon.
Tulad ng paulit-ulit na payo, ikunsulta ang lahat ng tanong tungkol sa iyong pertikular na pagbubuntis sa iyong doktor. Ang artikulong ito, halimbawa ay nagbibigay ng mga pangunahing impormasyon na makatutulong sa mga nagbubuntis na maging ligtas at mapanatiling malusog ang iyong katawam sa kritikal na panahong ito ng iyong buhay.
Karagdagang impormasyon isinulat ni Jobelle Macayan
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!