Sa isang pag-aaral, natuklasan ang ilang milyong microplastics sa feeding bottle na humahalo sa gatas ng baby. Ito ay nakakain o nai-ingest ng mga bottle-fed babies araw-araw. Dapat nga ba mag-alala ang mga magulang dahil dito?
Ano ang microplastics sa feeding bottle?
Ang microplastics ay maliliit na particles ng plastic na masyadong maliit para makita ng tao. Karaniwang matatagpuan umano ang mga ito sa mga plastic products at food packaging. Sa bagong pag-aaral, nakita rin na mayroong microplastics sa feeding bottle ng baby.
Ang karaniwang klase kasi ng material na ginagamit para sa mga feeding bottles ng mga baby ay ang polypropylene. Ito ang ginagamit ng 82% ng mga magulang sa kanilang mga baby sa buong mundo. Itong material na ito ang ginagamit rin sa karamihan ng mga food containers.
Nagkaroon na ng mga naunang pag-aaral tungkol dito. Mayroong ebidensya na karaniwan na natatanggal ang mga particles ng plastic kapag naiinitan ito. Humahalo ang mga microplastics na ito sa ating pagkain o iniinom. Katulad na lamang ng microplastics na matatagpuan sa mga binebentang bottled water o di kaya ang pag-init ng mga pagkain sa plastic containers.
May mga pag-aaral din na nagsasabi na natatagpuan ang mga microplastics na ito na nananatili sa mga organs ng mga tao.
Kaya naman nakaka-alarma ang pag-aaral na lumabas sa Nature Food journal. Sinasabi ni Professor John Boland, isa sa mga researchers ng pag-aaral, na nagulat sila ng kaniyang mga kasama sa kanilang natuklasan. Napag-alaman nila na milyon-milyong microplastics ang naiinom ng mga baby na gumagamit ng microplastics.
"A study last year by the World Health Organization estimated adults would consume between 300 and 600 microplastics a day – our average values were on the order of a million or millions.”
Ang pag-aaral sa microplastics sa feeding bottle
Ayon sa researchers, sinimulan nila ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsunod ng instructions kung paano i-sterilize ang 10 iba't ibang feeding bottles. Ang proseso na ginawa nila ay ang pag-setrilize ng bote sa 95°C na tubig. Matapos nito ay ang paghalo ng formula sa loob ng nasabing bote sa pamamagitan ng pag-shake.
Napag-alaman nila na ang pag-gamit ng mainit na tubig at ang pag-shake ng bote ay nagpro-produce ng microplastics. At dahil ang mga sanggol ay madalas na umiinom ng gatas mula sa feeding bottle, nakakainom ito ng average na 1.6 million microplastics sa isang araw.
Mas mataas ang insidente na mas mataas sa bilang na ito ang mga naiinom ng mga bata mula sa Amerika, Australia, at Europe. Ito ay dahil na rin sa mas mababang bilang ng breastfed babies.
Dapat bang ikatakot ang pagkakaroon ng microplastics sa feeding bottles?
Dahil sa resulta ng kanilang pag-aaral, sinasabi ni Professor Boland na kailangan ng mas malalim na pag-aaral sa epekto ng microplastics na ito sa kalusugan.
“We have to start doing the health studies to understand the implications. We’re already working with colleagues to look at what buttons in the immune system these particles begin to press.”
Karaniwan kasi na nailalabas rin ng ating mga katawan ang microplastics na ito, ngunit hindi pa alam kung saang mga organs ito nananatili at kung makakaapekto ito sa pag-function ng mga ito.
“I’ve already gotten rid of all those [food] containers I used to use and if I had young children I would modify how I prepare [milk formula]... The message is the precautionary principle.”
Inimumungkahi niya at ng mga kasama niya na maaari rin na ibahin ang paglinis at pag-prepare ng gatas ng bata. Maaaring magpakulo ng tubig sa non-plastic container at palamigin muna ito bago ipanghugas sa bote matapos itong i-sterilize. Ito ay para maiwasan ang pagkakaroon ng microplastics sa feeding bottles.
Puwede ring haluin ang gatas sa ibang non-plastic na lalagyan bago ilipat sa feeding bottle. Mayroon ding suhestiyon na gumamit ng glass na feeding bottle.
Sa palagay ni Professor Boland, makaka-reduce ito ng microplastics sa feeding bottles.
“The last thing we want is to unduly alarm parents, particularly when we don’t have sufficient information on the potential [health] consequences.
However, we are calling on policymakers to reassess the current guidelines for formula preparation when using plastic infant feeding bottles.”
Sources: The Guardian, NPR, GMA
Also read:
Contamination of bottled water: Study reveals plastic particles
Study: The salt in your kitchen could come with microplastics
Dad busy playing with smartphone didn’t notice daughter choking on her milk
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!