Matapos ang matagal na paghihintay, dating beauty queen Miriam Quiambao buntis sa kaniyang unang anak bagamat inaming nakakaranas ng napakasensitibong pagdadalang-tao. Ito ay dahil sa sakit na APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome na kaniyang ibinahagi sa Instagram ng mapansin ng kaniyang mga followers ang mga pasa sa kaniyang tiyan.
Miriam Quiambao buntis
Hindi nga maipaliwanag ang saya at pagpapasalamat nina Miriam Quiambao at asawang si Ardy Roberto ng ipaalam nila sa publiko na sa wakas ay buntis na si Miriam Quiambao matapos ang ilang taong paghihintay nitong Agosto.
Sa edad na 43, itinuturing nga ng mag-asawa na ang pagbubuntis ni Miriam ay isang milagro na kung saan tinatawag nila itong “miracle baby.” Dahil daw ito sa edad at kondisyon ni Miriam na kung saan ang tiyansang niyang magbuntis ay 1-2% lang.
View this post on Instagram
A post shared by Ardy Roberto (@ardyroberto) on
Sinundan nga mga netizens ang pagbubuntis ni Miriam lalo na ng iba pang tulad niya na matagal ring naghintay para magdalang-tao. Kaya naman hindi lumampas sa mga mata ng netizens ang mga pasa sa tiyan ng dating beauty queen ng minsang mag-upload ito ng kaniyang pregnancy development photo sa Instagram.
Mabilis naman niyang sinagot ito at inaming siya nga may Obstetric APAS at kailangan niyang mag-inject gabi-gabi sa buo niyang pagbubuntis para maproteksyonan ang kaniyang baby.
Screenshot from Miriam Quiambao’s Instagram account
Sa isa niya nga ring post ay ibinahagi ni Miriam na siya nga ay nakakaranas ng napakasensitibong pagdadalang-tao dahilan para kaniyang i-cancel ang mga speaking engagements niya sa loob at labas ng bansa. Ito ay para makaiwas sa stress, infection at radiation sa eroplano na maaring ikapahamak ng kaniyang pinagdadalang-tao.
View this post on Instagram
A post shared by Miriam Quiambao-Roberto (@miriamq888) on
Ngunit ano nga ba ang APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome at gaano kadelikado ang sakit na ito sa isang babaeng nagdadalang-tao?
APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome
Ang APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome ay isang sakit na kung saan ang isang tao ay may mataas ng level ng antiphospholipid antibodies (APA) sa kaniyang dugo. Dahil sa mataas na presensya ng APA sa dugo, mas nagiging malapot ang dugo ng taong may APAS na posibleng maging dahilan ng pagbabara nito sa ugat o vein.
Ayon sa statistics, isa hanggang limang porsyento lang ng 100 na tao ang nagkakaroon ng sakit na ito. Ito ay isang abnormalidad sa antibodies ng isang tao na kung saan ang mga “autoantibodies” ay inaatake ang mga protina sa dugo na tumutulong sa blood clotting.
Ang pagkakaroon naman ng APAS sa isang buntis ay maaring magdulot ng mga sumusunod:
- Pamumuo ng dugo na maaring magdulot ng heart attack, stroke o pulmonary embolism
- Mababang level ng platelet sa dugo
- Rashes at skin ulcers
- Miscarriage at iba pang pregnancy complication tulad ng preeclampsia, thrombosis, autoimmune thrombocytopenia, fetal growth restriction at fetal loss
Hanggang sa ngayon ay hindi maipaliwanag kung paano nade-develop ang APAS sa isang tao, ngunit mas mataas ang tiyansa ng pagkakaroon nito kung ang isang tao ay nakakaranas ng sumusunod:
- Kung may impeksyon tulad ng HIV, syphilis, Hepatitis C o Lyme Disease
- Gumagamit ng amoxicillin o ano mang gamot sa blood pressure, heart rhythm, seizure o pangingisay
- May SLE o Systemic Lupus Erythematosus.
- May kamag-anak na may APAS
Ang mga sintomas naman ng APAS ay ang sumusunod:
- Livedo reticularis o ang pagkakaroon ng mga tila kulay pasa sa balat madalas sa binti
- Pagkakaroon ng leg at finger ulcers o mga sugat sa paa at daliri
- Masakit na pasa sa katawan o purpura
- Pagmamanas at pagbara ng ugat sa binti
- Pagbabara sa baga o pulmonary embolism
- Atypical heart sounds o kakaibang tunog sa tibok ng puso
Nalalaman naman kung ang isang tao ay positibo sa APAS sa pamamagitan ng mga blood test para matukoy ang mga abnormalities sa dugo. Maari ding magsagawa ng CT scans at MRI sa mga taong may APAS na nakaranas ng stoke o atake sa puso.
Samantala ang APAS ay nagagamot sa pamamagitan ng mga blood thinners o pampalabnaw ng dugo o anticoagulants. Sa una ang gamot na ito ay ininjection sa katawan na itutuloy sa pamamagitan ng oral medication.
Ang mga buntis na babae naman na may APAS ay kailangang mag-inject ng blood thinners at mababang dose ng aspirin sa buong pagbubuntis hanggang sa bago manganak. Pagkatapos manganak ay kailangang magpapatuloy parin ang isang babae sa kaniyang treatment para maiwasan ang pagbabara ng dugo sa kaniyang ugat.
Ang APAS ay isang kumplikadong sakit ngunit maaring malampasan. Kaya naman sa kabila ng sensitibong kalagayan ay positibo parin ang dating beauty queen na si Miriam Quiambao at kaniyang asawa na maipapanganak niya ng maayos ang kanilang baby.
Sa ngayon si Miriam ay anim na buwang buntis at inaasahang magbigay silang sa kaniyang sanggol Marso sa susunod na taon.
Sources: MYVMC, EMedicine, WebMD
Basahin: Miriam Quiambao buntis sa kaniyang unang anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!