X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

LIST: Mga gamit na kailangan ni baby

4 min read
LIST: Mga gamit na kailangan ni baby

Ikaw ba ay first time mom at naghahanap ng guide sa preparation kay baby? Don't worry, dahil tutulungan ka namin sa mga dapat bilhin para sa newborn baby!

Ikaw ba ay first time mom at kasalukuyang naghahanap ng guide para sa preparation sa paglabas ni baby? Don’t worry mommy dahil tutulungan ka namin sa mga dapat bilhin para sa newborn baby!

Mga dapat bilhin para sa newborn baby

Ang pag paplano ng maaga ay makakatulong upang hindi magahol sa oras. May pagkakataon kasi na napapaaaga ang panganganak ng ibang nanay dahilan para mawala na sa isip ang mga mahalagang gamit ni baby na gagamitin paglabas nito.

Ang akala ng karamihan, ang tanging kailangan lang ng isang newborn baby ay lampin, baby wipes, diaper, newborn socks at mittens. Ngunit sa likod nito, marami pa talaga ang mga gamit na kailangan ni baby. Katulad na lamang ng crib, undershirts, laundry detergents para sa baby at iba pa.

mga-dapat-bilhin-para-sa-newborn-baby

Mga dapat bilhin para sa newborn baby | image from Unsplash

Makakatulong rin ang advance planning sa pagbili ng mga gamit na kailangan ni baby lalo na kung hindi kaya ng isang bagsakan ang pagbili nito. Kung nag iipon pa at hindi keri ng budget, pwede namang paunti-unti ang pagbili ngunit dapat ay kumpleto na ang mga gamit sa checklist mo.

Kaya naman mahalaga na planuhin agad ang mga kailangan sa paglabas ni baby. Naman narito ang mga dapat bilhin para sa newborn baby.

Clothing

  1. 12 pcs na lampin – kailangan ito ay madami dahil hindi mapipigilan na oras-oras ay kailangan magpalit ng lampin.
  2. 6 pcs soft pants – piliin ang malambot at hindi makati sa balat na tela
  3. 3 pcs newborn hats – proteksyon sa lamig
  4. 7 newborn undershirts – magsisilbi itong pang araw-araw na suot ni baby
  5. one piece stretchy sleepers – ito naman ay maaaring suotin sa gabi lalo na kung malamig ang panahon.
  6. 8 pcs newborn socks – proteksyon para sa lamig sa gabi
  7. 3 pcs newborn mittens – makakatulong ito upang hindi makalmot ni baby ang kanyang mukha.
  8. 10 pcs bibs – kailangan rin ng madami nito dahil mapipigilan ang pagkalat ng lungad sa damit ni baby.
  9. Burp cloths – makakatulong ang burp cloths sa pag papadighay kay baby
  10. 5 dress up outfit – ito ay optional naman at kung gusto mo lang damitan si baby kung lalabas ng bahay.
mga-dapat-bilhin-para-sa-newborn-baby

Mga dapat bilhin para sa newborn baby | image from Freepik

Feeding

  1. Breast pump – makakatulong ang breast pump para sa mabilis na pagpapainom ng gatas kay baby.
  2. Milk storage containers – ang milk storage containers na ito ay para maimbak mo ng maaga ang iyong gatas. Makakatulong ito kung papainumin ng gatas si baby habang nasa labas kayo ng bahay.
  3. Thermal bottle carrier – mapapanatili nitong warm ang temperature ng gatas sa container.
  4. Nursing pillow – upang magkaroon ng komportableng position si baby at hindi mangalay si mommy, ang nursing pillow ay isang solusyon para rito.

Bathtime

  1. Baby soap – Pumili ng magandang uri ng sabon at siguraduhin na ito ay pwede sa iyong baby.
  2. Plastic infant tub – ito naman ang mag sisilbing liguan ni baby.
  3. Baby oil
  4. Moisturizing cream
  5. Soft-bristled hair brush – hindi kailangan ng matinding pagsuklay kay baby dahil malambot pa ang bunbunan nito. Piliin ang soft-bristled hair brush para mapanatiling nasa ayos ang buhok nito.
  6. Toys – optional ang laruan para sa pagpapaligo at ito ay pandagdag aliw lang kay baby.
mga-dapat-bilhin-para-sa-newborn-baby

Mga dapat bilhin para sa newborn baby | image from Unsplash

Bedtime

  1. Crib – pumili ng maayos at matibay na kuna para kay baby.
  2. Kumot – pumili ng cotton at maayos na tela para sa magiging kumot ng iyong anak.
  3. Baby mobile – Nakakatulong kay baby ang baby mobile sa kanyang sensory development.
  4. Kurtina – ito ay magsisilbing pantakip ng liwanag kung sakaling maaarawan si baby. Kailangan ito upang hindi siya basta bastang magising at maging komportable ang tulog.
  5. Unan – kung bagong panganak pa lang si baby, mas advisable na wala munang masyadong maraming unan. Ito ay para hindi siya masikipan sa loob ng crib at maiwasan ang risk ng suffocation.

Gamit sa pagpapalit

  1. Diaper – importante ang diaper lalo na sa unang mga buwan ni baby. Piliin ang magandang uri ng diaper para hindi magkaroon ng rash si baby.
  2. Changing mat – makakatulong ang changing mat para mapanatili ang kalinisan kapag magpapalit ng lampin o diaper si baby. Ito ay para may specific spot rin kung saan siya ilalapag.
  3. Baby wipes – dahil hindi pa pwedeng mabasa ng maraming tubig si baby, sapat na muna ang baby wipes para pampahid sa kanyang puwit kapag ito ay nadumi o naihi sa diaper.

 

 

BASAHIN: Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth

Partner Stories
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
Ano ang mga senyales na ang iyong anak ay isang Batang Matibay?
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • LIST: Mga gamit na kailangan ni baby
Share:
  • Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

    Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

  • Mga importanteng gamit na kailangan ng newborn baby

    Mga importanteng gamit na kailangan ng newborn baby

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

  • Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

    Checklist para sa mga gamit na kailangan ng newborn baby

  • Mga importanteng gamit na kailangan ng newborn baby

    Mga importanteng gamit na kailangan ng newborn baby

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

    10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.