Tatlong taon na nagsasama ang host-actor na si Matteo Guidicelli at singer-actress Sarah Geronimo.
Matteo Guidicelli gusto na magkaroon ng anak kay Sarah Geronimo
Gusto at excited na rin ang celebrity couple sa pagkakaroon ng baby. “Oo, sana. Sana po. With prayers. Sana, soon, soon, magka-baby tayo,” kwento ni Matteo sa isang podcast.
Talagang looking forward ang mag-asawa sa pagsisimula ng pamilya. Kwento pa ni Matteo na okay na okay ang asawa ngayon.
Busy pa rin si Sarah sa kanyang career pero priority parin nila ang pamilya. | Larawan mula sa Instagram ni Matteo Guidicelli.
Busy rin ang siya sa kanyang career. Ayon pa sa aktor, “Sarah is doing very well, of course.”
Kwento pa ng aktor na si Sarah ang kanyang inspirasyon sa lahat ng kanyang ginagawa kasali na rin ang desisyon niyang tanggapin ang offer ng GMA Public Affairs. Si Matteo ay ang bagong host ng “Unang Hirit”
“Bilang husband, I think aside from work, ‘yong personal life ko talaga, ‘yong priority ko talaga sa buhay ay sa pagiging asawa,” ayon sa host-actor Matteo Guidicelli.
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
Ang priority daw ng host-actor ay ang pagiging asawa kay Sarah at sa pagbuo ng family nila in the future. Gusto daw ng aktor ang sumuporta sa asawa niya at kasama lamang ito.
Nagbago daw kasi ang kanyang goal in life simula noong nag-asawa siya.
Kwento ni Matteo,
“That’s why I really encourage marriage and finding your partner in life because talagang two people synergizing and becoming better human beings, ‘yon ang exciting part,”
Nag-bigay rin ng ilang tips si Matteo para sa mag-asawa. Para magkaroon ng solid relasyon at foundation as a married couple.
Ilagay si God sa center of the relationship. Kahit ano pa ang paniniwala, dapat ay si God ang nasa middle of the relationship.
Larawan mula sa Instagram account ni Matteo Guidicelli
Isa pa ay magtiwala sa isa’t isa, irespeto at mahalin ang partner kahit ano pang mangyari. Pagkwekwento ni Matteo Guidicelli sa Unang Hirit na talaga gang refreshing.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!