Ang pag-uugali ng mga nanay na maging tagabantay sa kahit ano na nauugnay sa mga anak nila ay tinatawag na maternal gatekeeping. Natural lamang sa mga ina na naisin mamahala sa pagaalaga sa mga anak ngunit ang maternal gatekeeping ay maaaring magdala ng prublema sa mga magulang at burnout sa pagiging nanay. Maaaring magpakita ang mga nanay ng ugali na maternal gatekeeping sa kahit sinong pwedeng mag-alaga sa mga anak nito tulad ng mga lolo at lola, asawa, at yaya.
Sino ang madalas mag-gatekeep at bakit?
Ang mga nanay, nagtra-trabaho man o hindi, ay maaaring makuha ang paguugali na maternal gatekeeping. Ayon sa pag-aaral ni Sarah J. Schoppe-Sullivan nuong 2015, ang pagiging nanay o tatay at ang mataas na expectations ng mga nanay ay maliit ang epekto
Ang mga nanay na gusto lahat ay perpekto sa pagiging magulang ay mas nanlalait sa mga gawain ng asawa nila na nakakasira sa pagsasama. Ngunit, kahit isang sanhi ng paghihiwalay ng mga magulang ang maternal gatekeeping, marami ang nakukuha ang paguugali na ito pagkatapos maghiwalay.
Ang ibang nanay na mataas ang kumpiyansa sa abilidad sa pagaalaga ng mga anak ay kadalasan nagagwa ang maternal gatekeeping. Nakikita nila ang mga tatay bilang baguhan kumpara sa kanila na eksperto na sa pagaalaga ng mga bata.
Ang sadyang pag-gamit sa gatekeeping
Ang sadyang paggamit ng maternal gatekeeping bilang paraan upang bawasan ang tungkulin ng mga tatay ay madalas makikita sa mga magulong pamilya. Kadalasan, ito ang mga pamilya kung saan malapit na maghiwalay ang mga magulang. Sa kasamaang palad, ang hindi paglaban o ang pagsuko sa maternal gatekeeping ay tinatanggap ng mga anak bilang pagkakaluno ng tatay.
Ang maternal gatekeeping ay ginagamit ng mga nanay na mataas ang tingin sa sarili para ilayo ang tatay sa mga anak kung hindi nito tatanggapin ang kanyang pamamalakad. Kadalasan, nabubuhos sa mga anak ang ugaling ito na nagiging rason ng pagkakalayo ng mga magkakapatid sa isa’t isa.
May iba na ginagamit ang gatekeeping bilang pangganti sa nagawang kasalanan ng tatay. May mga tatay rin na sumasang-ayon sa ugaling ito para lang mapanatag ang loob ng nanay.
Pagtanggap sa gatekeeping
Sa araw-araw, ang mga nanay na gumagamit ng maternal gatekeeping ay nagmumukhang bayani. Ang pagko-kontrol na kaakibat ng nasabing ugali ay pinagmumukha silang magagaling na ina sa kabila ng mga reklamo at pagiging martyr nila. Ngunit maraming prublema ang hindi nakikita sa panlabas.
Tinatanggap ng karamihan ang gatekeeping dahil sa sinasabi ng kultura na ang mga nanay ay mas maalaga, ang pagiging nanay ay likas ugali, at mahal ng mga nanay ang mga anak. Hindi ito laging totoo ngunit napagmumukhang totoo gamit ang maternal gatekeeping. Mas tinatanggap ng karamihan na ang tatay ay walang silbi sa bahay kaysa ang nanay ay teritoryal kahit pa iba ang sinasabi ng ebidensya. Hindi makapaniwala ang mga tao na kayang gawin ito ng mga nanay.
Ang pag-aalaga sa mga anak ay hindi tungkulin ng isang magulang lamang. Importante na may matibay na relasyon ang mga anak sa parehong magulang. Ito ay isa, kung hindi ang pinaka-importante, na sangkop sa masayang pamilya at pagkabata.
Source: Psychology Today
Basahin: Para sa tatay na hindi paborito ng kaniyang mga anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!