X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Vice Ganda: "Please kung hindi niyo kayang buhayin 'yong mga bata, 'wag niyo gawin"

5 min read

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa kinausap umano ang kaniyang ina matapos ang trending video niya. Narito ang sagot ng nanay niya sa kaniya.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang trending na sagutan ni Marilyn Lagsa at kaniyang ina.
  • Mensahe ni Vice Ganda sa mga magulang.

Trending ReiNanay contestant Marilyn Lagsa

Marilyn Lagsa

Image screenshot from YouTube video

Ang dapat sanang moment ng It’s Showtime ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa na makilala bilang isang ulirang ina ay napalitan ng pangungutya matapos ang naging tanong ng kaniyang ina na gumulat sa lahat ng nanonood ng programa.

Ang tanong ng kaniyang ina sa kaniya: “Anak, puwede mo bang ibalik muli ‘yong suporta kahit sa mga anak mo na lang at hindi na sa amin ng tatay mo?”

Ito ang naging tanong ni Nanay Lourdes, ang 56-anyos na ina ni Marilyn.

Dagdag pa Nanay Lourdes ay sampung taon na nasa kanila ang anak ni Marites at mula noon umano ay hindi na ito nagbibigay ng sustento.

Kaya ang hinaing niya ay sana tulungan siya nito sa gastos sa mga apo niya. Lalo pa ngayong may COVID-19 pandemic kung saan hirap silang makapagtinda ng “buko salad” na pangunahing pinagkukunan nila ng panggastos sa araw-araw.

Ang tanong na ito ng ina ni Marilyn ay ikinagulat niya. Pati na rin ng mga host ng programa na biglang napataas ang kilay sa sinabing ito ng matanda.

Sagot ni Marilyn sa tanong ng kaniyang ina

Marilyn Lagsa

Image screenshot from YouTube video

“Nay darating tayo dyan, kaya nga po ako nagsusumikap. Alam ko maiintindihan ninyo po ako pagdating ng panahon kung bakit ginagawa ko po ito. Isa kong graphic artist mataas ang pangarap ko para mag-stay put na sa maayos ang pamumuhay.”

Ito ang naging sagot ni Marilyn sa hinaing ng kaniyang ina sa live broadcast ng programang It’s Showtime.

Base sa kuwento mismo ni Marilyn ay mayroon siyang apat na anak. Bagama’t malapit lang umano ang bahay na tinitirhan niya at ang bahay ng mga magulang niya ay mas gusto daw ng mga anak niya na doon mamalagi sa bahay ng lola nila.

Pero paliwanag niya ay hindi niya naman umano ipinapaako ang lahat ng responsibilidad niya sa mga magulang niya. At nangangako siya na sa oras na maging ayos na ang negosyong sinisimulan nila ng kaniyang kinakasama ay babawi siya sa mga pagkukulang niya sa kanila.

“Nagpapasalamat ako sa inyo Nay kasi sobrang mahal na mahal ninyo yung mga apo ninyo. Talagang binubuo ninyo po ‘yong pagmamahal sa mga anak ko.”

“Sa totoo lang po sa ngayon hirap po kami dahil nag-uumpisa palang kami sa shop na sinimulan namin ng partner ko. Pero Nay makikinabang kayo dito.”

Ito ang naging sagot pa ni Marilyn sa tanong ng kaniyang ina.

BASAHIN:

REAL STORIES: “Ang inakala kong nanay at tatay ko—lolo at lola ko pala!”

Nanay na busy umano sa Facebook, hindi namalayan na nalunod ang 8-month-old na anak

Dalawang bata, binantaan at tinutukan ng kutsilyo ng kanilang Nanay

Komento ni Vice Ganda at Ruffa Gutierrez

Dahil sa mga narinig ay hindi naman napigilan na magkomento ng host na si Vice Ganda at judge sa naturang contest na si Ruffa Gutierrez na mag-react sa narinig nila.

“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs na hindi mo sinusustentuhan.

Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo.”

Ito ang nasabi ng dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez.

Dahil sa mga narinig ay may naging pakiusap si Vice Ganda sa mga magulang na tulad ang kuwento ay kay Marilyn. Pakiusap niya ay sana huwag mag-anak kung hindi kayang alagaan at basta ipapaako nalang sa mga matatanda ng magulang nila.

“Kasama ng pagmamahal natin sa mga magulang natin ay iyong huwag natin ipaako sa kanila ‘yong dapat na obligasyon na tayo ang gumagawa.”

“Please kung hindi ninyo kayang buhayin yung mga bata huwag ninyong gawin. Kawawa ‘yong mga  magdudusa dahil sa obligasyon na ginawa ninyo na hindi ninyo kayang gawin.

Kawawa ‘yong mga magulang na mag-aalaga ng mga anak na kayo ang gumawa. At kawawa ‘yong mga anak na nahihirapan dahil ginawa ninyo sila na wala silang choice.”

Ito ang nasabi ni Vice Ganda.

Marilyn at Nanay Lourdes nagkausap na

Vice Ganda: Please kung hindi niyo kayang buhayin yong mga bata, wag niyo gawinImage screenshot from YouTube video

Samantala, ayon sa isang video ni Marilyn matapos ang trending video niya sa Showtime ay sinabi niyang walang katotohanan ang sinabi noon ng kaniyang ina.

Sa katunayan ay nagkausap na umano sila nito. At natanong niya kung bakit ganoon nalang ang nasabi nito sa live broadcast ng programa. Ito umano ang sagot ng kaniyang ina- “Kasi anak wala ako masabi.”

Siyempre si Marilyn ay hindi napigilang maglabas din ng nararamdaman niya sa ina. Ito ay dahil sa ginawa nito ay maraming namba-bash sa kaniya ngayon.

“Ang dami-dami pong puwedeng itanong na related sa buhay ko, sana po yung nagpakatotoo kayo. Sabi ko sa nanay ko, Nay, kasiraan ko, kasiraan ninyo din. Kasiraan ninyo, kasiraan ko din.”

Dagdag pa niya, akala niya moment niya na to shine sa ReiNanay contest sa Showtime. Pero hindi ito nangyari dahil sa mga nagmumura at nang-babash sa kaniya ngayon.

“Imbes na maging moment para sa akin yung pagsali ko doon, pero parang hindi. Bangungot po yung nangyari sa akin, sobrang bangungot!”

Ito ang sabi pa ni Marilyn Lagsa ukol sa trending video niya.

Source:

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga Tunay na Kuwento
  • /
  • Vice Ganda: "Please kung hindi niyo kayang buhayin 'yong mga bata, 'wag niyo gawin"
Share:
  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang  mabubuntis pa ako at 40"

    REAL STORIES: "Teenager na ang mga anak ko—Hindi ko inaakalang mabubuntis pa ako at 40"

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.