Sa panahon ng isang lindol o kahit anong emergency na sitwasyon, ang human nature na ng tao ay umalis at iligtas ang sarili. Pero mayroong isang grupo ng mga nars sa isang nursery na kung saan nandoon ang mga ilang sanggol na bagong panganak pa lamang ay inalay ang kanilang buhay upang maprotektahan lamang mga walang kamalay-malay na mga newborn babies sa isang lindol na naganap sa kanilang lugar.
Footage sa naging pagsagip ng mga nars
Isang footage nga ang nakita sa CCTV sa loob ng pasilidad na ipinakita kung paano tumakbo ang mga nars upang maprotektang ang mga sanggol, ang iba ay kinarga nila, ang iba naman ginamit ang kanilang mga katawan bilang shield sa ibabaw ng mga cots kung sakaling mahulugan sila ng ceiling. Ito ay nangyari nga noong nagkaroon ng 6.1 magnitude na lindol na tumama sa Hualien, Taiwan noong ika-18 ng Abril.
Sa footage, makikitang ang mga cots at carts sa loob ng pasilidad ay nagsimulang mag-alugan at gumulong ng tumama sa kanilang lugar ang lindol. Sa halip na tumakbo paalis ang mga nars para isalba ang kanilang mga sarili, ang mga nars na ito ay dali-daling alam ang kanilang gagawin at iyon ang duty nila bilang nars na protektahan ang mga walang kamuwang-muwang na mga sanggol na syempre hindi pa kayang lumabas ng building ng sila lang.
Ang dalawa sa mga nars ay kinarga ang mga ilang sanggol na umiiyak dahil nadistorbo sila ng lindol, habang ang isa ay dali-daling tinipon ang mga cots ng sama-sama upang mapigilan ito sa paggulong sa loob ng nursery.
Dahil nga ang naging lindol ay magnitude 6.1, yung gusali ng kanilang nursery ay umuga ng todo at ang mga cots ay marahil nagtumbahan na. Pero dahil nga sa mga nars, sinigurado nilang hindi ito mangyayari—sadyang naging maagap ang mga ito sa pagligtas sa mga sanggol. At dahil dito pinuri sila ng mga ilang netizens at tinawag nga silang mga bayani, dahil naging viral nga ang footage kung saan niligtas nila ang mga sanggol.
Panoorin ang video dito:
Ligtas sa lindol
Nagsara ang subway dahil sa nangyaring lindol kaya ito ang naging dahilan para ipalikas ang mga tao palabas ng gusali. Mayroong ibang casualties na na-report, pero marami ang nagpapasalamat dahil marami ring mga buhay ang nailigtas—lalo na ang mga sanggol na hindi pinabayaan ng mga dakilang nars.
Laking pasasalamat ng mga tao na naligtas ang mga nars, mga sanggol at ilan pang mga tao sa loob ng pasilidad.
Source: Buzzooks
Basahin: 7 bagay na dapat gawin ng mga bata pag mayroong lindol
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!