X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Marian Rivera: "Pag may anak ka pala, ‘yun yung magbubuo ng pagkatao mo"

4 min read
Marian Rivera: "Pag may anak ka pala, ‘yun yung magbubuo ng pagkatao mo"

Marian Rivera ibinahagi na basta alam mo ang iyong prioridad, makakatulong ito sa tamang daan na iyong tatahakin at susunod na hakbang na iyong gawin.

Si Marian Rivera ay nakilala noong taong 2007 ng gawin ang adaptation ng isang popular na Mexican telenovela na Marimar. Dito rin niya unang nakatambal ang ngayo’y asawa na niyang si Dingdong Dantes. Ang kanilang serye ay naging highest-rated primetime drama show sa Philippine television at ito rin ang umpisa ng kanyang stardom.

Pagiging isang ina

Ngayon, si Marian Rivera at Dingdong Dantes ay pareho pa ring namamayagpag sa industriya ng telebisyon habang ginagampanan ang pagiging ina at ama nila sa kanilang unang anak na si Maria Letizia. At noon ngang nakaraang taon September 25, 2018, ibinihagi ni Marian Rivera sa kanyang Instagram account na si Zia ay magiging ate na. Sadyang umaapaw na pasasalamat ng aktres sa Poong Maykapal sapagkat biniyayaan na naman sila muli ng Panginoon ng isa pang mirakulo sa kanilang buhay.

Sadyang si Marian Rivera ay naging isang huwarang babae, ina, at asawa sa mga kababaihan sapagkat kanyang napagsasabay ang mga iba’t-ibang papel niya sa buhay—ang pagiging aktres, businesswoman, asawa kay Dingdong Dantes at ina sa kanyang tatlong taong gulang na anak na si Zia.

Hindi madali maging isang babae

Ngayon nga’y na may bagong parating na munting anghel muli sa kanilang pamilya, sadyang kitang-kita sa kanyang awra na umaapaw lalo ang kanyang kagandahan. Kung titingnan ang kanyang mga posts sa Instagram, nakakahanga kung paano niya dinadala ang kanyang sarili at kung paano niya ipinapakita ang kagandahan ng isang babae sa kanyang pagdadalang tao. Ipinapakita niya na kahit nagdadalang tao ka pwede mo pa ring mapanatiling maganda ang iyong sarili.

Nasambit nga ni Marian Rivera na hindi madali maging isang babae at “hindi pala biro maging isang ina.” Kanya ring idinagdag na malaking bagay rin na siya’y naging mabuting anak sa kanyang ina sapagkat ang kanyang pagiging ina ay naging pagsubok para sa kanya lalo na nung first time, “Kumbaga dati asawa mo lang iniisip mo—minsan sarili mo nga hindi pa. ‘Pag may anak ka pala, ‘yun yung magbubuo ng pagkatao mo.”

Blessing

Ayon nga kay Marian, ang pagbubuntis ay isang blessing. Hindi niya nakita na ito ay isang sakripisyo na para bang may kailangan kang isuko kapalit nito. Para sa kanya, ang pagbubuntis ay isang napakagandag karanasan na ikaw ay makapagbibigay silang ng bagong buhay sa mundong ibabaw. Si Marian ay isang only child, kung kaya’t nung kanyang kabataan pa lamang kanya nang naisip na kapag siya ay maging isang ina na kanyang pinangarap, gusto niyang magkaroon ng higit pa sa isa.

Ibinihagi ni Marian na natagpuan niya ang higit pa sa pagmamahal na kanyang inasam. Kanya ngang naisambit, “Alam mo, nung nagasawa ako, nagkaanak ako, at ngayon na buntis ulit ako, isa lang sinasabi ko sa sarili ko: mas minamahal ko yung sarili ko ngayon.” Ayon rin sa kanya, habang lalo niyang minamahal ang kanyang sarili, mas marami rin siyang maibibigay na pagmamahal sa mga tao sa kanyang paligid at sa kanyang pamilya. Naniniwala si Marian na kapag inilagaan niya ang kanyang sarili, walang rason para hindi siya respetuhin ng ibang tao.

Advertisement

“‘Pag gusto mo, gagawan mo ng paraan”

Sadyang nakakahanga kung paano niya nababalanse ang kanyang buhay bilang isang TV personality, asawa, at ina—at ngayo’y isa na ring content creator. Marahil imposible, ngunit nagagawa ni Marian Rivera ang lahat ng ito basta’t mayroong right mindset. “‘Pag gusto mo, ‘pag mahal mo talaga, gagawan mo ng paraan.” Basta alam mo ang iyong prioridad, ito ay makakatulong sa tamang daan na iyong tatahakin at mga susunod na hakbang na dapat mong gawin. Sa lahat ng kanyang ginagawa at ginagampanan na papel sa kanyang buhay, masasabi natin kung nasaan siya ngayon sa kanyang buhay—masaya, kontento, ngunit handa pa ring mangarap ng higit pa.

Source: Mega

Basahin: LOOK: Zia nagpakitang gilas sa baby shower para sa kaniyang mommy Marian Rivera

Partner Stories
The LEGO Group Celebrates 100 Years of Disney by Sharing the Playful Wonder of LEGO® Disney
The LEGO Group Celebrates 100 Years of Disney by Sharing the Playful Wonder of LEGO® Disney
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Nestlé Wellness Campus: Empowering students, parents, and teachers to live healthier lives
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby
Give your Baby’s #Skinmergency the Rapid Soothing Relief it needs with Aveeno Baby
Don’t Let the Flu Stop You from Life’s Adventures!
Don’t Let the Flu Stop You from Life’s Adventures!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Marian Rivera: "Pag may anak ka pala, ‘yun yung magbubuo ng pagkatao mo"
Share:
  • Carla Abellana on Her Egg Freezing Experience: "Transformative experience—one that required a lot of research, emotional preparation, and support"

    Carla Abellana on Her Egg Freezing Experience: "Transformative experience—one that required a lot of research, emotional preparation, and support"

  • 7-anyos na bata ginahasa umano ng 12-anyos na pinsan at kalaro nito, ina ng bata naguguluhan sa kung anong gagawin niya

    7-anyos na bata ginahasa umano ng 12-anyos na pinsan at kalaro nito, ina ng bata naguguluhan sa kung anong gagawin niya

  • DJ Jellie Aw sa fiancé na si Jam Ignacio: “Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya”

    DJ Jellie Aw sa fiancé na si Jam Ignacio: “Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya”

  • Carla Abellana on Her Egg Freezing Experience: "Transformative experience—one that required a lot of research, emotional preparation, and support"

    Carla Abellana on Her Egg Freezing Experience: "Transformative experience—one that required a lot of research, emotional preparation, and support"

  • 7-anyos na bata ginahasa umano ng 12-anyos na pinsan at kalaro nito, ina ng bata naguguluhan sa kung anong gagawin niya

    7-anyos na bata ginahasa umano ng 12-anyos na pinsan at kalaro nito, ina ng bata naguguluhan sa kung anong gagawin niya

  • DJ Jellie Aw sa fiancé na si Jam Ignacio: “Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya”

    DJ Jellie Aw sa fiancé na si Jam Ignacio: “Sobrang seloso po kasi, parang maliit na bagay po pinagseselosan niya”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko