X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

2 min read
Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

Si Lovely nagkaimpeksyon matapos manganak sa hindi niya pa malamang dahilan.

Lovely Abella hindi biro ang pinagdadaanang postpartum experience. Bagong panganak na si Lovely agad na sumailalim sa surgery dahil sa impeksyon.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Lovely Abella nakaranas ng impeksyon at sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak.
  • Si Lovely Abella nilalabanan rin sa ngayon ang postpartum depression.

Lovely Abella nakaranas ng impeksyon at sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak

lovely abella postpartum experience

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella-Manalo

Ilang araw lang matapos manganak ay sumailalim sa surgery ang celebrity mom na si Lovely Abella. Kuwento ni Lovely sa kaniyang Instagram account, ito ay dahil nakaranas siya ng impeksyon na hindi niya alam kung saan niya nakuha at paano nangyari.

“After 4 days nagkaroon ako ng infection at need ko isurgery ulit mas malala pa nung nanganak ako ng normal, kung tatanungin niyo ako paano nangyari, saan nanggaling, bakit nagkaroon ako ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng to.”

Ito ang bahagi ng post ni Lovely ni Instagram tungkol sa nangyari.

Pero maliban sa sakit na naranasan, mas naging mahirap daw para kay Lovely ang agad na mawalay sa bagong silang niyang anak. Lalo na ang hindi makapagbigay dito ng kaniyang breastmilk sapagkat siya ay under medication sa ngayon. Kaya naman laking pasalamat niya sa mga breastfeeding mommies na nag-dodonate ng gatas para sa kaniyang anak.

lovely abella baby liam

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella-Manalo

Si Lovely Abella nilalabanan rin sa ngayon ang postpartum depression

Pagbabahagi pa ni Lovely sa pinakabago niyang IG post, ngayon ay nakalabas na siya ng ospital. Nakasama niya narin sa wakas ang kaniyang baby na si Liam Emmanuel. Bagamat pagbabahagi pa niya, habang nasa ospital ay nakaranas siya ng postpartum depression at hanggang ngayon ay patuloy paring nilalabanan ito. Pero laking pasalamat niya na kasama niya na ngayon ang kaniyang pamilya. Mas may lakas na siya at magpapatuloy sa pagpapagaling.

“Nakauwi na po ako, after 3 days pumayag ang mga Doctors ko dahil nagkaka post partum depression na ata ako, dahil pag patay ang ilaw sa hospital naninikip ang dibdib ko at bigla akong umiiyak ng malakas. Nagpapagaling na lang po ako. Lalo na ngayon kasama ko na ang Pamilya ko lalo na mga Anak ko.”

Ito ang sabi pa ni Lovely.

lovely abella family
Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Larawan mula sa Facebook account ni Lovely Abella-Manalo

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression
Share:
  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • 5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

    5 Times You Deserve Cake (Even If There’s “No Occasion”)

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko