X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mark Herras nakabangon dahil sa pamilya: "Ito pala 'yong purpose ko... to be a better father, partner"

4 min read
Mark Herras nakabangon dahil sa pamilya: "Ito pala 'yong purpose ko... to be a better father, partner"

Nakaranas ng depression si Mark nang sunod-sunod ang pagpanaw sa kaniyang pamilya.

Ibinahagi ni Mark Herras ang kaniyang naranasan at naramdaman noong sunod-sunod na pumanaw ang ilang family members niya. Ibinahagi rin niya ang kaniyang naging pagbangon sa buhay.

Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Pagkaranas ni Mark Herras ng depression matapos mawalang ng apat na miyembro sa kaniyang family 
  • Love story nina Mark Herras at Nicole Donesa

Mark Herras nakaranas ng depression dahil sa pagpanaw ng ilang family members

Nag-open up si Mark Herras tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay sa mga nakalipas na taon. Sa ‘Mars Pa More’, dito niya naikuwento ang kaniyang naranasan noong sunod-sunod ang pagpanaw ng kaniyang mga kapamilya.

“I think ‘yong namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito… Sunod-sunod sila eh, parang 2000, so ‘11 si lola, 2014 is my dad. After two years my mom then after 6 months my tito.”

“Hindi ako nakapag-mourn nang maayos kasi parang magmo-mourn pa lang ako do’n sa daddy ko, namatay na ‘yong mom ko. Tapos after 6 months namatay ‘yung tito ko.”

Inamin din ni Mark Herras, dating winner sa talent search show na ‘Starstruck’, na nakaranas siya ng depression dahil sa kaniyang pinagdaanan.

“Sobra. Sobra. Matatag pa rin ‘yong paninindigan ko sa buhay. Kasi kung siguro kung iba ‘yan, baka alam mo na.”

mark herras family

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Herras

Isa sa nakatulong para makabangon si Mark Herras sa depression ay ang kaniyang family. Ito ay noong dumating sa kaniyang buhay ang kaniyang misis na si Nicole Donesa at anak nilang lalaki.

“Ang tagal nung turning point. Actually, sa totoo lang nung dumating sa akin ‘yong pamilya ko. ‘Yon po ‘yong bago kong naging pamilya, like si Nicole and si Corky.”

Ani pa ni Mark, bago dumating sina Nicole at Corky ay wala pa ring direksyon ang kaniyang buhay. Aniya, hindi na niya naiisip ang purpose ng kaniyang mga ginagawa noon pagdating sa trabaho.

“Walang direksyon, na parang sige magtatrabaho ako. Pero ‘yong pera ko after that parang one day millionaire lang ako na parang wala naman akong pakielam eh. Kasi parang ano pa ‘yong purpose ko sa buhay, ‘di ba?”

Dagdag pa niya, bago pa man siya pumasok sa pag-aartista, ang pagtulong sa pamilya ang kaniyang dahilan. Aniya pa, bagamat naroon pa ang kaniyang mga pinsan at tita, wala na ang kaniyang core family. Kaya nawalan siya ng direksyon sa buhay kung ano pa ang kaniyang marapat gawin.  

Ani pa ni Mark, nasaksihan niya ang apat na pangyayari ito at kinuwestiyon niya rin ang plano na ito. Aniya, dati ay laging niyang tinatanong sa Diyos kung anong plano para sa kaniya. 

“Pero ngayon, this is – ito pala ‘yung purpose ko. Para matuto ‘ko sa buhay, to be a responsible dad sa anak ko, to be a responsible a better father, a better partner sa wife ko.”

mark herras family

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Herras

Dagdag pa niya, ngayong nabibigyan siya ng mga proyekto, nagtatrabaho siya para sa kaniyang pamilya, para sa asawa at anak. Aniya pa, kung siya narasanan ang hirap kahit artista na, ayaw niyang maranasan ito ng kaniyang pamilya. 

Love story nina Mark at Nicole 

mark herras family

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Herras

Sa dating panayam ni Mark Herras  sa ‘Tunay na Buhay’, ikinuwento ni Mark ang love story nila ng kapwa artista at asawang si Nicole Donesa. Nagkilala at nagkamabutihan sina Mark at Nicole sa afternoon prime na ‘Bihag’.

Unang beses niyang nakita ang asawa sa taping. Bigla siyang nagpapansin at lumabas ng kotse na naka-headset pa. Aniya, kunyari walang naririnig pero wala naman itong sounds. Pagkukwento pa niya, binati at nangumusta siya at mula noon lagi na niya inaabangan at hinahanap si Nicole.

Pag-amin ni Mark, torpe siya at malakas ang loob sa text. Ika niya, malakas siyang bumoka sa text at natotorpe siya sa personal. Nang mapag-usapan ang kanilang kasal, tinanong ni Pia si Mark kung matagal ba nitong pinlano ang kanilang wedding date.

“Actually hindi siya ganoon katagal kaplanado kasi during nung time na nabuntis siya, gusto na namin magpa-civil. Pero nung time na ‘yun medyo peak ng pandemic, tapos dapat po kasi ‘yung lock in taping ko dapat mas maaga eh.”

Pagbabahagi pa ni Mark sa pagbabago sa kaniya mula nang magkapamilya, ay ang pagdating sa mga finances.

“Nagkaroon ako ng sweldo, last, last payroll ta’s sabi ko bibigay ko ba lahat ‘to. So binigay ko lahat sa asawa ko… tapos ‘pag may kailangan na lang ako, sabi ko, nanghihingi ako.”

“‘Yon pa lang naman ang pinakamalaking pagbabago saka ‘pag nag-argue kami.”

Kwento niya, dati-rati, uuwi muna siya sa kanilang bahay kapag nag-aaway sila at ngayo’y nananatili na siya sa bahay ng asawa dahil kasal na sila. 

Instagram

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Nichole Samson

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mark Herras nakabangon dahil sa pamilya: "Ito pala 'yong purpose ko... to be a better father, partner"
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.